4

422 22 8
                                    

SEULGI

Andito ako sa kwarto ko ngayon. Napapaisip kung bakit nag bago si irene. Di niya na nga ba ako mahal? Bat bigla nalang siyang nag bago? Bat bukas pa siya ng gabi uuwi? San kaya siya ngayon? Anong ginagawa niya? Masaya kaya siya? Safe? Gusto ko siyang puntahan kung saan man siya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka masaktan lang ako pag nakita ko siya. Oo ang tanga ko sa kanya pero kasalanan ko bang mahal ko siya? Kung pwede lang sanang kalimutan lahat ng nangyari saamin para di na ako masaktan. Gusto ko nang bumitaw, pero di ko kaya. Mahal na mahal ko si irene to the point na ayaw ko na siyang bitawan. Mahal na mahal ko siya kahit na nasasaktan na ako.

"Iniisip mo siya, unnie?" napatingin naman ako sa pintuan at nakita ko si yeri.

"Oh yerimie, bat andito ka?" tanong ko.

"Gusto lang sana kitang kausapin, unnie" sabi niya at lumapit saakin.

"Oh dali umupo ka" sabi ko at pinaupo siya sa tabi ko. "Ano bang pag uusapan natin?" tanong ko.

"Tungkol kay Irene unnie" sagot niya kaya natigilan ako.

"Ano yun?" tanong ko nang bumalik ako sa katinuan.

"Unnie, anong gagawin mo pag nalaman mong niloloko ka lang ni irene unnie?" tanong niya.

"Yerimie, unang una alam kong di ako lolokohin ni baechu. Pangalawa kung lolokohin niya man ako ay mapapatawad ko parin siya kasi mahal ko siya. Pangatlo wala akong paki alam kung niloko niya ako basta ang importante ay nasa akin parin siya" sagot ako at narinig ko namang napa buntong hininga siya.

"Unnie, isa lang masasabi ko sayo. Ang tanga tanga mo" sabi niya.

"I'll take that as a compliment" sagot ko at ngumiti ng pilit.

"Oh gabi na, unnie. Baka hinahanap na ako ng kapre" Sabi niya at tumawa at napatawa nalang din ako.

Buti pa sila ni joy. Kahit na araw araw silang nag aaway sa bandang huli ang sweet parin nila. Sa huli nag kakabati parin sila at nag lalambingan. Eh kami ni irene? Kailan kaya kami babalik sa dati?

---

Hellooooooo 😂

Work Where stories live. Discover now