Gulantang pa rin sina Cade at Geraldine.
Hindi lang dahil nakita sila ni Miss Vera. Dahil rin sa hitsura at ayos nito. Yoga pants, Nike trainers, sports bra. Nakatali ang buhok. Payat at mukhang tuyot pa rin ang mukha.
Pero ang katawan. Miss Vera wasn't thin. She was lean. Namumutok ang mucles sa balikat, braso. Her ass was tight. And the woman got abs. Hindi lang iyon, ibang-iba rin ang facial expression nito, pati ang paglalakad kaysa sa Miss vera na nakikita nila sa school. This Vera was energetic.
"Kayo?" Sabi nito sa kanilang dalawa. "I can't believe it but...I can believe it, of course. Tara sa loob, I just got your items from the courier."
Items?!
"Uh, I'm afraid you're---" wika nI Cade. Bilang siyang hinarangan ni Geraldine sa bintana.
"Ah, sure, sure. Tara, patingin. Excited na kami." Sabi nito. "Ahm, susunod na kami, may kukunin lang ako sa trunk. Pakihanda na 'yung items."
"Okay." Bumalik sa townhouse si Vera.
"What did you do?" Asik ni Cade kay Geraldine. "She obviously mistook us for --"
"Shhhh. Sakyan na lang natin."
"Why?"
"May items na tinitinda, eh. Malay mo, drugs."
"Malay mo, HerbalLife?" Sarcastic si Cade.
"Basta, sakyan na lang natin para makapasok tayo."
"Makakapasok pa rin naman tayo kahit hindi natin sasakyan? We'll just tell her we're here for Prudence."
Mukhang napaisip si Geraldine, "Actually---may tama ka."
"You think this is some cop show?"
"Oo, na nga, eh. Tama ka. Ako na mali. Kaso, nasakyan ko na, eh. No choice ka kung hindi makisakay dahil muka tayong tanga pag binawi natin. Kung may ginagawang milagro 'yun, magdududa na sa atin t'yak. Magiging defensive na 'yun, mag-iingat na sobra, itatapon na lahat ang ebidensya---"
"Okay, fine, I get it." Binuksan niya ang pinto ng kotse, nakabara pa doon si Geraldine, "Excuse me."
"Oops, sorry."
SA labas, identical ang mga townhouses. Pero sa loob, duda si Geraldine na kamukha rin ng sa mga kapitbahay ang unit ni Miss Vera. Nagulat siya sa interior. Pang-yayamanin ang fixtures at mga furniture. May color scheme--subdued yellows, oranges, browns. Mga kulay ng sunset at pati ilaw ay iniakma sa theme. Malamlam na madilaw, nagmumula sa likod ng TV stand at sa biog-bilog na capiz lamps na nakasabit sa isang sulok.
Ang hagdanan ay nasa pagitan ng salas at dining/kitchen areas. Kahoy ang rectangular na dining table, may bench na kahoy rin sa isang side, ang katapat ay tatlong wrought-iron chairs. May crystal bowl ng mga totoong prutas sa ibabaw ng mesa--saging, papaya, mga Indian mango at avocado.
Nasilip rin ni Geraldine ang lutuan. Induction type, may oven. Nakahilera sa katabing counter ang mga blender, juicer, toaster pero parang walang rice cooker.
"Ganda naman ng bahay mo. " Komento niya kay Miss Vera. Hindi lang niya kayang itanong paano nito naa-afford ang lahat nang karangyaan?
"Thank you. Halika muna sa itaas, nandun 'yung items. Testengin mo muna para sure na gumagana." Umuna itong umakyat.
"Uh, may lakad ka ba? Hindi ba kami nakakaabala?" Sumunod siya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Hudunnit Series
Любовные романыA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
