NEW HOUSE, NEW LIFE

3.8K 65 0
                                    

Isang buwan lang ang hinintay namin at sa wakas fully furnished na ang bagong bahay namin, pati mga furniture at mga appliances ay ok na.

Excited nga kaming naglipat, magpapa house blessing din kami, sakto pauwi na sina mama, cocoy at jessa sa makalawa.

Dahil dito gustong manganak ng hipag ko, medyo mahal nga naman ang panganganak doon sa Dubai.

Ang best friend ko naman na si Shey ay hindi ko mahagilap, pati si Brix daw ay wala.

Basta nagmemessage lang ang babaeng iyon na hwag daw ako mag-alala sa kanya dahil maayos daw ang kalagayan nya.

May sapak din talaga ang kaibigan kong iyon e. Hay naku bahala sya malaki na sya, uuwi din iyon pag naisipan na nya.

Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa kong pag-aayos ng mga gamit, patapos na din ako sa buong bahay itong kwarto na lang ang huli naming inaayos.

Gaya nga ng napagkasunduan namin ni Rylei ay ipinagaya namin ang design sa kwarto ko sa bahay, kuhang-kuha naman nito iyon pati amoy.

"And all is done!!" masayang deklara ko ng matapos akong mag-ayos ng mga gamit namin sa kwarto.

"Me too, I'm done!!" masayang sabi din ni Rylei na lumabas sa banyo namin may mini dressing room kasi doon at iyon ang inayos nya.

"Halika nga dito punasan kita ng pawis." sinenyasan ko pa sya na lumapit sa akin.

Dinampot ko ang face towel sa may kama, at pinunasan ko ang mukha nya na may butil-butil na pawis.

"Ikaw din kaya." sabi nya pagkatapos ko syang punasan, kinuha nya ang towel sa kamay ko at ako naman ang pinunasan nya.

"Talikod ka." utos nya pa, sinunod ko naman.

Napasinghap ako ng kalagin nya ang bra ko, marahan nyang pinunasan ang likuran ko, pero ang pilyo kong asawa hindi lang pagpupunas ang gustong gawin.

"Bago ang house blessing, binyagan na natin ang kwarto natin." pilyong bulong nya sa may tenga ko.

Kinikilig akong humarap sa kanya, gusto ko ang suggestion nya, kagat ang ibabang labi akong tumango. I'm ready!!

Kaagad nya akong sinunggaban ng halik na kaagad ko namang tinugon, mabilis ding nahubad ng malilikot nyang kamay ang mga saplot ko sa katawan.

He gently lay me down to the bed before he took off his clothes, saka nya ako dinaluhan sa kama. Hinaplos at hinalikan nya muna ang tyan ko na nakaumbok na ng kaunti.

"Hello there baby, akin muna si mommy ha. Hwag ka mag-alala dahan-dahan lang si Daddy." bulong nya pa dito.

"Ikaw talaga, kalokohan mo sagutin ka kaya ng anak mo?" napahagikgik kong sagot.

Nginitian nya ako ng malisyoso at kinindatan, dahan-dahan syang pumatong sa akin.

He explore my body once again. We share and cherish this pleasure and precious moment, we became one and both of us reach that heaven on earth feelings.


"Hon?" Tawag ko sa kanya habang nakasubsob ako sa kili-kili nya.

Mula ng makasama ko ulit sya at hindi na ako masungit sa kanya ay naging favorite place ko na itong kili-kili nya,sa mabango e!

Nakahilata pa rin kami, aba ang damuho pinagod ako naka tatlong rounds ba naman kami, tigang lang?!

"Yes hon? Bakit ba lagi ka sa kili-kili ko?" Natatawa nyang sabi, medyo nakikiliti kasi daw sya.

"Eh masarap kasi sumiksik dito, hmmp ewan ko ba?!" At lalo pa talaga akong nagsumiksik sa kili-kili nya.

"Baka naman magmukhang kili-kili si baby."

