Chapter 4

165 1 0
                                    

My so-called relationship with Dane has been doing well, so far. Dane is a very good actor. He calls me kapag nasa harap ang mga officemates ko, which is a perfect timing. He makes sure he drops by the office and nakikita ito ni Luke. Dane explained na hindi hahaluan ni Luke ng malisya ang pakikitungo ko sa kanya dahil alam nyang may boyfriend ako. That makes me more confident to be around Luke.

It's our second day in Batangas for our initial ocular visit sa site kung saan tinatayo ang branch ng Fashion Palace. Kasama ko pa rin sina Noel, Justin and Luke. But this time, Eva is with us, so I share the room with her sa staff house. Maagang natulog si Eva. Or should I say, gabi na, gising pa rin ako.

At 11PM, I received a text message from Dane.

Girlfriend, still awake?

When I said yes, he called. Nag-decide ako na lumabas ng kwarto para hindi maistorbo si Eva.

"Boyfriend, tulog na silang lahat. Bakit ka napatawag, gabi na?" Pakikipag-usap ko kay Dane habang palabas papunta ng veranda.

"Bakit hindi ba kita pwedeng kamustahin sa totoong buhay? Dapat laging drama?" Kunwaring pagtatampo ni Dane.

Napansin kong naroroon din si Luke at may kausap sa kanyang cellphone. Pumwesto ako sa kabilang side ng veranda.

"Ano ba ginagawa mo ngayon?" Pangangamusta ko

"Nag-iisip"

"At ano naman ang naisip mo so far?"

"Next week is Holy Week. You have plans? Want to go to out of town?"

"Hhmm..." Nag-isip ako kung iinvolve ko sya sa plans ko sa Semana Santa. "Actually, meron kasi akong panata kapag Holy Week"

"Ah, ok. So that means hindi kita makikita ng matagal? Out of town ba yan lakad mo?"

"You like to come with me? Visita Iglesia"

"Sure. Sige. When?" Puno ng excitement ang boses ni Dane.

"Friday. Pero nagko-commute lang ako ha. Hindi pwedeng may private vehicle. Are you sure you want to come?"

"Of course. Mas marami pa akong hirap na naranasan sa COCC kesa sa pagko-commute. So set na yan ha"

Naramdaman kong tumahimik ang lugar. Lumingon ako to check if nakaalis na si Luke sa kabilang side ng Veranda.

He is still there. Quietly looking at me.

"Girlfriend, hello! Hello, are you still there?" Paninigurado ni Dane.

"Yes." I managed to answer while I still hold my view of Luke in the dimmed corner.

"Cge na, inaantok ka na yata. Bye girlfriend"

"Bye boyfriend..." Then I ended the call. "Are you eaves dropping?" Tanong ko kay Luke.

"Walang I love you?" Pag-uusisa ni Luke

"Bakit? Kailangan magsabi lagi ng ganun?" Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko. "I don't say those words sa mga naging boyfriend ko"

"Ha? Bakit?" Gulat nyang tanong. Humarap talaga sya sa akin upang ipakita ang kanyang interest sa isasagot ko.

"I just don't."

"Kaya pala hindi nagtatagal ang mga boyfriend mo sayo. Hindi ka naman pala seryoso sa kanila... Ito bang boyfriend mo ngayon, seryoso ka?"

"Seryoso naman ako sa mga relationship ko. Sa sobrang seryoso, kapag nakita ko na wala naman patutunguhan, tinatapos ko na agad. What's the point di ba?" Naiirita kong paliwanag. "Teka nga, bakit nandito ka pa, tapos na kayo mag-usap ng fiancée mo di ba?"

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Where stories live. Discover now