A MOTHER'S LOVE

3.8K 64 0
                                    

Mabilis lang lumipas ang panahon, naging maayos na naman ulit ang pagsasama namin ni Rylei, lalo na at pareho naming napagkasunduan na ibaon na sa limot ang mga masakit na nangyari noon.

Araw-araw sa pagsasama naming muli ay ipinaramdam nya sa akin ang tunay at sinsero nyang pagmamahal  sa amin ng magiging baby namin.

Nasa ika-anim na buwan na ako ngayon ng pagbubuntis ko, at ngayon din namin malalaman ang gender ni baby, excited kami pareho.

"So, you guys excited?" Tanong ng Ob-gyne sa amin.

"Of course Emily first time parents e." sagot ni Rylei. Ako ay nakangiti naman sa kanya.

"Sungit talaga ng asawa mo no Maye." saad nya sa akin bago inirapan si Rylei.

Dahil sa halos kasing edaran ko lang si Doc. Emily ay naging kaibigan ko na din sya, naging magaan agad ang loob namin sa isa't-isa.

"Sanay na ako dyan Ems, mas takot yan sa pagsusungit ko." hirit ko naman.

"Heto na naman po ako sa girl power, sige na talo na ako." busaktol na naman ang mumha nya.

Nagkatawanan kami ni Emily sa inasta niya, bago pa tuluyang mapikon ang asawa ko ay pinahiga na ako ni Ems at isinagawa na nya ang pag-ultrasound.

"Hmm, good. Nasa straight position si baby, ok din ang position ng placenta mo, heart rate is good also, in short healthy si baby."

Nakangiting sabi ni Emily, masaya naman ako na malamang healthy si baby.

"Ok that's good to hear, but what is the gender of our baby?" gagad na sabad naman ng asawa kong suplado.

"Hindi makahintay? Palabasin kaya kita?" Lalo lang syang inasar ni Ems.

"Oh no you can't do that to me lady." may pagbabanta sa tono nya, napikon na nga.

"Tama na yan kayong dalawa talaga para kayong aso't pusa." natatawang awat ko baka tuluyang mag-away pa sila.

"Pasalamat ka at malakas sa akin  ang asawa mo." Irap nya dito at saka itinuloy ang ginawa nya. "So here is the gender, congrats Maye you will be having a baby boy." masayang saad nya.

"Talaga? Wow thanks G. Thank you hon!" Napalitan na ng masayang tono ang kaninay napipikon na nyang salita.

"I'm so excited to see him." maligaya ko ding saad.

Binigay ni Ems ang pamunas sa tyan ko para sa gel na inilagay nya kanina doon, marahan kong pinunasan ang tyan ko.

Pinasunod na nya kami sa kanyang table, ang assistant na nya ang mag pi-print ng kopya ng ultrasound ko.

"Again congrats guys, at alagaan nyo pa ang pagbubuntis kay baby boy." umpisa ni Emily habang may isinusulat sa reseta.

"Of course Ems." nakaplaster na ang ngiti ni Rylei ngayon.

"Wow mabait kana?" Pang-aasar ulit nya pero wala na makakasira sa happy mood ni Rylei ramdam ko iyon. "Anyway my pretty patient pagpatuloy mo lang ang vitamins mo, iwas na sa maalat lalo para di ka magka urinary infection, more water and milk before bed time ok." nakangiting litanya nya.

"Ok po doc Emily." masayang tango ko naman.

Ilang sandali pa ay ini-abot na sa amin ang kopya ng ultrasound ko, binuklat ulit iyon ni Rylei at binasa.

"My baby boy." usal nya.


Nagpa-reserve ng table si Rylei sa Andrade, tinawagan din nya ang mga pamilya namin para saluhan kami at gusto nya daw mag celebrate.

MY WOMANIZERDove le storie prendono vita. Scoprilo ora