Simula

5.9K 310 114
                                    

Isang taon na ang nakalipas, isang taon ng masasakit pero mas nakakaraming masasayang alaala. Isang taon at tila hanggang ngayon naiwan parin ang buong puso ko sa Germany. Ang hirap nang prosesong aking kinailangan pagdaanan para lang kahit papano mabigyan ko ng saysay ang naging desisyon ko. It was hard and It's heart shuttering upto this point but I didn't have any choice but to leave for him to live.

"Nique, kamusta?" Si Tony at umupo siya sa tabi ko dito sa may bench sa canteen ng school.

Napasara ako ng librong hawak ko at hinarap siya, "Good morning Tony" I smiled, "Okay lang ako. Medyo kabado. Ikaw? Kamusta?" I asked

He smiled looking straight to me, "Okay lang din! I'm just glad na makikita kita ulit sa school! Welcome back!" Ngumisi ito kaya nakingisi na rin ako.

"Salamat! Pero, nakakakaba pa rin talaga! Alam ko this day will never be a usual first day of class! For sure maraming mangyayari dahil sa hindi inaasahang mga bagay, mabibigla sila" I said and I sighed

Napanguso siya ng bahagya, "Don't worry that much. If you think this is the best thing to do then don't worry about it, okay? Kahit malayo tayo ng department alam ko naman na magiging okay ang lahat. Andiyan naman ang mga kaibigan mo, and the rest of his friends"

Nahilaw bahagya ang naging ngisi ko sa sinabi ni Tony. His friends? I'm not even sure if they're okay with me. Maybe? I don't know, medyo nag lie-low na rin kasi talaga ako sa barkada.

"Nique!"

Jane and Eliza are here

Napatayo si Tony, "Oh ayan na ang mga friends mo, I don't have to worry about you anymore" ngumiti siya ng napakalawak, "Alis na ako Nique, ingat ka!" He smiled at kumaway siya sa'kin

Kumaway din ako sa kanya, "Tony!" Pag tawag ko, "H'wag ka na mag-alala sa'kin, okay lang ako!" I smiled.

Inayos ko ang gamit ko at inilagay sa bag kong bitbit.

"Nique, sorry na late sa usapan! Nag pasundo pa kasi ako kay Jane, wala si Mokya at Nikko ngayon eh, tinatamad daw pumasok" si Eliza sabay beso nito sa'kin

Napailing si Jane na may kasabay na pag-irap "Hindi na talaga nag bago ang dalawang iyon, nakakaimbyerna tuloy! Di bale, mas maganda na rin ito Nique at masosolo ka namin ngayong araw" ngumisi ito.

Naglakad kaming tatlo papunta sa department namin, that's right. Nag shift ako ng course, from being a medical student to a business management major in Finance and Accounting. Maraming nag bago sa loob ng isang taon, mga planong naiba dahil sa mga pagbabago. Lahat nag bago na at hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para harapin ang buhay na tinalikuran ko. The unusual nervousness in my heart is making me scared, I feel like I'm alone.

"Grabeh, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko! For sure maraming magugulat Nique, well anyway, masaya kami na lagi kana namin makakasama." si Eliza habang nakatingin siya sa kanyang sarili sa maliit na salamin na kanyang bitbit.

"Onga Nique, tama si Eliza! Masaya ako na kasama kana namin, pero hind ko rin maiwasan maisip na kung gaano na karaming pagbabago ang natatamasa mo ngayon.  Ewan ang weird" tumawa ng pilit si Jane.

Awkward. Na-aawkward ako sa mga nangyayari. I feel like my body is here but the real thing is that my soul went somewhere.

Habang nasa hallways na kami ay hindi mapigilan ng mga taong ipukol nila sa'kin ang kanilang paningin at hindi ko naman sila masisisi kung bakit may mga gulat at tila nagtatakang mga mukha ang kanilang ipinapakita sa'kin. I truly understand, really.

"Grabeh, sobrang big deal ka talaga sa buhay ng mga taong nakakakilala sa'yo Nique, ibang level kung makatingin sila sa'yo oh!" si Eliza at bumulong lang ito sa'kin.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon