CHAPTER 29

1M 24.9K 5.1K
                                    

CHAPTER 29

GUMUHIT ANG MASAYANG ngiti sa mga labi ni Ivy ng makapasok siya sa penthouse ni Andrius. Kahit hindi niya naalala ng buo ang lugar na 'to, pamilyar pa rin 'yon sa kaniya. Nakita na niya iyon sa mga panaginip niya at sa mga munting ala-ala na pumapasok sa isip niya paminsan-minsan.

"Welcome to your new home." Narinig niya sabi ni Andrius mula sa likuran niya.

Nakangiting bumaling siya sa binata at mahigpit itong niyakap na kaagad naman nitong tinugon.

"Happy?" He asked.

Mabilis siyang tumango saka pinakawalan ito sa pagkakayakap niya. "Very. Thank you so much."

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Pagpasensiya mo na, itong penthouse lang ang kaya ko sa ngayon. Kung gusto mo ng malaking bahay, just tell me. Magpapagawa ako kaagad. I already have a lot in BV so it'll be fast."

Pinakatitigan niya ang binata saka hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa nuo nito. "This is fine. As long as I'm with you."

Tumiim ang titig sa kaniya ni Andrius. "Sigurado kang sapat na ako para sayo? I mean, there will be hardship along the way, I'm not that rich. I mean, I have investments here and there but I'm not rich as you."

Umiling siya. "I'm not rich, my Papá is, and it's okay if you aren't." Hinaplos niya ang pisngi nito. "We will try our hardest. Oo nga at may pera ako pero galing 'yon sa negosyo ko noon. Ayoko namang 'yon ang gamitin natin."

"At hindi rin ako papayag." Wika nito na mas naging seryuso ang mukha. "I love you, baby. And I will provide for us, don't worry."

Tumango siya saka ngumiti. "Okay."

Nakangiting iginiya siya ni Andrius patungong kuwarto. "Dahil wala kang dalang damit, bili muna tayo."

Pinagmamasdan niya itong habang binabalik ang damit nito sa closet mula sa bag na dala nito sa Bogotá. "Sige."

"O gusto mo kumain muna tayo?"

"Ikaw ang bahala."

Humarap sa kaniya si Andrius at natigilan ng makita ang titig niya rito. "What?" He asked.

Umiling siya. "Wala naman. Masaya lang ako na nakalayo na tayo sa magulo kong mundo."

Inilang hakbang ni Andrius ang pagitan nilanh dalawa saka hinalikan siya sa mga labi. Akmang yayapos ang kamay nito sa katawan niya pero kaagad niya itong pinigilan.

"Nope. I'm dirty. Mag-iisang araw na akong hindi naliligo."

Mahinang natawa si Andrius saka kinagat-kagat ang pang-ibaba niyang labi. "Later then." He smiled at her. "Shopping?"

She grinned and nodded. "Shopping."

Excited si Ivy ng makalabas sila ng penthouse ni Andrius. At nang makababa sila at makasakay sa kotse nito, hindi pa rin mawala ang ngiti sa mga labi niya.

As they driver towards the Mall, Andrius intertwined their hands. Nang makarating sila sa Mall, hindi naghiwalay ang mga kamay nila hanggang sa pamimili.

As she pick her clothes and try it on, Andrius is her judge. Kapag hindi nito nagustuhan ang napili niya, mahabang argumento ang mangyayari na ang ending, siya pa rin ang nananalo.

"Parang ang dami kong binili kasi ang laki ng binayaran mo." Sabi niya ng mailagay nila sa back compartment ng sasakyan nito ang mga paper bags at cellophane na ang laman ay mga damit niya. "Tapos ang mamahal pa."

"That's okay." Ani Andrius saka isinara ang back compartment at humarap sa kaniya. "Mahal naman kita." Kinindatan siya nito saka giniya patungong passenger seat.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon