Episode 27

4.2K 317 234
                                    

Unexpected ones

--
At dahil maaga nga natulog si JM ay maaga din  itong nagising. Siguro nga mas maaga pa sadyang hindi lang maiyak itong batang 'to at tsaka na lang umiyak noong basa na ang lampin eh. Mabait na bata si JM depende na lang talaga kung sinusumpong nang aburido dahil na rin sa sakit niya.

"Tay, itabi mo muna si JM at heto gatas niya." pag gising ko kay King at itinabi ko naman sa kanya si JM. Ganito madalas ang nangyayari sa'min tuwing umaga lalo na't nagreready na ako for school.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay si King naman ang maliligo and good boy din talaga itong si JM dahil hindi na nagpakarga kusa nalang natulog sa higaan. Alam niya sigurong ang tatay niya ang nagbabantay sa kanya na takot siyang kargahin dahil na rin sa baka mabali niya raw si JM. Ewan ko ba kay King, hindi lang din siguro sanay.

Ready na kami for school ni King at heto kami ngayon nag bbreakfast. Sabay na kaming pupunta ng school ngayon at naalala ko naman ang sinasabi sa'kin ni Michelle na pupunta ulit siya ngayon to see King. Tapos, ano na? Ano na mangyayari?! Kinakabahan ako.

"Bye Nak," sabay kiss ko kay JM, "ikaw na bahala Jovy ha? Kung may kailangan o may nangyari, itawag mo agad sa'kin! Si Mommy uuwi ngayon kaya pakiremind na lang ako kay manang na mag luto ng tanghalian good for kung ilan kayo. Okay?" pagbilin ko

"No problem mam! Ingat po kayo ni Sir." si Jovy at bahagya niya iniangat si JM sa amin, "Babye na kay Nanay at Tatay, JM!"

"Ingat nak, be a good boy just like Tatay ha!" si King at natatawa itong nag kiss kay JM.

"I love you Nak, brains lang manahin mo kay Tatay, please!" I chuckled as I kissed my son, good bye for now.

"Sinisiraan mo talaga ako sa anak natin eh! Grabe ka Nay!" si King at natatawa akong pumasok sa sasakyan niya

"Para iyon lang, sensitive mo naman! Syempre, hindi pwedeng manahin ni JM ang mga traits at ugali mo no! Gusto ko, ikaw lang, walang katulad! Tsaka, hindi ko na kakayanin ata kung may dalawang ikaw, baka maaga akong mamahinga sa tuwa!" I laughed at nangaasar ako kay King. Well, I'm just trying to reduce the tenseness I'm feeling right now.

Natahimik na ako bigla.

"Okay ka lang Nay?" he asked at bahagya akong napatingin sa kanya, "May problema ka ba?"

"W-wala naman. Hayaan mo na ako Tay, wala lang 'to!" I smiled

"Mamaya buntis ka ah! Moody pa naman daw pag buntis!" he chuckled, "Ang saya saya naman!"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, "Buang ka talaga! Buntis ka diya!" sabay hampas ko sa balikat niya at bahagya na lang akong natawa.

Dumating kami sa school at tsempong naglalakad na kami sa hallways ay may tumawag sa'kin at sa boses pa lang, kinabahan na ako. Hindi ko alam pero napaparanoid talaga ako!

"Monique!" and yes, it's Michelle.

Lumingon ako at nakita kong patakbo itong palapit sa'kin at kasama niya si Tan--aba!magkasama silang dalawa!

"Good morning!" she smiled at niyakap niya ako, nagulat ako.

"Hoy sino ka?!" si King at talagang bahagya niya itong tinulak kaya napahawak ako kay King, "Sino 'to Nay?" he asked, bushak, kinakabahan ako!

"Nay?!" Napatabon ito ng kanyang bibig, "Nanay ka niya? Weh?!" si Michelle

"Tss, ang annoying nito. Sino ka ba? Kilala mo ba 'to, Nay?"

"Ha-a? si...si.."

"I'm Michelle! Kaibigan ko ang Nanay mo!" she smiled widely, "That makes me your Tita!" natawa ito

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon