CHAPTER 11

1.7M 29.3K 8.6K
                                    

CHAPTER 11

IVY FINALLY blinked when her phone rang after a couple of seconds of staring at the ceiling. She'd been thinking of a way on how to prevent her father from using Andrius, pero kahit anong isip ang gawin niya, walang lusot ang binata sa plano ng ama niya rito.

Tinatamad na inabot niya ang cellphone sa bed side table saka sinagot ang tawag at inilapit niya sa taenga ang cellphone.

"What?"

"This is Russo, Señorita." Anang nasa kabilang linya. "I'm now here in the Philippines like you asked earlier."

Gulat na balikwas siyang napabangon. "Fuck. That was fast."

"I was in Hong Kong, we just arrived from China, and I was accompanying your father when you called."

"Oh." Napalabi siya. "And you just left Papá when I called you?"

"Yes. Rafael is with him, so no need to worry."

Nakahinga siya ng maluwang. "Okay. Cool." Tumatango-tangong sabi niya, "nasaan ka nga—I mean, where are you now?"

"RP Hotel." Sagot nito sa walang emosyong boses na nakasanayan na niya. "I have a package for you from your father. I'm waiting for you...or should I come visit you there?"

Tiningnan niya ang relong pambisig. Its already 1:00 A.M., at kaninang alas-onse pa umalis si Andrius, sana naman hindi kaagad bumalik ang binata. "No. We can't be seen together. I'll be right there. Wait for me."

"Muy bein...take care, Señorita."

"Yeah, sure." Aniya saka pinatay ang tawag at nagmamadaling nagbihis sa loob ng walk-in closet.

Nang makalabas ng kuwarto, kaagad siyang bumaba at nagtungo sa garahe. Sa pagmamadali niya ay nakalimutan niya ang cellphone na ipinatong pala niya sa kaniyang maleta. Pero hindi na niya binalikan 'yon, madali lang naman siya.

Nakasabit ang susi ng lahat ng sasakyan sa pader ng garahe kaya naman hindi siya nahirapang manghiram ng sasakyan.

Pinili niya ang Sedan at mabilis iyong pinaharurot palabas ng mansiyon at patungo sa Hotel na inuukupa ni Russo.

It took her more than half an hour to get to RP Hotel and she didn't waste any time. Kaagad niyang tinungo ang inuukupang kuwarto ni Russo para kunin ang package na galing sa ama niya saka ipinaliwanag din niya kay Russo ang dahilan kung bakit niya ito pinatawag. At nang maayos nila ang plano, kaagad din siyang nagpaalam dito at bumalik sa mansiyon.

Ivy looked at her wristwatch again while driving back to the mansion.

"Shit." Mahina niyang mura ng makitang malapit nang mag alas-tres. Hindi pa naman niya nadala ang cellphone niya. "Fuck."

Habang nagmamaneho, pinagdarasal niya na sana ay hindi pa nakabalik sa mansiyon si Andrius at habang iginagarahe niya ang sasakyan ay panay ang dasal niya na sana ay wala pa ang binata.

Pero nang pumasok siya sa kabahayan, nawala ang lahat ng pagdarasal niya kanina ng makita si Andrius sa sala at madilim ang mukhang nakatitig ito sa kaniya.

She halt on her steps.

"Saan ka galing?" Kaagad nitong tanong sa kaniya sa matalim na boses pero halata sa mukha nito na para bang nakahinga ito ng maluwang ng makita siya.

She acted calm and collected. "Doon lang...sa labas. Nagpahangin." Okay. That was the lamest lie she can come up with.

"Nagpahangin?" Nagtatagis ang bagang nitong tumayo at walang buhay na tumawa. "Nang ganitong oras? Ivy, it's already 3 A.M. walang normal na tao na magpapahangin sa labas ng ganitong oras!" Napaigtad siya sa lakas ng boses nito. "Do you know how worried I was when I come home and didn't see you? No text or no call from you! Na-lowbat nalang ang phone ko sa kakatawag sayo pero hindi mo sinasagot. Halos halughugin ko ang buong subdivision sa sobrang pag-aalala ko sayo baka napano ka na. Ginising ko pa si Mommy para ipahanap ka sa mga tauhan niya tapos nagpapahangin ka lang?! Balak mo ba akong baliwin sa pag-aalala sayo?!"

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon