Untitled Part 31

1.1K 46 0
                                        


Hindi sina Angela at Missy ang una niyang nabungaran sa library. It was the word, PLAGIARISM. Nakasulat sa cartolinang puti, naka-tape sa bintana...hindi lang doon. Sa buong library, may mga papel, karton na naka-tape sa shelves, tables, walls. Nakasulat ang PLAGIARIST, PLAGIARIUS, PLAGIUM. Ang iba, may definition pa sa ilalim: Literary thief, kidnapper of words...

"What happened?" Tanong niya sa mga kasama.

"Inaya po nila dito si Missy, sabi daw po, may surprise. Tas 'yan pala po, tas inasar na po nang inasar ni Angela si Missy."

Nagmartsa siya papasok, hinawi ang umpukan ng mga estudyante sa gitna. Wala pa ring librarian ang school at mga working students ang nagsasalitan bilang librarian. Mga estudyanteng kayang-kaya rin takutin at i-intimidate ni Angela and her crew.

Nakaupo sa sahig si Missy, her knees drawn at doon ito makasubsob. Umiiyak yata.

Angela stood over Missy. Haughty. "That's what you get for stealing. You're a thief!"

"Angela!" Saway nI Geraldine. "That's enough!"

"She's a thief." Sagot ni Angela. "And I have proofs." Dinagit nito ang mga papel na hawak-hawak ng isang kabarkada, "Here!" Isinalpak nito kay Geraldine ang mga papel. "She had the nerve to say that I only got the slot because you're screwing my dad!"

Gilalas si Geraldine. Hindi sa sinabi ni Angela. Sa luhang pumatak sa mga mata nito.

"Angie--"

"I don't care about you and daddy... I worked hard for my story. It's what I want. It's what I'm good at. No, I won't let anyone take that away especially this piece of shit!" Dinuro nito si Missy na nananatiling nakasubsob sa mga tuhod.

"Enough, Angela." Geraldine addressed the girl's friends, "Take her out of here, please. Ilayo n'yo muna."

"Oh, don't worry." Sagot ni Angela. "I'm done here." Animo kondesang nagmartsa palabas, kasunod ang mga dama.

Apat na lang estudyante ang naiwan, kabilang na si Missy. Mga kagrupo nito sa club. Mukhang awang-awa sa kaibigan si Storm. Pinalabas na rin muna ni Geraldine ang mga ito, "I will talk to Missy alone." Aniya at yumuko na para patayuin ang bata. Ayaw pa nitong tumayo. Ayaw rin mag-angat ng mukha.

Nagpapapilit ba ito?

Walang pasensya sa ganoong attitude si Geraldine, "Okay. Kung ayaw mo akong kausapin, bahala ka. May klase pa ako." Iniwan niya si Missy, sinadya pa niyang patumugin ng husto ang takong niya.

Nakaabang lang pala sa pinto ang mga pinalabas niya.

"Tanggalin n'yo 'yang mga nakadikit dito." Utos na lang niya kina Storm.

Nakabalik na siya sa faculty room nang marealize na hawak-hawak pa niya ang mga papel na isinalpak sa kanya nI Angela. Naupo siya sa dating pwesto at binasa ang mga nakasulat.

Printed copies ng mga screenshots ng ..kwento ni Missy na nakapost sa isang on-line storytelling community.

The Blood King of Galaxius ang title. Naka-highlight ng orange ang ibang parangraphs at dialogues. Inisa-isa niya ang mga printouts hanggang mapansin na iba nang kwento ang ini-scan niya. Hindi sa storytelling site kinuha. At hindi rin pala printouts. Photocopies ng mga pages mula sa physical book. A quick scan told her it was a Manga novel, translated in English.

Ghost of the Hungry Prince ang title. Naka-highlight iyon, pati ang ibang dialogues at paragraph, but this time, Angela used green highlighter.

Geraldine started reading and comparing the highlighted parts. By the time na tumunog ang bell, patapos na siya sa kwento ni Missy.

Fantasy-romance. Mga bampira sa kalawakan. Vampire King's apprentice was in love with him. Pinatay ni Girl Apprentice ang karibal kay Vampire Prince. Pumapatay si Girl Apprentice ng kung sinu-sino to please her love...and it was so clear that Angela was right.

Kinopya ni Missy hindi mismo ang Manga story, kung hindi iyong mga dialogues, ilang eksena at narration. Original ang plot ni Missy. May kwento ito. Hindi lang alam ni Missy paano ikwento at nangopya na lang ng mga dialogues na nagkataon naman nga na tumugma sa gustong sabihin ng mga tauhan sa kwento nito.

"Ay, magaling." Isinipit niya sa plastic folder ang mga papel at lumabas na ng faculty.

Hudunnit SeriesWhere stories live. Discover now