CHAPTER 32

981K 24.6K 8.1K
                                    

CHAPTER 32

TAHIMIK NA PINAGMAMASDAN ni Andrius ang fiancé niya na parang hindi mapakali. Hindi man ito nagsasalita at inaayos ang kama nila pero alam niyang may gumugulo sa isip nito habang ginagawa nito iyon.

Since he got discharge this morning, his baby has been agitated and not her calm self.

"Hayan, maayos na." Bumaling ito sa kaniya na nakaupo sa sofa sa loob ng kuwarto nila. "Higa ka na. Pahinga ka. Sabi ni Doc Blaze, bawal ang mabibigat na gawain, bawal kang mapagod, meaning, bawal ang sex."

Kaagad na nalukot ang mukha niya. "Bakit pati 'yon bawal?"

"Kasi mabibinat ka." Anito saka inalalayan siya patungong kama samantalang kaya naman niya pero hinayaan niya lang ito.

Gustong-gusto niya kapag inaalagaan siya ni Ivy. Gustong-gusto niya kabang nilalambing siya nito.

Nang makahiga siya sa kama, hinila niya si Ivy pahiga sa tabi niya. Natawa nalang ito ng yakapin niya ito ng mahigpit para hindi makaalis.

"Let go..." natatawa nitong sabi, "maghahanda pa ako ng makakain natin."

His lip formed into an 'o'. "Wow, my baby is cooking? Do you even know how to cook?"

"I bought a cook book." She smiled proudly. "How hard could it be?"

"Okay. If you say so." Kapagkuwan ay bumaling ang atensiyon na sa malapad na bintana na gawa sa salamin kung saan dumaan ang bala na tumama sa kaniya. "Its good as new."

"Capt. Sanford helped me." Sagot nito at kaagad na dinugtungan 'yon. "And don't be jealous. I didn't get close to him."

"That's my baby."

Napailing ito saka piningot ang tainga niya. "Ikaw talaga. Pahinga ka na nga. Sa kusina lang ako."

Tinuro niya ang bintana. "Not scared that someone might shot me again."

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Oh, they can try. That's bulletproof. And every tall building inside the 20 kilometre radius from our penthouse is under surveillance by Yrozz and Shun Kim. Tapos nagpadala ang Mommy mo ng mga tauhan na magmamantayag sa mga building na 'yon. And Papá sent fifty men to search the whole country to look for Salavaderá remaining members, if they're still alive."

Mahina siyang natawa. "So that's why you're confident."

She kissed him on the lips. "Yes. Now, rest. Ako na ang bahala sa lahat."

Tumango siya at hinayaan itong umalis sa mga bisig niya. Nang makalabas si Ivy sa kuwarto, pinilit niya ang sarili na makatulog pero nang hindi siya dinalaw ng antok, bumangon siya at nagtungo sa kusina.

Dahil siguro abalang-abala, hindi ni Ivy napansin ang presensiya niya. Nakahilig siya sa hamba ng pintuan ng kusina ay nangingiting pinagmamasdan itong nagluluto.

Napailing nalang siya habang pinapanuod ito. Sunod-sunod ang mura na lumalabas sa bibig nito habang nagluluto.

The bacon and ham is burned. The chicken she's frying is...he doesn't know what its called. At hindi ito makapagluto ng itlog dahil masyadong malakas ito at nadudurog ang shell saka nahuhulog ang laman sa lababo.

"Argh!" Napapadyak ito sa inis. "I hate you, eggs!"

Hindi niya napigilan ang matawa at mukhang narinig 'yon ni Ivy dahil bumaling ito sa kaniya saka tiningnan siya ng masama.

"What are you laughing at?"

Sa halip na sumagot, nilapitan niya ito saka pumuwesto sa likuran nito at iginiya ang kamay nito sa tamang pagbiyak ng itlog at ang tamang lakas na dapat gamitin. Pagkatapos ay iginiya niya ang kamay nito patungo sa putting bowl at doon inilagay ang laman ng itlog.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon