6:

469 20 3
                                    

Third Person's POV

"Anong ginagawa niyo dito?!" Sigaw ng BTS.

"Kasama ko sila. May reklamo kayo?" Pacool at bored na sabi ni Xav sa mga hyungs niya.

"Eh bakit ganyan itsura ng mga yan? Bakit puro sugat at pasa? May kinalaman ka ba dito Xabrina?!" Tanong naman ni V na lumapit sakanya at niyugyog ang mga braso niya.

"Ituloy mo lang yang pagyugyog sakin, pagtapos kana, ihahampas ko sayo 'tong skateboard ko." Xav answered him and gave him a cold stare. Natakot naman si V sa inakto ni Xav kaya binitawan niya agad.

"I teached them a lesson. Wanna know why? Dahil sila ang bumugbog kay Yoongi. Jin hyung, pwede mo ba pakikuha yung first aid kit?" Sabi niya sa BTS na may halong pagtataka base sa reaction nila.

"You mean-" Hindi pa tapos ang sasabihin ni Jhope, when Xav interrupted him.

"Yep, tama kayo ng hinila. Ako may gawa ng mga pasa at sugat ng mga gagong yan. May angal kayo?"

"Xav! Ano ka ba naman! Bakit mo ginawa yun?! Eh pano kung ikaw napuruhan nila?! Sino tutulong sayo dun?!" Sabi ni Rapmon na may bakas ng pagaalala sa boses niya.

"Tanga kaba hyung? Kita mo naman na wala akong maski isang sugat o galos diba? Nakikita niyo naman siguro na sila ang napuruhan ko. And besides, I can take care of myself." Xav said with her usual bitch face.

"Nagaalala lang naman kami sayo Xav. You're like our sister, kaya natural lang na magalala kami." Sagot naman ni Jimin sakanya.

"Yeah, yeah. Na-appreciate ko mga sinabi niyo so pls cut the drama, dahil sukang-suka nako. Where's Yoongi? -_________-"

"He's in his room. Bakit mo natanong?" Jhope answered him. Napatingin siya kay Jhope but her gazes met Jungkook's. Una naman nagiwas ng tingin si Jungkook at napairap nalang siya.

"May gagawin lang kami. Hey! 3 eggnogs! Sumunod kayo sakin!" Tawag niya sa grupo ni Jelo.

"San mo kami dadalhin?" Takang tanong ng grupo ni Jelo na may halo din pagka-takot.

"Susunod ba kayo? Oh gusto niyo pa ng round 2?" Tanong ni Xav sakanila ng naka-pokerface. As usual.

"Here's the first aid kit, Xav" Sabi ni Jin habang inaabot niya kay Xav ang first aid kit.

"Thanks, Hyung!"

Yoongi'sPOV

I'm in my room while using my laptop and surfing the net. Nasa site ako ng company namin which is big hit. Tinitignan ko kung may updates ba from our CEO about our comeback. Remember, BTS is a kpop group under BigHit entertainment. I was in that state when someone suddenly opened the door. Ang lakas ng pagka-bukas kahit na may suot akong earphones dinig ko pa din. I turned my head to see who it was, then I was shocked nung makita ko si Xav at yung grupo ni Jelo.

"Anong ginagawa niyo dito? Bakit kasama mo sila, Xav? At bakit puno ng pasa at sugat yang mga yan? Don't tell me ikaw may gawa sakanila niyan?" Takang tanong ko sakanya, kaya naman napakunoot ang noo niya. Tch, this kid. Ang dali talaga mapikon.

"Alam mo ang daming mong tanong, isa-isa lang pwede ba? Oo, ako may gawa niyan. May angal ka din ba?" She answered with an annoyed face.

"Eh bakit kasama mo sila? Bakit nandito din sila?" Naguguluhang tanong ko pa din sakanya, eh nakakapagtaka naman talaga. Why is she with them.

"Sinama ko sila, sila ang gagamot dyan sa mga sugat at pasa mo." What the?! Kakaiba talaga 'to.

"What the hell Xabrina! Kaya kong gamutin ang sarili ko, ano kaba naman. At binugbog mo pa talaga sila para maiganti ako. How sweet of you." I teased her kaya napatingin siya sakin with her bitch face. Oh-uh, wrong timing yata ang pangaasar ko. I can see a very dark aura surrounding her. Tch.

Bad Ass DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon