Chapter 1

1.9K 11 0
                                    

Maraming maraming salamat talaga saiyo Mark Zuckerberg!!!!

Ang pinakamabuting nagawa sa akin ng Facebook ay ang paglapitin ulit ang landas namin ng aking ultimate highschool crush na si Daniel Santos. At dahil feeling close na ako sa kanya nang hindi nya nalalaman, I'll call him by his nickname, Dane, like how his friends call him.

Bukod sa taong nagimbento ng FB, malaki din ang utang na loob ko kay Bobby Sanders na nagpasimuno ng #ThrowbackThursday. Dahil Huwebes ngayon, may old picture from eight years ago ang nai-tag sa akin, kay Dane, at sa iba pa naming schoolmates. Kuha ito noong COCC days namin sa Nuestra Senora de Guia Highschool.

Sir Santos ang tawag ko kay Dane noon. Ramirez naman ang tawag nya sa akin. Kung kausapin nya ako, puro commands. Tikas pahinga. Patakda kad. Pasulong kad. Ganoon lang kami ka-civil. Hindi nga ako sigurado kung naaalala nya pa ako. Kasi obviously, hindi naman kami naging close. Ahead sya sa akin ng isang taon. Third year ako nang sumali sa COCC upang maging cadet officer sa CAT the following year. Si Dane naman ang Corps Commander. Bihira nya kaming samahan sa training noon. Mas nakatutok sya sa CAT. Aside from that, he is also the Student Council President. Naging busy din sya sa pagsali sa mga regional at national quiz bees, kaya hindi na nakapagtataka na he graduated as class valedictorian. In fairness, kahit sandamakmak ang activities nya sa school, hindi sya mukhang haggard. Kung merong best personification ng description na tall, dark and handsome with matching brains, walang iba kundi si Dane na iyon. Nasa kanya na talaga ang lahat. Pati ang pagiging Prom King noong JS namin, hindi nya pinalampas. Yun lang, ano bang aasahan mong ugali ng isang gwapo at matalinong tao? Kilalang kilala sya sa campus na suplado. Isang babae lang ang may karapatang dumikit sa kanya. Ang kanyang girlfriend na si Beth Arnaiz.

Hhhm... Kamusta na kaya sila ngayon? Nagkatuluyan kaya sila?

Dinala ako ng curiosity ko sa FB profile ni Dane. Hindi man kami friends, open ang account nya to be viewed by others. Syempre una kong tinitigan ang profile pic nya. Lalaking lalaki ang kanyang facial features. Kahit semi-kalbo ang buhok, gwapo talaga. Ang mga mata nyang bilugan, tila nangungusap. Ang kanyang full lips naman, parang ang sarap halikan. Bagay na bagay ang bagong tubong balbas nya sa hugis ng kanyang mukhang prominent ang jawline.

Habang patuloy ako sa pag-stalk sa FB account ni Dane, ang excitement ko, unti-unting napalitan ng panghihinayang. Nakita ko sa mga albums nya na ikinasal pala sila ni Beth. At nagkaanak pa. Sa estimate ko, mga 3 yrs old na ang anak nilang babae. Ang mas nakakagulat kaysa sa pag-aasawa nila ng maaga, ay nadiskubre ko na Beth passed away a couple of years ago because of cancer.

Tsk, tsk... That was tragic. Bigla akong nagising sa katotohanan. Eight years have passed. Madami nang nangyari at nagbago sa aming mga pagkatao. We are no longer highschool students na pimples lang ang problema sa buhay. I wonder if he has already moved on sa nangyari sa asawa nya?

Nakita kong ni-like ni Dane ang #TBT picture namin. Agad akong nag-send ng friend request sa kanya. Hhmm... sana naman hindi na sya suplado ngayon.

Mabilis ding in-accept ni Dane ang request ko. Naisip kong hindi naman nya siguro ako dededmahin kung magsesend ako ng private message sa kanya. Sinimulan ko ang pagta-type.

Hi Sir Santos. Remember me?

OMG!!!! Nagreply sya! Super lucky throwback Thursday ang araw na ito!

I think I do, but I'm not quite sure. I remember you by name, Antonia Ramirez. I know you from highschool, I guess. But after I checked your profile pic, muntik na kitang hindi makilala. Hehehe!

Well, well well, Dane. At dahil sinagot mo ang private message ko, it will not be for long, you will be mine soon! Nagpatuloy ako sa pag-type.

Really? Baka mas lalong hindi mo ako makilala sa personal. Hahaha!

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Where stories live. Discover now