Chapter 14: Doubts

3.7K 148 10
                                    

Araw na ng Sabado. Lahat ng naimbitahan sa magkasamang auction at party ay naghahanda na sa kani-kanilang mga trabaho sa lugar na pagdarausan ng event. Nagbalik na ang katahimikan sa bahay ng mag-asawa. Pinilit isiping normal pa rin ang lahat sa kabila ng mga nangyaring gulo.

Nag-aalmusal sila sa kasalukuyan at hindi mababakas sa kanilang mga mukha ang kaguluhang nangyari kahapon lamang.

Asiwa ang tingin ni Josef kay Jocas na katabi niya. Puno ang plato nito ng iba't ibang pagkain. Puno rin ang bibig nito habang ngumunguya.

"Huling breakfast mo na ba 'to?" alanganing tanong ni Josef. Umiling naman si Jocas at gumawa ng hand signal na siya lang ang nakakaintindi. Hindi siya makapagsalita dahil nga puno ang bibig.

"Lunukin mo nga muna 'yang pagkain mo," iritableng utos ni Josef.

Masaya namang tumango si Jocas. Mabilis niyang nginuya ang pagkain at agad na nilunok. Nanlaki ang mga mata niya nang magbara ang lahat ng nilunok sa lalamunan. Napaubo siya kaya dali-dali namang kumuha si Josef ng tubig para painumin siya.

"Ayan na nga ba'ng sinasabi ko! Umayos ka nga! Ano ka ba naman?" Pinagpag ni Josef ang likod ng misis na animo'y hindi pinakain nang isang buong taon.

"Nagugutom ako, e!" katwiran ni Jocas.

Bumalik na sa maayos na pagkakaupo si Josef at inobserbahan ang asawa niyang sigurado siyang si Jocas sa mga sandaling iyon.

"May nakita akong invitation sa table sa kuwarto mo. Ngayon 'yon, di ba? Pupunta ka ba?"

Napahinto sa pagsubo si Jocas. "Pumasok ka sa kuwarto ko?"

"Ilang beses na akong nakapasok sa kuwarto mo. Ang gusto kong malaman ay kung pupunta ka ba sa event mamaya?"

"Nakatanggap ako ng invitation, e."

"Pupunta ka?"

"Hindi ko alam. Ayoko pero siguro." Nagkibit si Jocas. Makikita sa mukha niya na wala siyang pakialam. "Baka. Oo?"

"Pupunta ako sa event na 'yan. Nakatanggap kasi ako ng invitation," sabi ni Josef.

Nagulat si Jocas sa narinig at nailaglag ang hawak na pagkain. "Bakit ka nakatanggap ng invitation? Binigyan ka talaga nila ng invitation?"

Iniwas naman agad ni Josef ang tingin kay Jocas at nag-isip ng magandang katwiran sa tanong na iyon. Hindi niya maaaring sabihin ang tunay niyang pakay sa auction dahil magiging malaking problema kung makakasagabal pa ang misis niya sa plano.

"Oo nga pala, kumusta na ang sugat mo?" pagbabago ng usapan ni Josef.

"Sugat? Anong sugat?"

"'Yong nasa—" Itinuro ni Josef ang sariling leeg ngunit napahinto rin nang mapansing walang kahit anong sugat sa leeg ng asawa niya. "Teka . . . 'yong sugat?" Inilipat niya ang tingin sa mga mata ni Jocas. "May sugat ka sa leeg, di ba? Kahapon lang 'yon."

"Sugat sa leeg?" Hinawakan ni Jocas ang leeg at pinakiramdaman kung may sugat nga ba. "Josef, wala namang masakit, e. Paano ako magkakasugat sa leeg?"

"H-Hindi mo ba . . . hindi mo ba natatandaan 'yong . . ." Alanganing umiling ang lalaki. "'Yong nangyari kahapon?"

Kumunot ang noo ni Jocas sa sinabi ni Josef. Napaisip siya sa tinutukoy nito, ngunit kahit anong isip niya'y wala siyang matandaan.

"May nangyari ba kahapon, Josef?" tanong pa uli ni Jocas.

Tinantiya ni Josef ng tingin ang asawa. Mukhang wala nga itong maalala base sa reaksiyon nito. Iniisip niyang baka nagkukunwari lang ito at nagde-deny pero hindi. Nakikita niyang pinipilit nitong alalahanin ang tinutukoy niya ngunit wala talagang maalala.

Project RYJO 1: The NewlywedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon