CHAPTER 6

1.9M 33.1K 10.6K
                                    

                 

I want to say Hi to Euwamfe Milay. And hello to Iris Gonzaga. This one is for you. "Nothing is permanent. Don't stress yourself too much because no matter how bad the situation is...it will change."

CHAPTER 6

HINILAMOS NI Ivy ang sariling mga palad sa mukha ng magising kasabay ng paghihikab niya. Inaantok pa siya pero dahil sanay siyang gumising ng maaga, sigurado siyang hindi na siya makakatulog pa ulit. Kaya naman bumangon nalang siya, kinusot ang mga mata at napatingin sa kapaligiran.

She's in Andrius penthouse.

A smile appeared on her lips when she remembers why she's here. Andrius made her a woman last night. It's unforgettable for her.

Speaking of which, she glanced at the man beside her. Nakatagilid ito ng higa, mahimbing ang tulog habang wala pa ring saplot ni isa, ang likod ay nakaharap sa kaniya kaya kitang-kita niya ang mga marka niya kagabi.

Napalabi siya. Oh, God. His back is covered with scratches and small deep wounds caused by her nails. Is she that wild last night?

At habang nakatitig siya sa likod ng binata, bumalik sa ala-ala niya ang usapan nilang dalawa. Na lulubayan na niya ito pagkatapos ng isang date. Na mawawala na siya tulad ng napag-usapan nila. At ngayon ang araw na dapat ay umalis siya sa buhay nito.

Nakaramdam siya ng kahungkagan sa dibdib. Bakit ang bigat sa pakiramdam sa isiping aalis siya? Na hindi na niya ito makikita? Why is she feeling like this? She feels like her heart is tightening for some reason. What is this?

Malakas siyang napabuntong-hininga saka bumagsak ang balikat. Whatever she's feeling, she has to ignore it.

Kagat ang labing umalis siya ng kama saka hinanap ang mga damit niyang nahubad kagabi. Habang hinahanap ang damit, napadaan siya sa isang life size na salamin at doon ay kitang-kita niya ang kaniyang kahubdan.

Mabilis na dumapo ang kamay niya sa kaniyang leeg ng makita ang mga kiss mark na nagkalat. She can see four...no, five kiss marks.

Napabuntong hininga nalang siya ulit saka tinalikuran ang salamin at pinagpatuloy ang paghahanap sa damit. After some time, to her surprise, nakatabi na ang mga damit niya sa sofa na nasa loob ng kuwarto at nakatupi na kaya naman pala hindi niya iyon nakita sa labas ng silid.

That made her smile and glanced at Andrius handsome sleeping face. "He's really the sweetest stubborn mule I have ever encounter." Pabulong niyang sabi saka nangigiting nagbihis.

When she's already fully clothed, she looked at Andrius again. Mahimbing pa ang tulog nito, kaya naman nagdesisyon siyang bumaba ng penthouse para bumili ng makakain. Naubos lahat ng enerhiya niya kagabi. She need to replenish. Siguro naman okay lang na makasalo niya ang binata ng agahan, since this would be the last.

I hope this isn't the last. Piping hiling ng isip niya at hindi niya alam kung bakit maliban sa ayaw niyang ma disappoint ang ama niya sa kaniya.

But she knew deep down, that's not her reason. Hindi lang niya mabigyan ng pangalan kung ano man itong kakaiba niyang nararamdaman para sa binata.

Ininat niya ang mga braso bago lumabas ng kuwarto at penthouse. Habang nasa elevator, iniisip na niya kung anong masarap na agahan. So when she exited the building, she already knows where to go and what to buy. May nakita kasi siyang malapit na Cafe kagabi ng papunta sila dito ni Andrius penthouse.

Habang naglalakad siya patugo sa Café, natigilan siya ng may maramdamang kakaiba sa paligid. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Nasa gilid siya ng kalsada kaya naman malaya ang kung sino man na gawan siya ng masama. If she's in Bogotá, she wouldn't dare walk in the open. Pero nasa Pilipinas siya. She's half way across the world, hindi naman siguro siya susundan ng mga kalaban nila sa negosyo.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon