Chapter 6

145 3 0
                                    

"This is the safest place where we can spend time together. I hope you don't mind na dinala kita dito" Luke was trying to explain kung bakit naroon kami sa kanyang studio type condo unit.

"Am I really safe here? Hahaha!" Pagbibiro ko. Mahigit dalawang buwan na kaming patagong nagkikita at nakakaramdam na kami ng panunukso mula sa aming mga officemates dahil daw sa aming closeness. Kaya mas lalo kaming nag-iingat.

Uknown to Luke, every single time na magkasama kami, lumalalim ang feelings ko para sa kanya. The painful part is that Carla is still in the picture. At alam kong sya ang bida. Sometimes, kailangan kong tiisin ang pakikipag-usap ni Luke sa kanyang fiancée over the phone habang magkasama kami. Sino ba naman ako para magreklamo? Good thing, I have Dane at the end of the day. My pride is still intact. Kahit sa paningin man lang ni Luke, mayroong taong nagmamahal sa akin gaya ng pagmamahal sa kanya ni Carla. Dane became my security blanket.

"Define safe..." I can sense Luke teasing me.

"Are you flirting with me?"

"Is it effective?" Lumapit si Luke sa akin. Malapit na malapit. "Am I giving you that electrifying feeling?"

"If I say yes, what are you gonna do?" Paghahamon ko. Sa dalawang buwan na pinagsamahan namin ni Luke, hindi sya nag-attempt na halikan ako o yakapin man lang. Kuntento na syang hawakan ang kamay ko.

"If I kiss you, what will that make me?" he asked in a serious tone.

"I don't know. Maybe that will make you a bad person. A two timer? Or a man who steals somebody else's girlfriend" markang marka ang sarcasm sa pananalita ko.

"Then..." Inilapat ni Luke ang katawan ko sa katawan nya "Let me be that bad person"

Parang isang napakalaking bomba ang pinakawalan ng katawan ko nang halikan ako ni Luke sa labi. I can feel the passion in his touch, in his kiss. I simply gave in, wrapping my arms around his neck.

"I want you, Tanya" bulong ni Luke. "I want you so badly"

"I... can't resist you, Luke"

At muling naglapat ang aming mga labi.

Gently, Luke lead me to his bed. Naglalaro sa isip ko kung ano na naman itong pinapasok ko. Naging maingat akong babae, lalong lalo na sa ganitong mga pagkakataon. Pero heto ako, handa sa akung ano man ang pwedeng gawin sa akin ni Luke.

Ramdam ko ang init ng mga labi nya sa aking leeg, pababa sa aking dibdib. "Are you nervous?" Tanong ni Luke.

Tumango ako.

"Nanginginig ka, Tanya..." Hinagod ni Luke ang buhok ko. "Please, tell me it's not gonna be your first time"

Hindi ako nakakibo.

"Shit!" Agad tumayo si Luke mula sa pagkakapatong ng kanyang katawan sa akin. Umupo sya sa gilid ng kama, tumungo.

Sa sobrang panlalambot ng aking katawan, hindi ako makaalis sa aking pagkakahiga. Inihilig ko na lang ang mukha ko sa unan upang itago ang namumuong luha sa mata ko.

Maya-maya, naramdaman kong tumabi sa akin si Luke. Hinagod nya ang buhok ko at bumulong "Tanya, I'm so sorry. I didn't know" Nang halikan nya ang ulo ko, tuluyan nang bumuhos ang emosyon ko.

Humihikbi akong humarap ako sa kanya at sinubukan kong magsalita. "Luke... Ano ba itong ginagawa natin?"

"God knows I tried to avoid this. Pero ang hirap mo talagang iwasan. I am really drawn to you."

"Did you..." Alam kong wala akong karapatan tanungin kay Luke ang gusto kong malaman. Pero hindi rin siguro ako mapapakali kung hindi ko ito gagawin. "Did you do it with Carla?"

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Where stories live. Discover now