7

467 18 17
                                    

SEULGI

Maaga akong nagising at naghanda ng makakain. Kailan kong pagtuunan ng atensyon si baechu simula ngayon.

"Woah! Himala ata at maaga kang nagising?" sabi ni joy saakin at nginitian ko lang siya.

"Good mood ka ano?" tanong ni yeri.

"Porket maagang nagising good mood agad?" tanong ko at napa kibit balikat na lamang si yeri.

"Guys, aalis muna ako" sabi ni irene at kumuha ng isang sandwich na hinanda ko.

"San ka pupunta, baechu?" tanong ko.

"Wala kana dun" sagot niya na ikinasakit ng damdamin ko.

"Unnie, wag ka namang ganyan" sabi ni yeri kay irene.

"Bakit? May masama ba akong ginawa? Meron ba, seul?" tanong niya.

Napa buntong-hininga nalang ako at ngumiti ng pilit sa kanya.

"Wala. Sadyang malakas lang ang topak nila" sabi ko. "Sige tignan ko lang niluluto ko. Ingat ka sa lakad mo, unnie" sabi ko at tumalikod na.

"Unnie?" tanong ni irene kaya napaharap ako.

"Since di na ako ang tinatawag mong gommy at iba na, unnie nalang din ang itatawag ko sayo" sabi ko at nginitian siya ng pilit.

Di ko na kaya. Mag iisang taon na kaming ganito. Mag iisang taon na akong naghihirap makuha lang ang atensyon niya. Mag iisang taon na akong kumakapit sa kanya. Siguro naman walang masama kung bibitaw na ako tutal siya naman ang unang bumitaw. Ang sakit na di ko na kaya.

"Seulgi, mag problema ba tayo?" tanong niya.

"Saakin wala pero sayo meron. Unnie, girlfriend mo ako pero bakit feeling ko wala lang ako sayo?" sabi ko at natahimik lang siya. "Unnie, mag iisang taon na akong nag titiis, mag iisang taon na akong nasasaktan" dagdag ko at pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. "Irene, sagutin mo nga ako, mahal mo pa ba ako?" tanong ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko.

"S-seul, ano bang pinagsasabi mo?" sabi niya.

"Irene, please sagutin mo ako. Kung tinatago mo man ang nararamdaman mo para di ako masaktan, Irene ,please sabihin mo na kasi matagal mo na akong sinasaktan" sabi ko at patuloy parin sa pag iyak.

"Di ko alam" sagot niya at yumuko. "Seul, di ko alam. Mahal kita pero mahal ko din si bogum. Mahal kita pero pagod na ako. Mahal kita pero di na ako masaya. Seul, sorry pero sa tingin ko mas mahal ko si bogum kesa sayo at sorry kasi sa tingin ko kailangan na kitang pakawalan" sagot niya at lalapit na sana saakin para yakapin ako pero lumayo ako.

Ako nalang pala ang kumakapit.

"seul, sorry" sabi ni irene at may tumukong luha sa kanyang mata.

"Thank you, Irene. Thank you kasi inamin mo. Nasaktan man ako pero okay lang atleast di na ako nagmukhang tanga. Siguro kailangan ko munang magpakalayo-layo. Sana maging masaya na kayo ni bogum" sabi ko at umalis na.

Kahit masakit tatanggapin ko kasi mahal kita.

-------

Aish ang drama ko ngayon 😂

Work Where stories live. Discover now