Seventeen

162 11 7
                                    

Seokmin's P.O.V

"Gutom na ko. Huhu. Tara na Kwannie. Lunch na tayooooooo."

"Lunch lang hyung. Walang tayo."

"Aba pitingni. Bahala ka diyan, mauna na ko. Kaimbyerna to."

Nauna na akong umalis habang tawa naman ng tawa si Seungkwan. Aba tong batang to.

"Kwan alam ko kinain mo kagabi."

"Sige nga ano?"

"Adobong kangkong."

"Eng! Mali. Nung isang araw pa yun! Pinakbet kinain ko kagabi. Hahaha!"

"Aba langya. Eh bakit may tinga ka pa diyan? Kitang kita yung kangkong sa ipin mo!"

"Hala omg! Kaya pala tingin ng tingin si Hansol sakin kanina. Huhu. Ako naman tong pangiti ngiti. Aaaaaaaaaa. Bakit ngayon mo lang sinabi hyung? Huhuhu."

"Aba ako pa tong sinisi mo! Eh kung nagsisipilyo ka kasi edi sana wala kang tinga dyan. Gosh, disgusting."

Kita ko ang pagmamaktol ni Seungkwan habang naglalakad kami papunta sa canteen. Hay nako Kwan. Di ka parin talaga nagbabago.

"S-seokmin!"

Napatigil ako sa paglalakad at tiningnan yung taong tumawag sakin.

Jihoon hyung.

"Bakit hyung?" Sabi ko habang nagpakawala ng isang pilit na ngiti.

"Ano kasi.. N-nasabi ko kasi kay Soonyoung kagabi na--"

Awtomatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Sabi na nga ba.

"Oh tapos anong gusto mong gawin ko?"

"Seokmin naman.."

"Huwag mo akong ma-Seokmin Seokmin, hyung."

"Kaya ko lang naman kasi nasabi y-yun kasi ang bigat ng pakiramdam ko. P-pakiramdam ko na a-ako ang dahilan.. Kung bakit--"

"Alam mo naman pala eh. Eh bakit pa victim ka?"

"Alam kong galit ka sakin pero tandaan mo hyung mo parin ako!"

"Putangina mo pati yang pinagsasabi mo. Simula nung iniwan niya ako ng dahil sayo nawala na yung respeto ko. Pakunwari ka pang tutulungan siya sa surprise na dapat ay para sakin pero tangina. Nasurprise talaga ako! Nasurprise ako sa balitang mahal kana ng taong mahal ko!"

"..."

"Nga pala, kung magsusumbong ka lang din naman, sana isinama mo na ko. Tutal sa paningin din naman ni Soonyoung eh ako ang masama. Nahiya ka pa Jihoon. Nahiya ka pa."

"...S-sorry Seokmin. I'm really s-sorry."

"Tangina mo pati niyang sorry mo. Magsama kayo. Mga gago."

Sabi ko at hinigit si Seungkwan papuntang open field. Dun ko lang din napansin na madami dami na rin pala ang mga estudyanteng nakatingin samin ni Jihoon.

Mga chismoso.

"H-hyung.. M-masakit.."

Doon ko lang napansin na sobrang higpit na pala ng pagkakahatak ko kay Seungkwan. Agad ko naman tong niluwagan nung nakarating na kami. Matik na nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga.

"Alam kong marami kang tanong Kwannie. Simulan mo na."

"Ikaw nalang magkwento hyung. Makikinig ako."

Seungkwan's P.O.V

Kwinento ni Seokmin hyung yung totoong dahilan kung bakit sila nagbreak ni Hoshi hyung, kung paano pumasok at nanghimasok sa relasyon nila si Jihoon hyung at kung ano ang mga texts na sinabi sakanya ni Hoshi hyung kahapon.

"Aba tangina niya pala eh! Gigil niya si aqoue ah!"

"Kwan, bibig mo."

"Eh totoo naman hyung eh! Gosh, may tinatago palang kakatihan yang si Jihoon hyung eh! Nakakahinayang!"

"Wag kang mainis sa kanya Kwannie. Kami ang may hindi pagkakaintindihan, wag sanang magbago pakikitungo mo sa kanya."

"Hyung naman... Bakit ba kasi napakabait mo? Paano mo ba nagagawang sabihin sakin ang ganyan? Hyung.."

"Hephep! Ayoko ng ganyang tingininan Kwan. Alam mo yan. Hay, ganun lang talaga siguro ang buhay."

"Pero hyung naiinis talaga ako sa ginawa ni Hoshi hyung. Ship ko kayo eh! Kaya lang nakalimutan ko na, na meron din palang ship na lumulubog."

Nakita ko ang maliit na ngiti ni Seokmin hyung. Di ko alam na ganto pala kabigat ang sakit na nararamdaman ni hyung.

"Kaya mo yan hyung! Makakamove on ka rin. Tandaan mo na nandito lang kami ni Jeonghan hyung. Atsaka si Jisoo hyung din pala."

"Alam ko naman Kwan. At nagpapasalamat ako para dun."

Sana talaga..

Makalimutan mo na si Hoshi hyung.

A/N: Alam kong madrama yung chapter na to pati yung ibang chapter and I'm deeply sorry about that. :( But, one thing is for sure. The drama is about to end but their story is about to bloom. (づ ̄ ³ ̄)づ

F I N D I N G M R. R I G H T [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon