Untitled Part 17

1.2K 45 0
                                        


SO, ANO? ANO'NG KAILANGAN MO KAY PRUDENCE?" TANONG AGAD NI GERALDINE pagkasakay ng kotse, pagalit ang tono at ibinagsak pa ang pinto.

"Bakit ka ba nagagalit?" Galit na rin ang tono ni Cade. "I told you it wasn't intentional. The last thing I want to do is to be near you."

Umismid ang babae, "Pala, eh. De bababa na lang ako."

Binuhay ni Cade ang makina ng sasakyan, "Just like you, I also have a sense of duty. I feel obligated to drive you home safely." Pinaandar na niya ang kotse. Hindi na nagsalita si Geraldine. Cade made a couple of turns, at kamuntik na niyang lampasan ang isang maliit na gusali. Maliwanag pa doon, may dalawang lalaki sa harapan, naka-vest na reflectorized.

Huminto siya.

"Ipapa-Baranggay mo ako?" Bulalas ni Geraldine, nakamulagat sa baranggay hall.

"Sasabihin ko lang na bukas ang bahay nina Prudence, walang tao at wala ring ilaw, baka manakawan."

"Ah, okay." Binuksan rin nito ang pinto at nauna pa kay Cade bumaba. Ito na rin ang nangunang bumati sa dalawang tanod, "Magandang gabi po. Ahhmm, galing po kami kina Miss Igarte, kakausapin po sana namin si Prudence. Kaso po wala doon ang bata at bukas po ang bahay, lahat nang pinto--"

"Wala din pong koryente." Susog ni Cade. "Delikado po manakawan."

"Takot lang ng magnanakaw sa multo." Sabi ng isa sa dalawang tanod.

"Bakit po walang ilaw?" Tanong ni Geraldine.

"Baka pinutol. Hindi yata binayaran ng bata."

"Nasaan po kaya si Prudence?" Tanong ni Cade.

"Alam n'yo po ba kung saan nakatira ang pinakamalapit n'yang kamag-anak?" Tanong rin ni Geraldine.

"Naku, wala na yatang kamag-anak 'yong si Ma'am, nangamatay na. Pero ang bata, sinundo ng babae kanina. Naka-hatchback na asul." Tumingin sa kasama ang tanod.

"Wigo." Anang nakababatang tanod.

"Sino po kaya 'yun?" Si Geraldine.

"Hindi kami ang nakausap kanina, nung makita ko ay paalis na." Sagot ng mas matandang tanod.

Sumabat ang kasama nito,"Parang trainer daw ang intindi ko."

"Trainer." Ulit ni Geraldine.

"Nakita mo ang mukha, brad?" Tanong ni Cade sa mas batang tanod.

"Nasa loob ng kotse, hindi masyado...basta't hanggang dito ang buhok." Itinuro nito ang balikat.

"Ano n'yo po ba si Prudence?" Ang matandang tanod.

Nangunang sumagot si Geraldine, "Ah, teacher po ako sa Hillcrest. Estudyante ko po si Prudence, kakausapin ko sana, pakikiusapan na pumasok na ulit s'ya. Ito naman po si Cade, coach po ng mga bata."

"Ganoon ba. Wala naman kayong dapat ipag-alala, Ma'am , Ser. Ang alam ko ay nagsabi naman kay Kapitan 'yung trainer na susunduin ang bata. Hindi naman papayagan iyon ni Kapitan kung walang katibayan."

"Opo. Salamat po." Sabi ni Geraldine.

"Buhok lang nakita mo, brad?" Pangungilit ni Cade sa nakababatang tanod.

"Sticker sa likod ng oto."Ngumisi ang tanod at sinabi ang nakasulat sa sticker.

SEXY ON BOARD.

Common naman iyon pati ang sasakyan, Toyota Wigo na asul. But the odds that the 'trainer' was from school just got higher. May nakikita siya sa parking lot ng Hillcrest na ganoong sasakyan na may ganoong sticker sa likod.

Nagpasalamat siya sa mga tanod at dinukot sa bulsa ang cell phone. Nag-text siya sa kaibigang guard: BLUE WIGO. SEXY ON BOARD. FR SCHOOL. KILALA MO KANINO?

Nagpapasalamat na rin si Geraldine sa mga tanod, "..tsaka paki-ikutan na rin ho ang bahay, baka may makasalisi na hindi takot sa multo."

"Opo, Ma'am. Magdamag naman ang ronda namin dito. Sa katunayan, naikot na ang mga kasama namin, pagbalik nila ay kami naman."

"Opo. Salamat po. Ingat po."

Pinigil ni Cade ang urge na ipagbukas ulit ng pinto ng kotse si Geraldine. Hinayaan niya itong sumakay mag-isa.

Binusinahan niya ang mga tanod bago umandar. Malapit na sila sa Rizal Avenue nang dumating ang reply sa text niya. Binasa niya. Hindi siya makapaniwala.

"May kinukuhang flash drive kay Prudence si Angela. Nandun daw lahat nang kanta at movies n'ya. And pictures. Hindi naman sinasagot nung isa ang mga tawag. Mainit na ang ulo ni Angie, nagprisinta na akong dadaanan ko." Sabi niya kay Geraldine. Hindi totoo, siempre. Pero ayaw na niyang sabihin sa babae. Nag-iimbestiga rin ito at kapag nalaman ang mga nalalaman niya, malamang, sumama sa kanya.

He didn't want that. He didn't want her near. She made him uncomfortable. Her nearness was distracting.

"'kala ko naman kung ano na." Komento ni Geraldine.

"So, what do you think? Sino ang sumundo kay Prudence at nasaan sila?" Tanong ni Cade, para lang may masabi.

"Ewan. I don't even know what she's training for. Magtatanong na lang ako sa school."

:200%;cm7

Hudunnit SeriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora