TAKING YOU BACK

4.5K 75 0
                                    

"You're awake." Nakangiting sambit nya ng mapansin na nagmulat na ako ng mata.

Nakuha pa talaga akong ngitian ng hinayupak na ito na akala mo ay walang ginawang kasalanan sa akin.

"What the hell is happening? Where are you taking me?!" Marahas kong tanong sa kanya. "Ibalik mo ako kung saan mo ako kinuha or just stop this damn car!!!" Nagpapanic na saad ko.

"Hey, hey, please calm down sweetheart." pagpa-pakalma nya sa akin.

"How can I calm down? You are kidnapping me!!" Mataas parin ang boses ko.

Siguro ay medyo natataranta na sya sa pag sigaw ko kaya itinabi nya sa gilid ng daan ang sasakyan. May mga puno pa sa gilid ng daan, indikasyon na nasa Ilocos pa kami.

"I am not kidnapping you, I'm taking you back to our home." Mahinahon man pero matigas nyang saad.

Pero kung dati ay natatakot ako sa kanya kapag nag-iba na ang tono ng boses nya pwes hindi na ngayon.

Wala syang karapatan sa akin!! Hindi kami totoong mag-asawa!! Kaya hindi nya pwedeng diktahan ang kahit anong kilos o desisyon ko.

"Anong hindi? I don't want to go with you pero pinipilit mo ako!!" Matigas ko ding sagot sa kanya.

"Sweetheart please---" hindi ko na sya pinatapos.

"Never call me your  sweetheart !! Call me Maye just Maye!!"  Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

Hindi ko pa pala sya kayang harapin, sa isang bahagi ng puso ko ang nagsasabi na yakapin ko sya dahil miss na miss ko na sya.

Pero mas malakas ang bahagi ng puso kasama na ang utak ko na nagsasabing kamuhian ko sya dahil linoko nya lang ako.

"Ok, Maye. Please if you could give me a chance to explain." Biglang lumambot ang tinig nya.

"I don't need to hear your explanations." GA kong sagot.

"Well if you don't want to hear it, wala na akong magagawa." Sumusuko nyang saad.

"Now take me back." utos ko.

"Yes I am taking you back."

Pero imbis na ibalik nya ang sasakyan ay pinagpatuloy nyang tahakin ang daan palabas ng Ilocos.

"I'm taking you back weather you like it or not. I'm taking you back by hook or by crook." Seryoso at may awtoridad nyang saad.

"No!!!" Nanlaki ang mata ko habang tumitili.

"Please stop screaming."  banayad niyang alo sa akin

Sinubukan kong buksan ang pintuan ng pick-up na dala nya, pero shit lang kase naka child lock. Engot lang?! Syempre bilyonaryo magandang klase ang mga sasakyan nya.

"Ano pa bang kailangan mo sa akin?!  Hindi naman tayo totoong mag-asawa at wala akong kinalaman sa problema mo sa buhay!"  Sobra na akong nafufrustrate.

"Asawa kita!" tumaas na din ang boses niya.

"No!  We're not! Our marriage is fake! You fooled me!" Nabasag na ang boses ko, tumulo na ang mga luha ko.

"Alam ko na gago ako, lahat ng ginawa ko sa iyo ay mali, wala akong pwedeng idahilan doon pero para sa akin asawa kita at iuuwi kita sa ayaw mo man o hindi."  pinal niyang saad na diretso nalang nakatingin sa daan, kita ko din ang pag igting ng panga niya.

Wala na akong magagawa kundi sumama, iisip nalang ako ng paraan para matakasan sya. Nanahimik na lang ako, tinalikuran ko na lang sya. At pinunasan ang mgabluha ko.

MY WOMANIZERWhere stories live. Discover now