8

495 23 5
                                    

SEULGI

"Unnie, aalis ka na ba talaga?" tanong ni yeri.

"Unnie, babalik ka pa ba?" tanong naman ni joy.

"Ano ba naman kayo parang mamatay na ako ah? Mag papakalayo-layo lang naman ako for good. Kailangan ko lang magpahinga babalik naman ako" sagot ko.

Kailangan ko lang magpahinga mula sa sakit.

"Mag iingat ka ah? At siguraduhin mong babalik ka kundi may mangyayaring masama sayo" sabi ni wendy kaya napangiti naman ako.

"Ano ka ba, wendy. Babalik naman talaga ako eh. Mag vi-ideoke pa nga tayo pag balik ko eh. Tsaka pwede niyo naman akong dalawin dun" sabi ko at nagyakapan kami ulit.

"Pakisabi nalang kay irene unnie na umalis na ako. Alagaan niyo siya ha? Nasaktan niya man ako wag niyo paring kakalimutan na kaibigan natin siya" sabi ko at ngumiti. "Pakibigay nalang to sa kanya" dagdag ko at inabot ang sulat na ginawa ko kagabi.

"Unnie, mag iingat ka ah?" sabi ni yeri at niyakap ko naman siya.

"Unnie, pasalubong ah?" sabi ni joy at nakatanggap ng malutong ma batok galing kay yeri.

"Seul, masaya ako at di ka na nagpapakatanga. Sana maka move on kana pag alis mo" sabi niya at nagyakapan din kami.

"Sige. Aalis na kami. Mag ingat kayo ah? Lab lab ko kayo" sabi ko at pumasok na sa kotse ni baekhyun.

Napatingin naman ako sa bahay namin, sa bintana ng kwarto namin at nakita ko siyang nakasilip.

Sana naman pag nakalayo na ako ay makaka move on na ako at sana masaya ka na sa piling ni bogum.

I love you, irene.

----------

Angst is the way~

Work Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz