2

438 20 6
                                    

SEULGI

"I'm home~" rinig kong boses ni irene kaya agad akong napatayo.

"Baechu" tawag ko sa kanya.

"Ano?" Cold niyang tanong.

Teka bakit galit na naman siya? Kanina nakangiti pa siya ah?

"Miss me?" Pabiro kong tanong.

"Hmm" sagot niya.

Heto na naman kami. Araw-araw nalang ganito ang convo namin eh. Wala nang bago.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Hmm" sagot niya.

"Ano? Baka matulungan kita" nakangiti kong sabi.

"Wala kana dun" sagot niya at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Baechu, girlfriend mo ako kaya may karapatan akong tulungan ka." Sabi ko.

"Tss" sabi niya at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Di na ako naka pagpigil at inilabas ko na ang nararamdaman ko.

"Irene, di mo na ba ako mahal?" tanong ko dahilan para matigilan siya.

Hinarap niya ako na nagkasalubong ang kilay. Patay nagalit ko ata.

"Seulgi, pagod ako ngayon kaya pwede ba wag ka munang dumagdag sa problema ko?" sabi niya na ikinasakit ng nararamdaman ko.

Problema nalang ba ako sayo, irene?

----

Awtsss 💔

Work जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें