NOW IT IS FOR REAL

3.8K 86 12
                                    

Puno ng kaba at saya ang puso ko habang nakatayo ako sa nakasarang pintuan ng simbahan, suot ko ang aking wedding dress na ako mismo ang personal na pumili ng disenyo.

Nang marinig ko ang malamyos na musika ay napahigpit ang hawak ko sa aking wedding bouquet. At ilang sandali pa ay unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan.

Inumpisahan ko ang aking paglakad papasok. Nag-umpisang pumatak ang aking mga luha ng makalapit na ako kay mama, nakangiti nya akong niyakap.

"Masaya ako na ihatid ka sa ikalawang pagkakataon sa altar anak. And this time totoo na ang kasal nyo." naluluha din nyang sabi ng magkaharap na kami.

Oo nalaman din ni mama ang totoo, ipinagtapat namin sa kanya tatlong buwan pagkatapos ng panganganak ko kay baby Calix. Syempre nagalit sya noong una kay Rylei, nag-alsa balutan pa nga at isinama kaming mag-ina.

Pero ginawa ni Rylei ang lahat para makuha ulit ang loob at tiwala ni mama, at napapayag nya nga ito na muli kaming ikasal, sa simbahan at totohanan na talaga.

Pero hindi muna ako pinabalik ni mama sa bahay, pagkatapos na lang daw ng kasal. Ang ending e lagi nalang syang dumadalaw sa bahay pero bawal sya matulog.

Natatawa nga ako kapag naaalala ang mga nakaraang buwan gusto man nya na magkasarilinan kami ay inawat nya ang sarili para mapatunayan daw kay mama at sa akin na totoo ang pagsuyo nya muli.

Apat na buwan at higit din na naging ganoon ang set up namin dahil din sa paghahanda sa kasal namin, ayaw daw nya ng mabilisan gusto nya ay puspusan at espesyal kabaligtaran daw ng kasinungalingan nya noon.

Ngayon ay heto na, muli na kaming ikakasal at mulu na kaming magsasama sa aming bahay kasama ang aming munting anghel.

"Salamat sa pagsuporta ma. Mahal ko po kayo. " nakangiti kong sabi kahit na may luha ang mga mata.

"Nakita ko naman na mahal ka nya talaga, at mahal mo sya. Kaya alam kong magiging masaya kayo at mahal na mahal din kita anak."

"Opo ma, salamat po ulit."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad palapit sa altar ang mga bisita ay may ngiti sa mga labi sa aking pagdaan, lahat yata ng mga kaibigan at kamag anak namin ni Rylei ay narito at imbitado. At isa pa ang kasal namin ay mapi- feature sa isang sikat na magazine iyon daw ang paraan nya para ipagsigawan sa buong mundo na ikinasal sya sa akin sa babaeng bumihag daw sa pihikan nyang puso.

Ilang hakbang pa ay natanaw ko na ang lalaking minamahal ko ang lalaking akala ko ay sa panaginip ko lang matatagpuan.

Nakita kong may luha din sya sa kanyang mga mata, napangiti ako sa kanya ng tuluyang kaming mkalapit. Punalis niya ang kanyang luha at ngumiti din sa amin.

"Muli kong ibibigay ang anak ko sa iyo Rylei, sana anak sa pagkakataong ito ay ingatan mo sya gaya ng pag-iingat ko sa kanya. Mahalin mo sya ng totoo at walang hanggan." si mama.

"Opo ma, at maraming salamat po dahil sa kabila ng mga nagawa ko ay pumayag kayo na ikasal muli kami." Sinserong saad ni Rylei.

Nagmano sya kay mama, and I did the same thing, nagmano ako kay daddy Ric at kay mommy Rio but this time ay kasama na din si mama Amanda sa pagmamano ko.

Tuluyan na napatawad at tinanggap ni Rylei ang tunay nyang ina. At masaya ako dahil sa tuluyan nilang pagkaka-ayos. Ang mga kapatid ni Rylei sa ina ay narito din sa kasal namin.

Hinagkan din namin si baby calix na nakabihis katulad ng puting tuxedo ng kanyang daddy. Sya ay pitong buwan na ngayon at malaking bulas ang anak naming ito.

Pagkatapos ay tumuloy na kami sa altar. At kaagad sinimulan ng pari ang seremonyas ng aming kasal. Mataman kaming nakinig at minsan ay nagsusulyapan at nag-ngingitian kami ng matamis.

Oras na para sa aming wedding vow, natawa ako ng naglabas si Rylei ng papel nailing sya at itinupi ulit iyon. Nagtawanan ang mga bisita.

"Kodigo ko iyon, sinulat ko kagabi pero naisip ko na hwag na gamitin ito ibibigay ko nalang sa'yo mamaya basahin mo." nakangiti nyang sabi. Nakangiting tumango lang ako.

"So here we are. I thank God not only for this day, but for the day he gave me you, the first day I laid my eyes on you. I don't believe in love at first sight, not until I realized that I was in love with you. Yeah silly me I loved you the very first time I saw you. I know hon I've been a pain in you, may nagawa ako na nakasakit ng damdamin mo. Sorry, so sorry for hurting you. I promise to love you and to protect you, our family. I would do and give everything for you and our family. I love you hon to the universe and back."

Puno ng pagmamahal na saad nya at pasimpleng pinalis nya ang sumungaw na luha sa kanyang mga mata pagkatapos nya magsalita. Now it's my turn.

"My only dream is to have a man like you, a family like what we have now. Kalimutan na natin ang nangyari noon ang importante ay ang ngayon at ang mga darating pang panahon. Thank you for loving me truly and unconditionally, thank u for fullfiling my dreams. Thanks God he gave me you. Hon I promise to love you and to do everything to make you happy. I would be a responsible wife to you and a good mother to our son. I love you." saad ko habang lumuluha, hindi ko mapigilan dahil sobrang saya ko.

Nagyakap kami pagkatapos, at pinagpatuloy ng pari ang iba pang seremonyas ng kasal, ng i announce na ng pari na officially married na kami at ang salitang you may kiss the bride ay nagpalakpakan at naghiyawan pa ang ilan sa aming mga bisita.

Itinaas ni Rylei anf aking belo, kinindatan muna niya ako bago sinakop ang aking mga labi. Nahalata ko na nagpipigil ang kanyang mga halik sa akin.

"Be ready for me tonight hon, magbabawi ako." mahina nyang saad pagkatapos ng aming halik. At may sumilay na pilyong ngiti sa kanyang mata.

"I'm beyond ready." pilya ko namang saad sabay kindat sa kanya.

Palakpakan ng mga bisita ang bumungad sa amin ng humarap kami sa kanila.

"Mabuhay ang bagong kasal!!!" Sabay sabay nilang sabi.

Walang kapantay ang saya ko, alam kong marami pa din kaming pagdadaanan bilang tunay na mag-asawa pero alam ko din at sigurado ako na simula sa oras na ito ay sabay at magkahawak kamay naming haharapin ang bukas.

Kaming dalawa ni Rylei, at kasama ang anak at magiging anak pa namin. Gusto nga pala nya na bumuo kami ng first five ng basketball team at dalawang muse daw.

Masakit manganak no!! Pero kaya yan!!!

Wakas....

*************

And that's it!!! Thank you for reading guys!! Hope you enjoyed the story. Susubukan ko mag sulat ulit ng story at susubukan ko mas ma improve ang pagsusulat ko. 😘😘😘😘😘

MY WOMANIZERWhere stories live. Discover now