Rymiel Calix Veroz

3.6K 68 0
                                    

Hindi ko alam kung matatawa o mabubwisit ako kay Rylei, mula kaninang sinabi ko na panubigan ko ang umagos at manganganak na ako ay nagsimula syang mag panic.

Ikot sya ng ikot sa buong kwarto pero wala naman syang nagagawa sa mga sinasabi nya. Buti na lang at hindi pa ganoon lasakit ang tyan ko.

Sinabihan ako ni Emily tungkol dito, na pwdeng pumutok na ang panubigan bago pa man ako makaramdam ng pagsakit ng tyan.

Kailangan lang ay mabilis akong madala sa hospital bago pa man tumindi ang sakit na mararamdaman ko.

"Will you please calm yourself Rylei." galit kong saad sa kanya.

"Ok, ok tell me what to do, oh God." tumigil naman sya sa pag ikot, at huminga ng malalim.

"Listen, first get those bags and box, gamit namin yan ni baby.--- turo ko sa mga nakandang box at bag na laman ay gamit ko para sa panganganak.--- then put them into the car, hurry up ok." mabilis naman nya akong sinunod.

At ewan ko kung paano pero wala pang isang minuto ay nakabalik na sya agad sa kwarto.

"What are you feeling right now?" Nag-aalalang tanong nya dahil nakangiwi ako ng balikan nya.

"The pain is still bearable hon." sagot ko para hwag syang lalong mataranta.

"Ok what to do next?"

"Get your phone and call Ems, tell her na manganganak na ako at papunta na tayo sa hospital nila ngayon."

Tumango lang sya at mabilis na nagdial sa phone, sinabi nya ang mga pinapasabi ko kay Emily. Nang ibaba na nya ang phone ay sinumpong ako ng sakit ng pagle labor.

"Awww, good Lord help me." Napausal ako dahil sa walang kapantay na sakit na bigla kong naramdaman.

"Relax hon relax please." Lumapit sya at lumuhod sa harapan ko, nag inhale exhale kaming dalawa.

"Buhatin mo na ako, pumunta na tayo sa kotse, please dahan-dahan lang ang pagbaba natin sa hagdan baka gumulong tayo!!" Sabi ko ng humupa na ang sakit.

Dahan-dahan nya akong binuhat, the bridal way. At ligtas naman kaming nakababa at nakarating sa kotse.

"Before you start the engine, Ry please call mama, sbihin mo na dumeretso na sya sa hospital dahil manganganak na ako."

Sinunod nya ako ulit, pagkatapos ay pinaharurot na nya ang kotse papunta sa hospital, good thing na medyo malapit lang ang hospital nina Emily sa subdivision.






Dahil sa family friend at family Ob-gyne namin si Emily ay pinayagan ako sa loob ng delivery room, kanina pa sinalakay ng kaba ang dibdib ko.

At bawat sulyap ko sa mukha ng asawa ko ay nasasaktan ako para sa kanya, kahit na hindi ko nararamdaman iyon ay alam kong sobrang sakit ngayon ng pakiramdam nya.

"Pag sumakit sabayan mo ng pag-ire Maye, huminga ka ng malalim then push, ok?" Turo ni Emily sa asawa ko, tumango naman si Maye.

"Kaya mo yan hon hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo."  Puno ng sinseridad na saad ko.

"Ganito kasakit pala ito, I hate you Rylei!!!" Galit nyang sabi sa akin.

"Sorry, hon sorry." Paghingi ko ng tawad.

"Aaaa ayan na Ems masakiiiit." sabi nya ng maramdaman na naman  ang kanyang tyan.

"Ok in hale, one, two and three. Push!!" Ready naman agad si Emily sa gagawin.

"Oh good God, ikamamatay ko to, mumultuhin talaga kita Rylei!!!" Hinihingal na sabi nya.

"No hon, kaya mo yan, umire ka lang. Para lumabas na si baby. Magiging safe kayo. Magpapakasal pa tayo." nag-aalala kong sabi.

"Hmmmp!!! Heto na naman Ems!!!" At tulad kanina ay ubos lakas syang umire.

"Do you still remember the korean restaurant kung saan tayo unang nagkatinginan?" Tanong ko ng matapos ang ilang beses nyang pag-ire.

"Really Rylei ngayon kapa magre-reminisce ng memory nyo?" Sabad ni Ems. Si Maye naman ay kunot noong napatingin sa akin.

"Oh shut the fuck up Em, may sasabihin akong importante sa asawa ko." Then I gave her a drop dead glare.

"Hon, pina reserve ko ang buong restaurant para mamayang gabi, may sorpresa sana ako sa'yo, pero hindi na matutuloy dahil excited na lumabas si baby." saad ko pero humilab na naman ang tyan nya.

"Hindi na ako makapaghihintay pa, hon. Will you marry me again?" Tanong ko sa kanya habang hinihingal sya dahil ubos laks na naman syang umire.

"Ha? Really, Rylei. Ngayon mo pa napiling mag propose?!!!" Mangha nyang sabi.

"Ayaw ko na palipasin pa hon, please say yes." nagmamakaawa na ako at ipinakita sa kanya ang singsing.

Pero bago sya makasagot ay humilab ulit ang tyan nya at matapos ang ilang makapatid hiningang pag-ire ay lumabas na ang baby namin.

"Oh Lord, thank you po nakaraos na." nanghihinang bulong nya.

"Baby Rymiel Calix is bouncing and healthy, congrats guys." Masayang saad naman ni Emily.

Ipinatong sandali ni Emily ang baby sa dibdib ni Maye. Tumulo ang luha ng kasiyahan sa mga mata niya habang tinitignan ang anak namin.

"Hello baby, Daddy and Mommy loves you so much. Good job hon, but please answer me." Singit ko sa moment nila.

Nanghihina man ay nakangiti niyang itinaas ang kaliwang kamay nya.

"Of course I'll marry you again. Idiot!" Natatawang sagot nya.

Buong ligaya kong isinuot sa palasing-singan nya ang diamond ring, tanda na muli kaming magpapakasal and this time it's for real at sa simbahan na.






Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog basta ang alam ko ay masyado akong napagod dahil sa panganganak ko.

Ang huling ala-ala ko ay nang isinuot ni Rylei sa akin ang sing-sing, nakakatawa na isiping doon pa nya ginawa ang pagpo propose ulit sa akin.

Unti-unti akong nag mulat ng mata dahil dinig ko ang pagsasalita ng mga tao sa paligid ko, na nabobosesan ko naman.

"Hon, nagising kaba sa ingay nila?" Kaagad akong dinaluhan ni Rylei ng makitang gising na ako.

"No hon hindi naman, nakapagpahinga na ako, isa pa gutom na ako kaya nagising din ako." nakangiti kong saad sa kanya.

"Ok sige sakto lang pala itong dala ni manang na tinola, humigop ka ng sabaw para makabawi ka ng lakas." saad nya at tumayo na para ihanda ang pagkain ko.

"Anak, congrats ang gwapo ni bay Rymiel." bakas kay mama ang walang kapantay na saya ng lapitan ako.

"Oo nga hija sobtang cute nya. Hay naku baka lumaki sa mga lolo at lola itong batang ito siguradong ma-i-spoiled." sabi naman ni mommy Rio na nakasunod kay mama at hawak nito si bay Rymiel.

"Thank you for giving us our first grandson anak, sobrang saya din namin." Si daddy Ric naman iyon na katabi si mommy Rio.

"Salamat po sa inyong lahat, masaya po ako kasi alam kong marami tayong magmamahal kay baby."

"Hey guys excuse me for a while pakakinin ko muna ang misis ko." sabat naman ni Rylei naay dalang tray at hindi makadaan papunta sa akin.

Natatawa silang bumalik sa may sofa at muling masayang nilalaro ang kanilang apo.

"Kumain ka muna." saka nya maingat na nilapag ang pagkain ko.

Naupo ako at nag-umpisang kumain, inaya ko din syang kumain pero tapos na daw syang kumain.

Habang pinagmamasdan ko silang masaya ay dobleng saya ang nararamdaman ko, worth it lahat ng hirap at sakit na dinanas ko kanina sa panganganak. Walang kapantay na ligaya naman ang hatid sa amin ng aming munting anghel.

MY WOMANIZERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora