Chapter 9

165 3 0
                                    

Tonight, I am treating the boys to a night out because of three things: Una, we are done with the final phase ng construction para sa branch ng Fashion Palace sa Vigan; Pangalawa, I recently got a promotion and a big time raise; Pangatlo, I have been boyfriendless for a straight 20 months!

My outlook became clearer because of what Dane taught me. I got into a realization that I don't need someone to make me whole. Hinayaan ako ni Dane na tumayo sa sarili kong paa. He prepared me very well, lalo na sa pag-migrate nila ni Nicole sa Canada. We remained good friends, and that's what I cherish the most.

Sa pagiging single ko, natutunan kong kilalanin ng mas malalim ang sarili ko. I am more in touch of my true emotions. Mas kaya kong i-identify kung ano ang nararamdaman ko. Hindi na ako natatakot sa sarili kong feelings. Alam ko kung ang nararamdaman ko ay pagmamahal para sa isang kaibigan. O higit pa. Kaya ko nang sabihin at aminin sa sarili ko kung ang nararamdaman ko ay totoong pag-ibig.

"Congratulations sa promotion mo, Tanya." Bati ni Justin na medyo tipsy na. "Pero alam mo" Biglang hininaan ni Justin ang kanyang boses "kung tutuusin, dapat hindi ka magcecelebrate ng 20 months mo ng pagiging single eh"

"Ano? Bakit mo naman nasabi?" Pagtataka ko kung saan nanggaling yung sinasabi nya.

"Siguro dapat naging kayo ni Luke eh. Hahaha!"

"Lasing ka na"

"Hahaha!" Tawa ni Justin, sabay inom ng beer.

@@@@@@@@

After a few hours ng brainstorming session namin sa bagong design ng Fashion Palace sa Cebu, inaliw-aliw ko muna si Justin. Kinamusta ko sya, ang misis nya na bagong panganak at ang kanyang bunso. Naghahanap ako ng tyempo kung paano itatanong ang tungkol sa sinabi nya noong night out namin sa Vigan. Ilang araw din akong nag-iisip tungkol dun, kaya kailangan ko nang malaman kung ano ang pinanggalingan ng comment nyang iyon.

"May sinabi ka sa akin nung lasing ka..." I decided that the best way is just to say it straight. "Sabi mo, dapat naging kami ni Luke... Saan naman galing yun?"

Napatulala sa akin si Justin, tila nag-iisip ng isasagot. "Uhm..." Tumingin sya paibaba. Pagilid. Pataas. Sa wakas, nagsalita ulit sya. "Ok, sige... since matagal na rin naman. Mahigit isang taon na, at halos two years na nga yata... at wala na naman sya dito sa kumpanya... ok lang naman na siguro sabihin sayo..."

"Ano yun?" Bumilis ang tibok ng dibdib ko.

"Naging confidante ako ni Luke noon tungkol sainyong dalawa."

"Ano'ng alam mo tungkol sa amin?"

"Lahat... or hindi naman siguro lahat. Madami. Madami syang kinikwento sa akin. Simula pa lang nung yayain ka nyang manood ng basketball game."

"Well... I was just... I guess I was just his fling"

"Ang alam ko, seryoso sya sa'yo. Hindi fling ang turin nya sa'yo. Hindi sya ganung klaseng lalaki. Maprinsipyo yun eh."

"Why didn't he choose me? Pinapili ko sya between me and Carla."

"Di ba hindi naman sya sumagot? Nabanggit na nga nya sa akin noon na gusto na nyang hiwalayan yung fiancée nya para sayo. Ang kaso..."

"Kaso?... Kaso ano?"

"Minahal mo ba sya?" Biglaang pagtatanong ni Justin.

"Alam mo, you're killing me with the suspense! Sabihin mo na sakin... Kaso ano?"

"Kaso natakot sya. Alam mo naman kung ano ang isasakripisyo nya para sayo di ba? Eh may hinihintay sya sayo na hindi nya nakuha."

"Ano nga yun? Ihahampas ko na itong perspective sayo! Ituloy tuloy mo na yung kwento mo." Idinaan ko sa biro ang pagka-tense ko sa mga revelations ni Justin.

"Wag mo kasi akong i-distract. Hahaha!" Natatawang sagot nya, bago muling ituloy ang pagkkwento. "Eh kasi hinihintay nyang sabihin mo sa kanyang mahal mo sya. Wala syang narinig sayo eh"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko na nagawang makinig sa iba pang sinasabi ni Justin pagkatapos noon. Buong gabi kong pinanghihinayangan ang pagkakataon. Bakit ba kasi hindi ko nasabi sa kanya? Bakit ba hindi na lang nya ako tinanong ng derecho. Bakit ba nya kailangang manigurado? Nakakanis!

Pakiramdam ko, pinamukha lang talaga sa akin ng tadhana ang kapalpakan ko noon. Hindi lang siguro kami talaga meant to be. Kamusta na kaya sya ngayon? Siguro ikinasal na sila ni Carla...

Binuksan ko ang laptop ko at sinubukan ko syang hanapin sa Facebook. Ngayon nagsisisi na naman ako kung bakit ko ba sya dinelete sa friends list ko.

After an hour ng paghahagilap sa kanya sa Facebook, sa Twitter at sa Instagram, hindi ko sya matunton. Haayy, kamusta ka na kaya Luke? Naaalala mo pa kaya ako, gaya ng naaalala kita ngayon?

Kung nakatulog ako sa kakaisip sa kay Luke, nagising naman ako sa pagpapatugtog ng radio ng Nanay ko ng paborito nyang Sunday's best. Kung hindi naglalaro ang tadhana, paano ko iiexplain ang timing na pagplay ng kanta ni Daniel Bedingfield?

I don't know why you're so far away

But I know that this much is true

We'll make it through

And I hope you are the one I share my life with

And I wish that you could be the one I die with

And I pray in you're the one I build my home with

I hope I love you all my life

Paano ko mapipigilan ang sarili ko na maka-relatesa lyrics ng kantang yan? Hanggang ngayon, pakiramdam ko kinakanta ito sa akinni Luke. 

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Where stories live. Discover now