Episode 21

3.9K 261 98
                                    

To protect
--
An: You can listen to the song dahil diyan ko hinugot ang episode na'to :)
-

Kinabukasan ay maaga akong nag prepare dahil half day lang kami sa school ngayon at mamayang hapon lang ang klase. Papunta ako ngayon sa condo kung nasaan si Baby JM bago pumunta ng school. Gusto ko rin sana puntahan si King pero syempre hindi pa pwede unless he said so kasi nga baka andoon ang mommy niya. Hay buhay!

"Good morning Ma," pagbati ko kay Mommy pagka pasok ko sa kwarto ng condo. Kakagising niya pa lang at mahimbing naman ang tulog ni JM.

"Ang aga mo naman anak," si Mommy at bumeso siya sa akin, alas sais pa naman kasi.

Ngumiti ako kay mommy saglit at tumungo ako kay baby JM para pagmasdan ito, he's sleeping soundly, "Namimiss ko kasi si JM eh." I said at tumingin naman ako kay Mommy, "Masaya ako mom, alam na ni King ang tungkol sa kanya, at first nagalit siya dahil sa paglihim ko at nag-away pa sila ni Tantan pero later on, natanggap niya na rin, and look!" Sabay angat ko ng aking kamay upang ipakita sa kanya ang engagement ring na bigay ni King, "he formally proposed to me, and I said yes, again." I smiled

Nabigla man una si Mommy ay ngumiti naman ito't nagyakapan kaming dalawa, naiiyak ako. "I'm happy for you anak, sainyo ni King. Alam ko na marami pa kayong pagdadaanan pero kayanin niyo nang mabigyan niyo ng magandang buhay si Baby JM ha? He needs you both more than anyone else in this world." She smiled, "Kamusta ang Daddy mo? Alam niya na ba?" She asked

I shook my head a bit, "Hmm, ang alam niya, nag propose na sa'kin si King, he doesn't know na alam na ni King ang tungkol kay JM. Alam mo naman ang dalawa ma, natatakot si King na baka mapagalitan siya ni Daddy at may mga tests pa, kilala mo rin si Daddy ma, parang matanda lang ng isang buwan kay King," I giggled, "Pero..." I paused and sighed

"Hindi pa alam ni King ang kondisyon ni Baby JM?" Natumbok niya, I nodded, "Monika, alam mo naman na importanteng magsabi ng totoo sa isang relasyon, Elijha will handle it because it's the truth he cannot deny,h'wag ka na maglihim anak, tell him even when you have the slightest chance kasi iyon naman ang dapat. He is the father, he deserves to know the truth, okay?"

"Eh Mommy, nag-aalala din kasi ako sa magiging reaksyon ni King. Natatakot ako na baka makaapekto sa kanya pag nalaman niya. May tests pa naman siyang pagdadaanan, baka sisihin niya ang sarili niya at mas makalala pa ng kondisyon niya." I sighed

Napahagod naman si Mommy sa likod ko, "Naku anak, pinapangunahan mo naman masyado si King anak, he's a strong guy, kung may makakabigay man ng suporta kay JM sa pinagdadaanan nito ay si King iyon dahil bukod sa siya ang ama, mas alam niya ang pakiramdam. Okay? Tell him, do you get me Monika?"

Napatingin ako kay Mommy at napatango na lang, "If I'll have that chance mom, I will." I smiled at bumuntong hininga akong ibinalik na muna ang paningin at atensyon kay baby JM na tulog na tulog pa.

Baby JM is sleeping soundly and I can't wait for that moment na makakasama niya na ang Tatay niya. Oo, tanggap ko naman na sa aming dalawa ni King, ako talaga iyong push nang push noon na magka-baby na kung anu-ano na lang pinag sasabi ko just to convince him, although ayaw niya well, we did pero sobrang naging mahirap ang aming sitwasyon.

Nagbuntis ako na hindi kasama si King, hanggang sa panganganak ko ay hindi ko rin siya nakasama. Dati iniisip ko, siguro ang saya kung nakasama ko si King sa paglilihi ko, sa mga mood swings ko, at kahit sa anong sakit na naramdaman ko noong nanganak ako ay lesser siguro ang pain kung andun siya. I could have seen his face noong makita niya si Baby JM kaso hindi eh, hindi iyong ang nangyari.

Wala lang, mediyo masakit lang na dahil sa sitwasyon namin ay na-miss lahat iyon ni King at si Tantan ang nakaranas. Yeah, Tantan was there through out the process lalo na noong nagtatrabaho sila mommy at daddy ay siya ang madalas na nakakasama ko kaya nga siguro naging close din talaga ang mga magulang ko kay Tantan at si Tantan naman, napamahal na kay JM.

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon