6

431 21 9
                                    

SEULGI

"B-baechu?"

"S-seulgi, si irene lasing" sabi ni bogum

"Alam ko di ako tanga" sagot ko.

Di nga ba ako tanga?

Pinasok na namin si irene sa bahay at inakyat na sa kwarto namin. Lumabas muna ako saglit para kumuha ng towel at basin para pampunas kay irene.

"Seul, sana naman ramdam mo na" sabi ni wendy saakin at nauna na sa kwaarto namin ni irene.

Matagal ko nang nararamdaman, wendy. Ayaw ko lang maniwala kasi ayaw kong masaktan.

Pumunta na ako sa kwarto namin ni irene at pinunasan siya at binihisan.

"Gommy" mahinang sabi ni irene kaya napangiti ako.

Buti naman at naalala niya pa ang tawag niya saakin. Dati.

"Beachu?" tawag ko sa kanya.

"Bogummy" sabi niya.

Hindi pala ako yun. Inayos ko na si irene habang may luhang tumutulo mula sa mata ko.

Bakit? Di niya na ba ako mahal? May nagawa ba akong mali? May mga pagkukulang ba ako? Bakit?

"Seulgi?" napatingin naman ako sa kanya nang tinawag niya ako.

"B-baechu, Okay ka na? Masakit ba ulo mo?" tanong ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya.

Napapahid naman ako sa mukha ko at inayos ang sarili.

"Ah hindi, naghilamos kasi ako hehehe" pag sisinungaling ko.

"Okay" sagot niya.

"Sige. Labas muna ako mag papahangin lang" sabi ko at lumabas na.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto namin ay nakasalubong ko si wendy at agad ko siyang niyakap at umiyak.

"Shhh... Okay lang yan, seul. Shhh.. Tahan na" sabi niya at niyakap din ako.

"Wendy, ang sakit. Ang sakit sakit" sabi ko.

"Shhh... Tahan na. Gusto mo sa kwarto ko muna ikaw matulog?" tanong niya at agad naman akong tumango.

Dapat siguro ibibigay ko na lahat ng atensyon ko sa kanya para di niya na ako iwan pa, para di na siya mag hanap ng iba.

-----
Meh ez goweng to cray 😭😭😭😂

Work Where stories live. Discover now