CHAPTER 18

1.4M 31.8K 7.3K
                                    

A/N: Sorry for the late update. Medyo masama lang ang pakiramdam ko this past few days. I dont know kung sa mata ko to o dahil tumataas na naman ang blood pressure ko. O baka kulang lang ako sa tulog. Haha. Palagi na nga akong absent sa work eh.
And actually, tapos na ang chapter na to nuong linggo pa. kaya lang, i keep adding scenes kaya natagalan akong i post.

Happy reading and share your thoughts as well.

CHAPTER 18

WALA SI IVY SA sarili habang nakasakay sa sasakyan ni Andrius. Pagkatapos niyang kumain, kaagad silang umalis sa Restaurant. Laman pa rin ng isip niya ang sinabi ng binata sa kaniya na halos sumabog ang puso niya sa lakas ng kabog.

Yes, I am. I'm crazy in love with you.

Her heart pounded again. He really said that! Hindi niya iyon basta guni-guni lang. She really heard him say it and she couldn't even make herself to reply because of too much pounding of her heart.

Pero kahit gusto pa niyang marinig ulit na sabihin iyon ng binata, hindi na nito inulit iyon hanggang sa matapos siyang kumain.

Malakas siyang bumuntong-hininga saka bumalik sa kasalukuyan ang isip ng maramdamang tumigil ang kinalululanang sasakyan.

Kumunot ang nuo niya ng makitang nasa labas sila ng condominium building kung saan nasa pinakamataas na palapag ang penthouse ni Andrius.

Bumaling siya sa binata. "Anong ginagawa natin dito?"

"I don't want to see my mother." Wika nito saka lumabas ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. "Come on." He offered his hand at her.

Napatitig siya sa kamay nito at nang hindi siya gumalaw, bumuntong-hininga ang binata at ito mismo ang humawak sa kamay niya at masuyo siyang hinila palabas ng sasakyan.

Habang naglalakad sila papasok sa condominium building, magkahawak ang kamay nilang dalawa hanggang sa makasakay sila sa elevator.

Andrius didn't let go of her hand, so is she. Pareho silang hindi bumitaw hanggang sa makarating sila sa pinakamataas na palapag.

"Why here?" Hindi niya mapigilang tanong kay Andrius ng nasa harapan na sila sa pinto ng penthouse nito. "Hindi na ba magulo sa loob?"

"It's still messy." He used his keycard to open the door. "But it will do for now."

Walang imik si Ivy habang ginigiya siya papasok ni Andrius sa loob ng penthouse. Walang nagbago mula ng huli siyang nandito. Magulo pa rin.

"Go freshen up." Utos ni Andrius sa kaniya. "Gamitin mo ang damit ko sa closet. Maglilinis lang ako."

She silently nod and walk towards Andrius room. Ang kuwartong naging saksi sa una nilang pagtatalik ng binata.

Napangiti siya. Ang unang beses na ibinigay niya ang pagkababae sa isang lalaki. Dito niya naramdaman ang kakaibang emosyong pinaramdam sa kaniya ni Andrius.

Pumasok siya sa kuwarto saka hinalungkat ang mga damit ni Andrius hanggang sa may makita siyang puwede niyang gamitin. She, then, take a bath and clean herself well before stepping out of the bathroom with Andrius clothes on.

At dahil magulo din ang kuwarto nito, inayos niya iyon. Tinupi niya ang mga damit nitong nagkalat sa sahig, inayos niya ang bedsheet, nang makitang may mantsa iyon, lumabas siya ng kuwarto at hinanap si Andrius.

Napatigil siya sa paghakbang at bahagyang umawang ang labi niya ng makitang nakahubad-baro ang binata habang naglilinis sa sala. She can't stop admiring his muscles every time it flexes as he moves.

POSSESSIVE 20: Andrius SalazarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon