CHAPTER 33

3K 63 0
                                    




Jashin point of view;





Nandito ako ngayun sa office, inaayos ko na ang lahat ng mga papeless kasi bukas mag le-leave ako gusto ko munang mag spent ng araw sa pamilya ko.



" Sir!" Sabi niya sabay bukas ng pinto.



" Anong kailangan natin?" Tanong ko habang hindi nakatingin sakanya.



" Sir, can I invite you sa bar?." Tanong niya at lumapit sa akin sa puntong iyon tumingin ako sakanya na naka kunot ang noo.


" For what?." Tanong ko uli at ibinaling ang mga mata ko sa papeless.



" Because its my birthday and I want you as a gift.." Sabi niya sabay haplos sa likod ko kaya napatingin ako sakanya at naka smile lang ito ng malapad.


Kumindat ito at umupo sa mga hita ko, bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Angel.


Angel!!?







.

.

.





Angel point of view;




Papunta na ako ngayun sa office ni Jashin na ngangamba hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag pati mga text ko.


Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan, pagbukas ko sa pinto napahawak ako sa bibig ko sa nakita ko, tumingin si Jashin sa akin kaya lumabas na ako at naglakad.


" Angel!Angel!.." Sigaw niya pero hindi ako lumingon, bawat hakbang ko tumutulo ang mga luha ko, hinawakan niya ang kamay ko at iniharap sa kanya, yumuko ako hindi ko kayang tignan siya.


" Angel, mali ang nakita mo okay?." Mahinahon niyang sabi.


" Mali? mali bang makita ko ang pinaggagawa niyong dalawa?." Sabi ko habang hindi nakatingin sakanya.


" Angel, alam mo naman na mahal na mahal kita mula pa noon diba?." He said.


" I know, pero na realize ko na karma ko na to kasi-----kasi nagawa kurin ito noon sayo at ginagantihan mo ako." Sabi ko habang tumutulo ang mga luha ko.


Ina-ngat niya ang ulo ko gamit ang kamay niya, kahit naka-angat na ang ulo ko nasa gilid pa rin ako nakatingin.


" No, hindi mo ito karma at hindi kita ginagantihan, magagawa ko bang gantihan ang taong pinakamamahal ko." He said at niyakap ako.



Hindi pa rin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko, bagkus ay hinayaan ko lang itong tumulo.


Nandito na kami ngayun sa bahay, natutulog na si Felly ang babae naming anak malaki na rin iyon mga Grade 11.


Nandito kami ngayun sa kama sinandal ko ang ulo ko sa pader habang nagbabasa ng libro habang si Jashin nag la-laptop lang.


" Love?" Mahina kong tugon.


" Hmmm.." Ang tanging lumabas sa bibig niya, mukang busy siya, kasi mag le-leave daw siya bukas.


" Hindi kaba nagsisi na pinakasalan mo ako at tinangap mo kami ni Felly sa buhay mo?." Tanong ko, sa puntong iyon nakatingin na siya sa akin at isinarado na ang laptop niya at lumapit sa akin.


" Love wala akong pinagsisihan sa mga desisyon ko kasi mahal na mahal ko kayo."Sabi niya at hinalikan ang noo ko.


" Love, what if sa huli pinag-sisihan mo at iyon ang pinaka maling desisyon na ginawa mo?" I said.


" Hindi iyon mangyayari dahil sa huli kayo ang pinakamamahal ko." Sabi niya at sa puntong iyon tumulo ang mga luha ko.


" Thank you Love." I said, hinalikan niya ang bawat mga luha na pumapatak kaya napangiti ako.





To be Continue..

Book 3: The Kim Family(Completed)Where stories live. Discover now