Chapter 8

148 1 0
                                    

"Have you heard the news?" Halos kumakaripas si Eva papunta sa cubicle ko.

"Ano yun?" Curious naman ako dahil sa expression ng mukha ni Eva, mukhang big news ang ikkwento nya sa akin.

"Luke submitted a two-week-notice-resignation-letter"

Wala sigurong isang salita na magdedescribe sa nararamdaman ko noong pagkakataon na iyon. Gulat, kaba, panghihinayang, denial, at lungkot. Ilan lang ito sa mga emotions na bumuhos sa akin. Dahil siguro doon, hindi ko nagawang magsalita.

"Ang sabi nila may tinaggap syang offer sa Korea. It's so sad. Power group pa naman tayo..." patuloy ni Eva.

"Ang bilis naman" Hindi ko na rin naitago ang panghihinayang.

"Oo nga eh. Usually 30 days notice, pero balita ko tinaggap naman ng Management ang 15 days"

@@@@@@@@

Sometimes, work can be really demanding. Dahil naghahabol sa oras, we were mandated by the Excom to complete the major renovation of our Subic branch bago ang last day ni Luke sa kumpanya. Tatlong araw ang binigay sa amin na timeline. Aside from Luke, Justin and Noel, kasama namin ang magiging kapalit nyang si Ian.

I would describe our last working days as toxic. We were all determined to finish the renovation for Luke. I would have to give it to the boys and their undeniable teamwork kung bakit namin natapos on the dot ang mga dapat tapusin.

Usually, after each day, I go straight to my room sa staff house. But tonight, nagpaunlak ako sa planong night out ng mga boys, bilang despidida ni Luke. It was Dane who encouraged me to go.

"Malaki ang tiwala ko sa'yo. It has been two months, Tanya. I know you are ready" Pagpapalakas ng loob sa akin ni Dane habang magkausap kami sa cellphone.

"What if akala natin ready na ako pero yun pala I'm not?"

"At least last day na nya." Natatawang sabi ni Dane.

Napiling magcelebrate ng mga boys sa isang acoustic bar sa Boardwalk. Hindi ako naging kumportable sa buong gabi dahil umupo si Luke sa tabi ko. Gaya ng inaasahan, hindi kami nag-usap. Ang napansin ko lang, naparami ang pag-inom nya. Alam kong pinakamababa ang alcohol tolerance ni Luke. Still, ang newly hired na si Ian ang unang bumagsak sa kanila. Kaya nagpresenta si Noel na ihatid na ito. Nagpaalam na rin ako na sasama nang pauwi kina Noel at Ian, pero pinigil ako ni Luke. "Masyado mo namang pinaparamdam sa akin na hindi ako importante"

Napatingin ako sa mga kasama namin, nakikiramdam kung ano ang magiging reaksyon nila sa sinabi ni Luke. Walang kumibo. Nanatili na lamang ako sa aking upuan so Luke can keep his mouth shut.

Matapos ang thirty minutes na walang humpay na pag-inom ni Luke, nagyaya na si Justin. "Pare, tara na. Hindi mo na kaya eh"

"Tatawagan ko na si Kuya Amor kung pwede na nya tayong sunduin" Pag-offer ko. Laking hulat ko nang hablutin ni Luke ang cellphone ko.

"Ayokong umuwi. Dito ka lang. Dito lang tayo!" Sumisigaw na sabi ni Luke. Nagsimula nang magtinginan ang mga tao sa amin.

"Ilabas na natin sya" Sabi ko kay Justin. "Luke, akin na yun phone ko"

"Hayaan mo na muna sya. Baka magwala pa dito" Pagmungkahi ni Justin. "Tulungan mo na lang akong ilabas sya"

Pinagtulungan naming alalayan si Justin palabas ng bar. Si Justin na ang nagpresenta na kumontak kay Kuya Amor. Pero dahil nagloloko ang signal, kinailangan nyang bitawan si Luke upang pumwesto ng maayos at makakuha ng reception.

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Where stories live. Discover now