CHAPTER 2

1.8M 37.2K 13.6K
                                    

                 

CHAPTER 2

IVY STOPPED in front of a large frame that was hanging on the wall. Laman ng frame ang larawan ni Andrius Salazar na nakasuot ng uniporme ng isang sundalo at nakasaludo ito habang seryuso ang mukhang nakaharap sa camera.

An Air Force Officer. With a rank.

Is it just her or he is more handsome in uniform?

Hmm...

Napailing siya. Dapat sanay na siya sa guwapo nitong mukha dahil dalawang taon din na tanging larawan nito ang pinapakita sa kaniya ng kaniyang ama habang sinasabi nitong ito ang mapapangasawa niya. But seeing him upclose and personal is different.

Pero dapat hindi siya nag-iisip ng ganun. Dapat naka-focus ang isip niya sa kung papaano paamuin ang binata na ilang araw ng wala sa bahay dahil sa kaniya.

Malakas siyang napabuntong-hininga. "Nasaan kaya ang lalaking 'yon? I'm getting tired of waiting for him. Dapat ba, ako ang maghabol?"

He really doesnt want to marry her that much, huh?

Mahina siyang natawa at napailing. The feeling is mutual. Kung hindi dahil sa kagustuhan ng Papá niya, wala din siyang balak pang magpakasal sa kahit na kanino.

"Hija, Ivy, i'm so sorry." Anang ina ni Andrius na ngayon ay mabilis na naglalakad palapit sa kaniya. "I promise; my men will find him. I'm sure his friends are protecting him again, but we will find him. Don't worry. And i can assure you that you two will be married by next month."

Ibinalik niya ang atensiyon sa larawang nasa harapan. "Magpapakasal ba talaga kami? It seems to me that he dislikes me."

Tumawa ang ginang na para bang walang katutuhanan ang sinabi niya. "Nonsense. He's just confused that's all."

Tumaas ang kilay niya? Confused, huh. "Paano kung walang kasalang maganap?"

"May mangyayaring kasalanan." May diing sabi ng ginang sa kaniya. "Hindi puwedeng wala. Yon ang napagkasunduan at 'yon ang mangyayari. And I promise your father that i'll make it happen and i will. If i have to force Andrius, i will do it."

Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Does she really have to force a man to marry her? Siya na maraming manliligaw? Siya na maraming nagkakagusto? Andrius Salazar is really insulting her. And she felt ashamed for forcing herself to someone.

She sighed heavily. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay 'yong pinipilit ang sarili ko. What to do, Ivy? What to do?

Pinakatitigan niya ang larawan na nasa harapan. Hindi niya ikakaila na guwapo talaga ang binata at may karapatan itong mamimili ng mapapangasawa. Pero hindi rin naman siya magpapahuli kung physical na anyo ang pag-uusapan. Nang una niyang makita ang binata sa larawan, ang nakakuha sa atensiyon niya ay ang matitipuno nitong katawan at ang guwapo nitong mukha na parang napakasarap pagmasdan buong araw.

And those sharp devil black eyes of his. They caught her attention. The way his eyes looked at her. It's makes her feel something inappropriate, but she likes it.

Marahas siyang napailing. What the hell is she thinking?

"Huwag kang mag-alala, Ms. Ivy," anang ina ni Andrius na pumukaw sa pag-iisip niya, "matutuloy ang kasal kahit na ano ang mangyari. Siya nga pala, susukatan ka na mamaya ng damit para sa kasal—"

"Huwag na muna." Pigil niya sa ibang sasabihin ng ginang. Huminga siya ng malalim saka tinitigan ng matiim ang larawan ni Andrius. "Saka na ang damit na 'yan kapag maayos na ang lahat."

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon