His Dark Past

3.7K 63 0
                                    

Rylie's



Mommy please don't go!!! Mommy!!!

Get off me!! I don't want you!! I don't love you!!

No mommy!!! No!! Please stay!!

"Mom!!!"  Hingal na hingal ako ng magising, nakuyom ko ang kamao at nagtagis ang mga ngipin ko.

Ilang gabi ko na  napapanaginipan ang tunay kong ina at ayaw ko ito dahil bumabalik lahat ng sakit mula sa madilim kong nakaraan.

"Ry? Are you okay? Bad dreams again?" Nagising na rin su Maye at nag-aalala nya akong inusisa.

Kapag nagtatanong sya ay sinasabi ko lang na stress ako sa trabaho kaya siguro ako binabangungot

Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang mapait kong pinagdaan noong bata pa ako, hindi ko pa rin kaya ikwento iyon sa kanya.

"Why are you calling mommy Rio?" usisa niya ulit ng hindi pa ako sumasagot.

"Y-yeah, I had a bad dream about her." pagsisinungaling ko.

"Huwag muna isipin yun sweetheart , ang masasamang panaginip ay kabaliktaran sa totoong buhay." pagpapakalma nya sa akin at hinagod-hagod pa nya ang likod ko.

But my dark dreams are real from my past!! Malungkot na saad ng isip ko.

Tinanguan ko sya at niyakap, I feel some peace of mind kapag yakap ko sya sa mga bisig ko. Inaya ko na syang matulog ulit.

Ilang oras na mula ng magising ako sa masamang panaginip pero hindi na ako nakatulog, kanina ko pa sya pinagmamasdan.

Sa kanya ako nakakahanap ng kaligayahan at kapayapaan sa isip ko, I know I love her pero may puwang talaga sa puso ko na siguro ay hindi na mapupunan kahit kailan.









Ricardo's



Isang linggo mula ng makatanggap ako ng tawag mula kay Amanda, nasa Pilipinas na daw ito kasama ang kanyang asawa.

Gusto daw nyang humingi ng tawad sa akin lalo na kay Rylei. Ngunit hindi ko pa rin nasasabi kay Rylei na narito na ang kanyang biological mother.

Paano ko sasabihin sa anak ko na narito na ang kanyang ina at gusto sya nitong makausap. Gayong alam kong kinasusklaman nya ito.

"Mahal?" hindi ko napansin na nakapasok na pala sa study room ang aking may bahay.

"Rio, mahal." Nag-angat ako ng paningin para makita sya.

Si Rio ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko kaya madali kong nakalimutan ang sakit ng pag-iwan sa akin ni Amanda.

Kung hindi nya ako iniwan ay hindi sana ako ganito kaligaya sa piling ng aking pinakamamahal na si Rio.

"Iniisip mo na naman ba kung paano mo maipapaalam sa anak natin na narito na si Amanda?" Umupo sya sa couch at binuklat ang family album namin.

Minahal nya si Rylei na parang tunay nyang anak, hindi nya ipinaramdam na hindi ito galing sa kanya.

"Hindi ko alam mahal kung paano, He hate her, no not hate he loathe her. Kaya naging mailap si Rylei sa mga tao, kaya sya nawalan ng tiwala sa mga babae. Kaya hanggang ngayon ay may lungkot parin sa kanyang pagkatao." nasasaktan ako para sa anak ko.

"He's a grown up man now mahal, at kaya na nyang harapin si Amanda, He needs to. Kailangan mapatawad na nya ito para tunay na syang maging masaya."

MY WOMANIZERWhere stories live. Discover now