CHAPTER 28

3.1K 69 1
                                    



Richard point of view;






Tumigil ako sa may bridge at sakto may nakita akong isang kotse, nag park agad ako at bumaba na at pumunta sa may lake at nakita ko si Camella at Jay na nagyayakapan.



Hindi ko na sila inisturbo, umalis nalang ako ibibigay ko nalang itong invitation Card kay Janine at siya na ang magbigay, bumalik na ako sa school kasi malapit na ang klase namin..




.

.

.






Ngayun ang birthday party ni Anna kaya nakabihis kami ngayun ng magandang mga damit.


" Mom and Dad, hindi na ba talaga kayo sasama?" Tanong ko.


" Diba sabi ko naman sa inyo na pupunta kami ng Cebu para sa business, kaya kayong dalawa nalang at mag-ingat kayo.." Sabi ni Mama.


" Okay Mama, take care.." Sabi ni Janine humalik sina Mama at Papa sa amin, at lumabas na kami ni Janine at sumakay na ng kotse.



" Kuya, mahal mo ba talaga si Anna?"  Tanong sa akin ni Janine kaya napatingin ako sakanya.


" What kind of question is that?" Tanong ko at tumawa ng kaunti.


" Kuya, alam mo naman kung mamahalin mo siya may taong masasaktan." She said.


" That's love may masasaktan." Sabi ko.


" Alam ko, pero Kuya si Camella ang masasaktan alam mo 'yon?" She said, hindi ko alam kong anong isasagot kaya tumahimik nalang ako at nag-park na ng makarating kami.


" Your here.." Sabi ni Anna at ngumiti ng malapad, she's wearing a violet dress at ang ganda niya.


" Happy Birthday.." Sabi ko at binigyan siya ng regalo.


" Thank you, just enjoy the party. By the way na saan ang mga kasama mo?." She said.


" Kami lang dalawa ni Janine ang nandito, kong hinahapan mo si Janine nandoon lang siya sa tabi tabi.." I said.


" Okay.." She said at umalis na, She's so perfect tonight.


" Pre, titig na titig ah?.." Sabi ni Jason.


" Haha ano kaba.." Sabi ko at medyo namula ng kaunti.


" Tara na nga.." Sabi ni Jason, pumunta naman kami malapit sa pool kasi nandoon ang iba ko pang barkada.






.

.

.





Someone's point of view;




Nakabihis na ng magandang damit si Anna kasi ngayung gabing ito ang araw ng kanyang Kaarawan.


Knock, knock, knock..


" Pasok.." Sabi ni Anna, bumukas naman ang pinto at nakita niya ang kanyang Mama at Papa.


" Excited ka na ba sa party?" Tanong ng Mama ni Anna.


" Yes Ma, at sana walang mangyayari na masama.." Anna said.



" Anak, pupunta ba ang boyfriend mo?" Tanong ng Daddy niya, sa puntong iyon napatigil si Anna dahil nagsisinungaling siya sa sakanyang mga magulang.



Wala naman talagang boyfriend si Anna kasi hindi pa niya gusto, at nag sinungaling lang si Anna para mapasaya ang kanyang mga magulang kasi gusto talaga ng mga magulang ni Anna na magkaroon na siya ng boyfriend pero hindi niya man lang ito naibigay.


" M-mom, D-dad.." Nauutal na sabi ni Anna.


" What? pupunta ba siya I want to meet him I'm so excited.." Sabi ng Mama ni Anna na tumitili.


" Syempre, p-pupunta po siya.." Sabi ni Anna.


" Na excite tuloy ako, sige mag ready kana ah?" Sabi ng Mama ni Anna.


" Okay.." Tanging sabi lang ni Anna, lumabas na ang mga magulang ni Anna galing sa kwarto niya.



Hindi alam ni Anna kong ano ang ipinasok niya pero ang tanging nasa isip lang niya na papasaya niya ang kanyang mga magulang.





To be Continue..

Book 3: The Kim Family(Completed)Where stories live. Discover now