"He!! Anong tumigil ka nga, ikaw ha susungitan kita ulit." mabilis akong umupo at hinampas ko ang braso nya. Oohh biceps!

Lande!! Charot!!

Tatawa-tawa parin na inalo nya ako at niyakap kaya napahiga ulit ako sa tabi nya, syempre bumalik ako sa bago kong safe zone!!

Ng makabawi ng lakas ay nag-aya syang mag shower, aba pakipot pa ba ang ateng nyo?! Syempre Oo ng kaunti!!

"Hon quota ka na sa araw na ito ha." seryosong sabi ko. Katatapos lang namin magbihis.

Pagod na kaya ako, di pwde sa buntis ang masyadong napapagod at naku kanina pa naalog si baby sa tyan ko.

"Ok, ok i'll behave." nakataas pa ang dalawang kamay nya.

"Good. So tara kain na tayo sa baba gutom na ako at si baby." aya ko sa kanya kaya bumaba na kami.




"In the name of Jesus Christ I bless this house and the people who lived here, In the name of the Father..." binemdisyunan kami ng pari bilang pagtatapos sa seremonya ng house blessing namin.

"Amen." sabay-sabay naming sagot.

Nakarating kasi ang buong pamilya ni Rylei at sina mama at ang ilan sa mga kaibigan namin-- pwera sina Brix at shey, na ewan kailan magpakita-- ngayon para sa house blessing ngayong araw.

"Kumain po muna kayo father." magalang kong alok kay father, at iginiya ko sya sa may garden kung saan naroon ang catering.

"Let's go everyone kainan na." si Rylei naman ang gumiya sa mga bisita namin at sumunod sa amin sa garden.

Sa isang mesa magkakasama nakaupo ang pamilya ko at ang in-laws ko, pagkatapos ko maestima ang ibang bisita ay nilapitan namin sila.

"How was the food?" tanong ko ng malapitan na namin sila.

"It's delicious." sagot naman ni Daddy Ric.

"Ate Maye you're so blooming, hiyang mo pagbubuntis ha, lalo kang gumanda." si Ritche iyon. Nang malaman nilang buntis ako ay sobrang saya din nila.

Si Daddy Ric ay napakiusapan namin na itago na lang sa aming tatlo nina Rylei ang natuklasan nya noon para hindi na lumaki pa, tutal nagkabalikan na kami ng anak nya.

"Naku salamat, buti nga ng nawala na talaga ang morning sickness ko." nakangiti kong sabi.

"Sobrang sungit at iritable nya ng may morning sickness pa sya, kawawa ako outside the kulambo lagi." sabat naman ni Rylei na parang batang nagsusumbong.

"Ay naku hijo ganun talaga ang mga babaeng naglilihi ako nga nung naglihi dyan e lagi ako sa ospital." saad naman ni mama.

"Ok lang yan anak, ibig sabihin lang nun ilaw ang napaglihian ng asawa mo." Si mommy Rio naman iyon.

"Ibig sabihin ako ang magiging kamukha ng baby? Yes, yes! I like that." bkas ang excitement sa boses nya.

"Ay naku ate Maye mas ok na ako nalang maging kamukha ni baby, lagi kayang seryoso at masungit yang mukha ni kuya." pang-aasar naman ni Ritche kay Rylei.

"Mas bet ko nga yata yan sis." natatawang sang-ayon ko naman.

"So talagang pinagtulungan nyo pa ako?" Nakasimangot na saad ni Rylei.

Dahil doon ay nagkatawanan kaming lahat, ayaw man nyang tumawa ay natawa na din sya, napagtanto nya siguro na para syang bata sa inasal nya.

Napakasaya ng puso ko kaya ipinapangako ko na magiging maligaya ang bawat sandali namin sa bahay namin, this will be our home for the rest of our lives.

Dito namin bubouin at tutuparin ang mga pangarap namin, we'll have our children and we'll live here as a happy family.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon