Untitled Part 19

1.4K 53 0
                                        


BIGLA niyang itinuro si Walden Rabe. Hindi ito nakikinig, nagliligpit na ng gamit, "Give me a metaphor for the current state of the nation."

"Huh?" Napamulagat ang binatilyo.

Nagsimula ng countdown ang mga kaklase nito. Iyon ang kasalukuyan nilang 'laro'. Magtatawag si Geraldine ng estudyante at magbabanggit siya ng rhetorical device. Kailangang makapagbigay ng halimbawa ang natawag bago matapos ang countdown na one to ten.

.....six...five..four..

"Ah..ah..is like the..is like.." kakamot kamot si Walden.

"Uh-oh, do we use 'like' in metaphors?" Wika nI Geraldine.

..three!

"Ah, is a...chicken in the wind!"

"Okay ka, rin, eh,'no?" Aniya sa estudyante.

"That's Tagalog, Miss." Sabi naman nito sa kanya.

"Linggo ng Wika ngayon, excuse me. Pwede mag-Tagalog kahit saan." Only in the Philippines, sa loob-loob niya, na ang sariling Wika ay malaya lang gamitin sa mga eskwelahang kagaya ng Hillcrest kapag Linggo ng Wika at Pilipino subject. "Anyway, the thing about metaphors, Walden, is, you don't just pluck it out from nowhere. It has to illustrate clearly what you are trying to say in relation to the subject. What does that even mean? The state of our nation is a chicken in the wind?"

"It means chicken can't fly miss. Our nation can't fly, it's just carried by the wind."

"That's what I'm saying. If you have to explain your metaphor, it doesn't fly. Like your chicken." Pumihit siya at iyong tawa nang tawa naman sa kabilang row ang itinuro niya, "Baste! Onomatopoeia for the state of our nation." Because, why not?

Ten...nine...

"Mac-mac-mac-chicken!" sagot ni Baste. May action pa.

Natawa si Geraldine, "Dahil d'yan, ito ang grade mo, ka-blag!"

"Aww, Miss--"

May nag-excuse me sa pinto. Tumayo agad si Walden, bitbit na ang backpack. May three minutes pa bago matapos ang period.

"Hindi ka nagmamadali , ano? Hindi pa bell, oy. " Comment ni Geraldine at sinenyasan ng 'one sec' ang nasa pinto.

"May practice kami , Miss. I need to go. Agahan daw namin sabi ni Coach Cade. " sagot ni Walden.

Umugong ang 'uuuyyy' sa klase. Geraldine felt like blushing. Alam pala ng mga tinamaan ng magaling?! Pinagtsi-tsismisan sila?!

"Hayaan mong maghintay ang coach na 'yan." Aniya.

Umugong ang 'weh'.

Hindi na niya pinansin. Lumabas siya ng classroom, sa hallway niya hinarap si Missy, "What is it?"

"Uh, Miss, 'yung address po pala na binigay ko kagabi, hindi nap o pala s'ya dun. Lumipat na po s'ya." May iniabot ito sa kanya na kapirasong papel.

Binasa niya, "Are you sure? Where'd you get this?"

"Sa kanya po, kanina."

"Ah, okay. Sige, thank you."

"Ahmm, Miss, do you have a moment?" hirit pa ni Missy.

"Uh, sure--" tumunog na ang bell. Saglit niyang iniwan si Missy para i-dismiss nang maayos ang klase niya.

Moments later, kaabay na niyang bumababa sa hagdan si Missy, "Miss, uh, g-gusto ko lang malaman kung nabasa n'yo po 'yung short story , inemai ko po sa 'yo."

"Ah, I see. Hindi ko pa nache-check emails ko, eh. Maybe later." She lied. Binanggit na ni Missy nang nakaraang gabi sa chat ang tungkol sa email nito. Iyong short story na hindi pumasa sa committee ng writers' con. Kung pwede raw basahin niya at bigyan ng feedback. Kutob niya, hindi matanggap ni Missy ang rejection at naghahanap ng validation na maganda ang ginawa nito.

Tiningnan niya. Binasa. Ng konte lang dahil hindi siya na-excite man lang sa kwento. Masyadong pangkaraniwan, hindi lang ang plot, pati na ang mga dialogues. Parang napanood sa TV o kung saan at inencode na lang. Literal na fictional ang characters dahil mukhang sa fiction rin kinuha. Parang may paboritong fictional character si Missy at iyon rin ang ginamit sa short story na sinulat nito, pinalitan lang ang pangalan.

Pero hindi pa niya alam paano kakausapin si Missy tungkol doon. May mga bagay pa siyang dapat unahin.

Gaya ni Prudence.

What was going on with her and Miss Vera?

Si Miss Vera ang may-ari ng kotseng binanggit ng mga tanod kagabi. Nakita niya noong isang araw. At tinanong niya kagabi rin kay Missy kung saan nakatira ang guidance counselor. Ibinigay sa kanya ang address pero lumipat na pala.

"I'll see you tomorrow, Missy." Paalam niya.

"yes, Miss. Ingat po."

do yoGl7+

Hudunnit SeriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora