Chapter 5

149 1 0
                                    

There are two things I need to do today. First is to explain to Dane, and the next one is to act naturally around Luke.

"Hello" Sagot ni Dane sa kablang linya.

Alam kong wala akong dapat itago sa kanya, "Boyfriend... Sorry hindi na kita natext kagabi"

"At pinatayan mo pa ako ng cellphone. Ano ba nangyari sa'yo?" Tumataas na boses ni Dane.

"Uhm..." Bigla akong natigilan, pero alam kong kailangan kong sabihin sa kanya kung ano ang nangyari "nanood kami ng basketball game kagabi."

"Kami?! Sinong kami?!"

May ilang segundo bago ako nakasagot kay Dane "Kasama ko si Eva" Aarrggghhh! I tried. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya yung nagawa kong kapalpakan. Alam kong magagalit sya sa akin kapag nalaman nyang si Luke ang kasama ko. "Hindi ako nakapag-charge so na-lowbat yun phone ko. Nagkayayaan lang"

Dead air. Hindi kumikibo si Dane sa kabilang linya.

"Hello? Pinagdududahan mo ba ako?" Pagtatapang-tapangan ko. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala" Sabay baba ng telepono. Probably it's not the best way para pagtakpan ang nangyari, pero ito lang ang naisip kong paraan para hindi na nya ako mausisa pa. Saka na ako makikipagbati sa kanya kapag maayos na ang utak ko tungkol sa amin ni Luke.

Talagang naglalaro ang tadhana. Sa lobby pa lang ng Samson Tower, nagkasalubong na kami ni Luke papasok ng opisina.

"Hi" Pagbati ko.

Ngumiti sa akin si Luke. "Hi" Bati rin niya. "Nakatulog ka ba ng maayos?"

What did he ask me? Nakakaloka naming tanong iyan, pagkatapos nyang guluhin ang utak ko! "Yeah. Napagod siguro ako kakasigaw for James Yap last night" pagkukunwari ko. Sana lang effective sa paningin nya ang concealer ko na sadyang kinapalan ko para itago ang eyebags na dulot ng walang tulog. Kung bakit naman kasi nakapikit naman ako, pero ang diwa ko gising na gising pa rin buong magdamag.

Pagpasok sa office unit, tuloy-tuloy akong tumungo sa cubicle ko. Hindi ko na nakuhang magpaalam kay Luke nang maghiwalay kami ng way.

Pagbukas ko ng laptop ko, may pumasok agad na ym message sa akin.

Luke: Good for you at nakatulog ka ng maayos

Tanya: J

Luke: Can we talk over dinner later? I have something to clarify

Gosh! What should I do? If I will be honest to myself, gusto ko syang makasama ulit. Pero alam kong kapag pumayag ako, mas mahihirapan lang akong ayusin itong gusot na ito, emotionally speaking.

Tanya: Ok. I will meet you in Cubao later, after office.

@@@@@@@@

"Wala naman tayong ginagawang masama di ba?" Tanong sa akin ni Luke over dinner.

Tinitigan ko lang sya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot.

"I mean, do we have to keep this dinner a secret?" Pagpapaliwanag niya. "Bakit kailangan nating magmeet up pa dito kung magkasama naman tayo sa office and we can go here together?"

"What are you driving at?" Naiirita kong tanong "Yan ba ang gusto mong iclarify sa akin kaya ka nagyaya ng dinner?"

"Ang init naman ng ulo mo" Nakangiting sabi ni Luke. Dahil sa ganda ng pagkaka-smile nya sa akin, nawala ang asar ko at natawa din ako sa sarili ko.

"Nag-iingat lang ako Mr. Martin Cheon. Dahil andami mong fans sa office, I'm sure nakatingin silang lahat sa mga ginagawa mo. Sa mga babaeng kasama mo." Panunukso ko.

The Day She Said I Love You (PHR Novel)Onde histórias criam vida. Descubra agora