Chapter 7

131 1 0
                                    

Tonight, Luke and I agreed to spend the night in his condo unit. After dinner, I insisted na maghugas ng pinagkainan namin.

Patapos na ako sa pagbabanlaw ng pinggan nang dahan-dahan akong niyakap ni Luke mula sa likuran. "Why so sexy while washing the dishes?"

Pagharap ko sa kanya, winisikan ko sya ng tubig sa mukha. Para kaming mga bata na napabayaan sa paglalaro ng tubig. Napuno ng halakhakan ang studio unit, kasama ang pagtili ko dahil sa walang tigil na pangingiliti ni Luke. Sinubukan kong tumakbo papalayo sa kanya pero nahuli ako ng kanyang mga bisig.

Binuhat ako ni Luke at iniupo sa counter top. Instinctively, I wrapped my arms around him and he reached his head towards mine. "You're a bad girl" May halong panunuksong sambit nya.

"At ano naman ang parusa ko?"

"This..." Inilapat ni Luke ang kanyang mga labi sa labi ko. Mariin at maalab ang mga halik ni Luke, na halos habulin ko ang paghinga ko. Ang kanyang mga kamay, hinahagod ang likuran at batok ko.

"Luke..." Halos pabulong kong sinambit ang pangalan nya.

Binuhat ako ni Luke papunta sa kanyang higaan. "Tanya, I don't think I can resist you again. If you don't want this to happen, tell me now."

Tumatakbo ang isip ko. Ibibigay ko ba sa kanya ang virginity ko? Kaya ko pa bang pigilan ang init na nararamdaman ko? Please, Tanya! Mag-isip ka!

"Wait..." I sat up, but still holding Luke's arm. "May sasabihin ako..." I checked first if he is attentive to what I am saying. When I made sure, tinuloy ko ang gusto kong sabihin "I am breaking up with Dane"

"Why?" Halata ang gulat sa mukha ni Luke nang sabihin ko sa kanya ang desisiyon ko.

"Because I don't want to be with him anymore. I want to spend more time with you. And you alone"

Ang inaasahan ko ay reaksyon ng pagkagalak. Ngunit iba ang nakita kong nagregister sa mukha nya. Hindi ko sigurado kung ito ay confusion, worry, o guilt. Binalewala ko ito.

"Luke, I want to be with you. Ayoko ng ganitong set up na magulo"

Tahimik si Luke ngunit patuloy syang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"I'm... I..." Hindi ko mapigilan na mautal. Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam kung saan sisimulan. "Masaya ako sa tuwing magkasama tayo. I was hoping if... I'm hoping to make this work"

Luke is still speechless.

"May isang tanong lang akong gustong tanungin. That will clear everything." Humugot ako ng isang malalaim na hininga saka muling nagsalita. "I want you to choose. Choose between me and Carla..."

Ang akala ko, pinakamahirap na ang simulan ang conversation na ito with that question. Mas mahirap pala ang maghintay ng sagot.

"You want me to choose between you and Carla... Anong nakain mo? Saan nanggaling ito?"

"Is it really that hard to choose?"

Tumayo si Luke at tumingin sa bintana "Give me some time to think it over. Hindi madali yun tinatanong mo sa akin"

"I need an answer now" Ipinakita ko na buo ang loob kong malaman ang sagot mula sa kanya. "Bakit, will your feelings change tomorrow? Or next week? Why can't you choose now?"

"Seryoso ka ba?"

Nagsimulang tumaas ang dugo ko "What, so you think laro laro lang ito? My God! I almost lose my mind everyday, then you ask me kung seryoso ako?"

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin