5

416 18 3
                                    

SEULGI

"UNNIE, GISING NA!" rinig kong sigaw ni yeri.

"Kay aga aga nambubulabog ka?" Tanong ko.

"FYI Unnie, tanghali na kaya gumising kana" sabi niya at hinila hila ako dahilan para mahulog ako sa kama.

Kahit kailan talaga napakasama ng gasul na to.

Dinamdam ko muna ang sakit na naramdaman ko. Dalawang sakit ang dindama ko. Sakit mula sa pag ka hulog ko sa kama at sakit sa pag ka hulog ko kay Irene.

Habang nag eemote ay may na pansin akong kahon sa ilalim ng kama namin ni irene kaya agad ko itong kinuha at binuksan at bumungad sa akin ang mga pictures namin ni irene. Mga masasayang memories namin.

Bat niya to tinatago? Agad ko itong kinuha at dinala sa dressing table ni irene.

Baka matagal niya na tong hinahanap di niya lang makita kasi na miss place niya lang.

"Unnie, bat ang tagal mong lumabas? Gutom na a--" sigaw saakin ni joy at natigilan naman siya nang makita niya ang box.

Bakit may masama ba sa box na to?

"Bakit?" tanong ko.

"Wala. Tara na sa baba gutom na kami" kalmado niyang sagot.

Sabihin niyo nga may tinatago ba kayo sakin?

---

"Unnie, di ka pa ba aakyat? Gabi na oh!" sabi sakin ni joy.

"Iintayin ko pa si baechu" sabi ko.

"Iniintay mo siya eh siya nga di ka maintay eh" sabi ni yeri.

"Huh?" tanong ko.

"Wala. Sabi ni yeri ang ganda ko daw" sabi ni joy.

"Kapal naman ng feslak mo" sabi naman ni yeri at nag rambulan na naman sila.

Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa. Buti pa sila.

"Hihintayin mo talaga siya?" tanong ni wendy.

"Hihintayin ko siya...may kailangan din kaming pag-usapan" sagot ko.

"Ang tanong mapag-usapan niyo kaya yan?" tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Sasagot na sana si wendy nang may sunod sunod na kumatok sa pintuan kaya napatayo agad ako.

"Baka si baechu na yan" sabi ko at tumakbo na papunta sa pintuan.

At di ako makapaniwala sa nakita ko.

"B-baechu?"

--------

Ow yasss 😂 hulaan niyo kung ano yun 😂😂😂

Work Where stories live. Discover now