SEPARATE WAYS

4.2K 73 0
                                    

Hindi ko na alam paano ako nakarating sa bahay, litong-lito na ang utak ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng katanungan na walang kasagutan.

Basta ang alam ko ngayon ay isang malaking kasinungalingan ang lahat ng ito, hinayaan kong lokohin ako ni Rylei. At ang masakit ay nagpakamartir ako sa lalaking hindi ko pala totoong asawa.

Mabilis akong nag-empake ng mga damit ko, kaunti na lang ang kinuha ko at ang mga importanteng gamit ko lang ang isinama ko. Marami pa naman akong damit sa bahay namin nina mama.

Hindi ako pwedeng maabutan ng gagong iyon dito!!! Dahil alam ko sa sarili ko na pakikinggan ko ang kahit ano mang paliwanag nya. At ayaw ko ng traydurin ang sarili ko!!!

Mabuti na lang at umalis para magbayad ng bills ang kasambahay namin, kaya mabilis akong nakaalis at walang lingon likod akong lumayo sa lugar na iyon.





I should have known that Dad will discover my secret, he's a wise man. At ngayon nanganganib na mawala ang mana ko. Pero hindi iyon ang malaking problema ko.

Kanina ng palabas na sana ako ay hinabol ako ni Agatha sinabi nya na dumating si Maye habang nasa loob ako ng office ni Dad. At umalis daw ito na mukhang tuliro.

Damn I'm driving as fast as I can right now, kailangan ko syang maabutan sa bahay. Hindi sya pwdeng mawala sa akin. Not her!

Kanina ko pa din sinusubukang tawagan ang phone nya pero out of reach. Sigurado ako na sobrang galit sya ngayon, pero gaya ng sinabi ko noon hindi ko hahayaan na mawala sya kahit na malaman nya pa ang naging kasalanan ko sa kanya.

Halos paliparin ko ang sasakyan ko para mabilis akong makauwi, thank goodness at hindi traffic kaya wala pang isang oras ay nakarating na ako.

Mabilis akong lumabas ng sasakyan at tinakbo papasok ang aming bahay. Humahangos ako na tinatawag ang pangalan nya.

"Maye!! Honey nasaan ka?!" Pero hindi sya sumagot, bigla ng bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Rylei anak bakit ka humahangos at nagsisisigaw dyan?" Si manang iyon galing sa kusina. "Halos kadarating ko lang hijo, galing ako sa labas nagbayad ako ng mga bills dito sa bahay, hindi ko pa nakikita si Maye mula kanina."

Saad nya, pero nakinig lang ako sandali at hindi na ako sumagot, mabilis kong inakyat ang kwarto namin.

Doon ay tinawag kong muli ang pangalan nya, pero nakakabinging katahimikan ang sumagot sa akin. Tiningnan ko ang banyo pero wala.

Kinakabahan man ay binuksan ko ang mga drawer, naroon pa ang mga damit nya, pero ng halughugin ko ng mabuti ay wala na ang mga importanteng gamit nya.

Nanlulumo akong umupo sa gilid ng kama, she left. Sigurado ako dun, nalamukos ko ang mukha ko. I am so fucked up.

Pero hindi ako susuko, I will find her. And by hook or by crook iuuwi ko sya sa bahay namin.






Ayaw ko ng bigyan ng alalahanin si mama kaya hindi ko na sinabi sa kanya ang nagyayari sa akin. Si Shey ang tinakbuhan ko, ikinwento ko ang mga narinig ko.

At katulan ng inaasahan ko ay sobra din syang nagalit, halos isumpa nya si Rylei. Humingi ako ng tulong para makapagtago ako, hindi man ako sigurado na hahanapin ako ng lalaking iyon ay mas mabuti na ang naniniguro.

"Salamat beshey maasahan talga kita." Pagpapasalamat ko sa kanya habang naghahapunan kami.

Narito kami ngayon sa Ilocos, sa bahay ng lola nya. Dito na muna kami magtatago, hanggat hindi ko pa kayang harapin ang lalaking nanloko sa akin.

"Ano ka ba beshy kanina ka pa nagpapasalamat, walang anuman iyon alam mo naman na  basta kailangan mo ako maasahan mo ako kasi ganun ka din sa akin."

Naluluha akong napayakap sa kanya, mabuti nalang talaga at meron akong mabuting kaibigan na tulad nya.

"Tumahan ka na, kanina kapa nag-iiyak, sige ka nakakapanget ang pag-iyak, magiging lamukha mo si tekla."

Pabiro nyang pagpapatahan sa akin, natawa naman ako kaya pinunasan ko na ang mga luha ko at ngumiti sa kanya.

"Yan edi maganda ka na katulad ko, sige na balik kana sa pwesto mo kain na tayo."

Nakangiti akong tumango saka bumalik sa upuan ko, pinagpatuloy na namin ang hapunan at para makapagpahinga na rin kami.






Inaasahan ko na ito, lalayo sya at pagtataguan ako, but I have lots of money and connections kaya kaagad kong ginamit ang mga iyon.

Kaya alam ko na kung saan ko sya mahahanap, pero sige bibigyan ko sya ng ilang araw para palamigin ang sitwasyon namin.

Hihintayin ko kung babalik sya pero kapag lumagpas sya sa itinakda kong araw ay kukunin ko sya sa ayaw at sa gusto nya.

For the mean time ay aasikasuhin ko ang kaunting problema ng kompanya ko, one month of being almost depress is like a one year to me.

Marami akong na miss sa buhay ko sa loob ng maikling panahon ng pagkalulong ko sa kalungkutan at galit.

Ilang araw na din naman na hindi nagpakita si Amanda sa akin mula ng ipa-baned ko sya sa building ko.

Siguro ay sumuko at nagsawa na sya sa pagtataboy ko sa kanya. Mas mabuti na iyon dahil mas tahimik ang buhay ko kapag wala sya sa paligid ko.

Aayusin ko na ang lahat ngayon, para sa sarili ko, sa kompanya ko at para kay Maye. Sa aming mag-asawa.

MY WOMANIZERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora