YOU NEED TO TELL US." Maawtoridad na sabi ni Cade sa manager ng resort.
"It's not my jurisdiction, sir. I manage the resort but not the residential communities."
"I don't care. I kid might be in danger. They're starving her. Kailangan naming malaman kung saan ang bahay ni Master Lee. Idemanda n'yo ako pagkatapos, okay lang, naiintindihan ko. I-ban mo ko dito sa reort habangbuhay, but I need that address."
Hindi na kailangang magsalita ni Geraldine. Cade was in charge. Noon lang niya nakita ang side na iyon ng lalaki.
"L-Let me make some calls, Sir."
"Hurry up."
"Yes, Sir."
"We might be wrong but I'll take the chance. Truth be told, I'd rather be wrong. There's a kid in that house that might be starving to death. Believe me, I'd rather be wrong about this." Sabi pa nito habang dumadayal ang manager na medyo beki.
Maya-maya ay nire-relay na ng manager sa nasa kabilang linya ang mga sinabi ni Cade.
"Send security personels now." Sabat ni Cade. "Check the place out."
Parang ayaw pa pumayag ng pamunuan ng residential communities. Mabigat nga naman ang hinihiling nila. Paano kung manggugulo lang pala sila nI Cade sa bahay ni Master Lee?
"Just give us the fucking address!" Gigil na si Cade, obviously. "I don't care about your rules! A child is in danger!"
Geraldine understood fully Cade's fury. He was a father.
chapter twenty
PAYAT AT MAHABA RIN ANG BUHOK NG LALAKING NAGBUKAS NG GATE SA bahay ni Master Lee. Sobrang haba ng buhok. Hanggang pwetan na. Parang nasa thirties ang lalaki, nakasuot ng itim na workout pants at muscle shirt na pula.
"What the--" napaatras ito ng makita ang chief of security ng residential community, si Mr. Simon. Samson Simon. He looked like his name, maliban sa hindi mahaba ang buhok nito. In his fifties, he was big and burly. May tiyan at mas mukhang biker gang member.
"Ako si Mr. Simon, hepe ng security. Gusto naming makita at makausap ang bata." Sabi ni Mr. Simon, "Prudence Igarte."
Halata sa reaction ni Longhair na naalarma ito, "Uh, Boss, bisita lang ako dito." Luminga ito sa front door. May babae nang nakasilip doon, naka-uniporme ng dilaw na scrubs, nasa forties ang edad. "Tawagan mo si Master." Sabi dito ni Longhair.
"Sir--ahhm, Mister--" sabi nI Geraldine kay Longhair, "Kailangan naming makita ang bata. Ngayon na."
"Hindi ako pwedeng magdesisyon. Bisita lang ako."
"Hindi mo kailangang magdesisyon." Sabi ni Mr. Simon. "May authority akong pumasok kahit saang bahay dito kung mayroong emergency."
"Wala pong emergency dito."
"Ipakita mo sa amin ang bata, saka natin malalaman kung totoo ang sinasabi mo." Humakbang na si Mr. Simon, ginamit ang size para ma-intimidate si Longhair. Kasunod nito ang dalawang plainclothes security personels. Mga sikyu na hindi nakauniporme para hindi halatang sikyu. Sumunod na rin sina Geraldine at Cade.
Mga French colonial ang estilo ng mga bahay sa bahaging iyon. Dalawang palapag ang bahay nI Master Lee, may porch, may attic. Puti ang pintura, asul ang frame ng mga bintana. Mas maganda sana kung walang gate, sa loob-loob ni Geraldine, pero ganoon yata ang mga Pinoy. Hindi mapapakali pag walang bakod ang bahay. Hindi lang si Master Lee ang nagbakod ng bahay doon.
Apat ang baitang ng hagdan sa porch, tuloy-tuloy sila sa front door. Wala nang nagawa si Longhair, hinayaan na lang silang pumasok sa pangunguna ni Mr. Simon.
"Ang bata?" Dumagundong ang tinig nito sa loob ng bahay.
The interior was bright and airy, amoy lemon pa. Wala masyadong anik-anik. Malinis. Ni walang kurtina. Dark blue ang L-shaped couch, turquoise ang tatlong throw pillows na nasa isang panig lang ng sofa. May putting low table sa harap niyon, ang nakapatong lang ay cactus na nasa asul na paso.
"D-dadating na po si Master Lee. S'ya na lang po ang kausapin n'yo." Sabi ng babaing nakadilaw.
Inulit lang ni Mr. Simon ang sinabi, "Nasaan ang bata? Dalhin mo kami sa bata."
Hindi makasagot ang ale pero napatingin sa hagdan.
Hindi na nakatiis si Geraldine, kumaripas na siya doon.
"Miss! Hindi puwede---" walang conviction ang tinig ng ale. Kasunod na ni Geraldine si Cade at ang mga guwardiya.
Apat ang silid sa itaas, kasama na ang gym sa pinakadulo. Maliban sa basic gym equipments, nasilip rin ni Geraldine ang mga kahon sa sulok. Kagaya ng mga kahon sa kwarto ni Vera. Ah, si Master Lee rin ang distributor ng sex toys.
"Naka-lock, Sir." Tukoy ng isa sa mga sikyu sa silid na pinakamalapit sa gym.
"Pwersahin n'yo na." Sabi ni Mr. Simon.
"Ah, wait! Wait!" Awat ni Geraldine. Pumasok siya sa gym at lumapit sa pintong nakita niya sa tabi ng mga kahon. Bukas iyon. Mukhang masters bedroom ang silid na kadugtong ng gym. Pero walang tao.
Then they all heard Cade, "Over here!"
Noon lang narealize ni Geraldine na hindi niya kasunod si Cade. Tumuloy pala ito sa attic.
"Tumawag kayong ambulansya!" Sigaw pa ni Cade.
Humangos sila paakyat sa makitid na hagdan, habang rumradyo na ng ambulansya ang isa sa mga guwardiya.
Hindi iyon madilim at maagiw na attic. Malinis. Painted white. May sun roof pa kaya maliwanag at maaliwalas.
Pero balewala iyon lahat dahil sa tanawing tumambad kay Geraldine sa gitna ng silid. Kama na metal ang frame at headboard. Nakatali doon sa gamit ang putting panyo, si Prudence.
Pero hindi kamukha ni Prudence sa biglang tingin. Hapis na hapis na ang mukha ng bata, dilat na dilat ang mga mata pero parang walang nakikita. Naaawang ang bibig na sugat-sugat na.
"Prudence--" humangos si Geraldine sa kama, "Buhay pa ba s'ya?"
"I don't know--I can't feel a pulse." Sabi ni Cade.
Hinawi sila ni Mr. Simon. Ito ang nag-check ng pulse points ni Prudence, "Humihinga pa s'ya pero mahinang-mahina. Ilang araw 'ka n'yo'ng hindi kumakain at umiinom?"
"Four days na po." Sagot ni Geraldine. Simula noong magtresspassing sila ni Cade kina Prudence ang bilang nila. "Almost."
Napailing ang security chief at kinalagan si Prudence.
Hinawi ni Geraldine ang kumot ni Prudence. Mas nahambal pa siya. Buto't balat T-shirt at diaper lang ang suot.
"Prudence, si Miss G ito. We'll get you out of here." Aniya sa teen-ager, hinaplos niya ang mukha nito. Binawi agad niya ang kamay sa gulat. Ang lamig ng balat ni Prudence.
Narinig nila ang ambulansya.
Dinampot ni Geraldine ang backpack ni Prudence na nasa tabi ng kama sa sahig. Alam niyang kay Prudence dahil ginawa nitong keychain ang napulot na pito.
clasJvP
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Hudunnit Series
Любовные романыA mystery, romance, comedy , all in one novel. Someone murdered the school librarian and it's up to fearless MISS G to solve the mystery even if it means getting it on with the gorgeous football coach, CADE SAN LUIS, who may or may not be a cold-blo...
