Untitled Part 18

1.2K 49 2
                                        


HINDI relief ang naramdaman ni Geraldine pagbaba niya sa kotse n Cade. Panghihinayang. Sayang na sayang. Ang ganda ng simula--smooth, easy, walang friction, they were naturally drawn to each other. Yeah, the sexual chemistry was unmistakeable, that was why it was so easy to seduce him.

Napabuntonghininga siya.

Nagkamali siya sa akalang killer si Cade, oo. Pero hindi siya mali na hinangad niyang mahuli ito at maparusahan. Tungkulin niya bilang tao na unahin ang truth and justice kaysa ano pa man.

Dapat alam iyon ni Cade. Dapat tanggap nito ang ginawa niya. Imbes na kagalitan siya, dapat hinangaan siya dahil bihira ang kagaya niya sa Pilipinas. Sa katotohanan at katarungan, doon palpak ang mga Pinoy dahil ang sense of duty and loyalty ng mga ito, nasa mga tao lang na hinahangaan, nasa mga taong mas nakapagbibigay ng pribileheyo at pansariling benipisyo, wala sa bansa at sa lahat nang kapwa.

Samantalang siya, kung malalaman niyang gumagawa ng masama ang taong pinagkakautangan niya ng loob, maging ng kanyang buhay man, isusuplong pa rin niya sa batas. Hindi bale nang maghirap siya at magutom ang pamilya niya. Ipaglalaban niya ang katotohanan at katarungan.

Napakapit siya ng mahigpit sa bakal ng pasimano.

Truth and Justice. Iyon ang ipinaglalaban niya, bakit hindi siya maintindihan ni Cade?

"Miss G, may kausap ka po?"

Napalinga siya. Si Benj, kapit-dorm niya, nagtatrabaho sa kung saan.

"Ha? Ah, w-wala. Nagpa-practice lang para sa Linggo ng Wika." Shit, nakakapit siya sa pasimano at nagsasalita pala siya mag-isa. Well, technically, may kausap siya. Sarili niya.

"Ah, 'kala ko po, may kaaway kayo."

"Wala." Hinagilap na niya ang susi ng silid sa bag at binuksan ang pinto niya. "Pero hindi pa ako tapos." Aniya nang makapasok at maisara muli ang pinto, "Cade should appreciate the fact that I am a woman of principle, integrity and honor."

Napaismid siya. Pero ano ba ang aasahan niya sa isang dumb jock? Ang ego ni Cade, mas malaki pa sa Asia, kaya hindi matanggap na napag-isipan niya ito ng hindi maganda.

Kaso lang...

Pabagsak siyang naupo sa kama. Cade was also soooo handsome and, "Aah!" Nakuyom niya sa ere ang palad. Cade got that animalistic appeal and he's got that habit of invading her personal space...and everytime he does it, it was hard ..no, impossible to pluck herself out of that human black hole, because it felt so good to be enveloped like that....

I feel like money inside the ampaw.

She winced at her metaphor, kakahiya naman kay Angela. Speaking of Angela...hinalukay niya sa bag ang cell phone...pag may Angela, may Prudence at nawawala si Prudence, sumama sa 'trainer' na alam niya kung sino, kahit hindi kapani-paniwala. Kilala niya ang kotseng binanggit ng mga baranggay tanod.

Hindi lang niya sinabi kay Cade dahil, Bakit ko sasabihin? Hindi ko s'ya bati.

Nahalukay niya ang cell phone, binuksan niya ang messenger at nag-type ng message kay Missy. Gusto sana niyang tawagan para mas mabilis, pero instinctively, alam niyang siya ang magdudusa pagkatapos. Missy was the clingy type. Iisipin nitong porke tinawagan niya, pwede na rin itong tumawag nang tumawag sa kanya. Poor girl, uhaw na uhaw siguro sa atensyon. Pero hindi naman pupuwedeng ito lang ang papaboran niya. Isa pa, sub lang siya ng teacher na nag-maternity leave, ilang buwan lang niya makakasama ang mga estudyante, hindi healthy na ma-attatch masyado sa kanya si Missy.

cR7

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now