CHAPTER 23

3.1K 81 1
                                    





Renxel point of view..




Masaya naman ang new year namin ni James, kahit kami lang dalawa, wala pa kasi kaming anak wala pa yan sa isip ko kahit kasal na kami, marami kasi akong trabaho kaya hindi namin matuunan ng pansin ang pag kakaroon ng baby.



" Wifey, alis muna ako may bibilhin lang.." James said.


" Sige, pwede mo ba akong bilhan ng coffee at samahan mo na lang ng band paper naubos na kasi e." Sabi ko.



" Long or short?"




" Long nalang, salamat hubby.." I said at hinalikan niya ako sa noo at umalis na rin siya.



Madami kasi akong gagawin at gumagawa ako ngayun ng mga test paper kasi malapit na ang exam, tumayo muna ako para kumuha ng tubig sa kusina ng bigla sumakit ang ulo ko na para bang nahihilo ako.



Nang, okay na ako pumunta agad ako sa kusina at uminom ng gamot, ikatlo na tong pag hihilo ko at minsan naduduwal din ako, hindi ko naman ito sinabi kay James baka mag-alala pa siya sa akin ng sobra.



" Renxel, buksan mo ang pinto.." Sigaw niya kaya binuksan ko ang pinto at nakita ko si Julia.



" Bakit hindi ka man lang nag door bell?" Tanong ko at nag sign ako na papasukin siya at umupo siya sa sofa.


" E, alam ko bang may door bell kayo? ngayun nga lang ako nakapunta dito e!.." Sabi niya.



" Ikaw talaga!tara kain muna tayo.." Sabi ko at pumunta kami sa kusina, inihanda ko ang letche plan at Juice.



" Ikaw Renxel, hindi ka ba kakain?.." Tanong niya, umiling na lang ako habang pinapanood siya, hindi talaga siya nagbago maganda pa rin.



" Bakit Renxel may dumi ba sa mukha ko?." Tanong niya habang pinapahidan niya ang kanyang mukha na wala namang dumi.



" Wala naman, may naiisip lang ako noon yung mga kabaliwan natin, tapos ngayun may mga asawa na at anak.." Sabi ko.



" Hahaha ano kaba...Pero oo nga no!parang ang bilis lang ng mga panahon." She said at nanahimik na naman kami.



" Teka! kailan ka ba magkakaroon ng anak?.." Sabi niya.



" Ako? hindi ko pa alam e! busy kasi ako.."


" Naku! kailangan mo ng magkaroon ng anak, kasi kong tatanda ka na sino ang mag-aalaga sayo?.." Sabi niya, nanahimik ako sa sinabi niya. May punto naman si Julia sa sinabi niya.



" Pero Julia, ready na ba talaga ako maging nanay? ready na ba ako na mag-alaga?.."



" Lahat namang mga nanay handang mag-alaga ng anak nila.."



" Natatakot ako..."


" Wag kang matakot nandito naman ako para tulungan kang alagaan ang anak mo pag meron.."



" Thank you.." I said at nagyakapan kami, swerte ko talaga sa kaibigan ko lalo na kay Julia.





To be continue..

Book 3: The Kim Family(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon