Episode 34

3.7K 268 31
                                    

Adjustments

"Oh, ngayon ba uuwi ang baliw mong jowa?" si Daddy

Nasa hospital ako ngayon at nag aassist na muna kay Daddy na parang nag papractice na rin for the future as a doctor. Ayaw ko kasing umasa sa libro at maghintay na mag hands-on sa school. Gusto ko pag may time ay nilalaan ko sa mas malawak na kaalaman.That's how it works for me now.

"Anong jowa? Asawa!" pag correct ko kay Daddy sabay pabirong umirap sa kanya

"Asawa, tsaka na pag kasal na kayo sa simbahan!" umismid ito. "Asawa ka diyan!" dagdag niya looking all so serious

My dad's been crazy asking me to tell King about us getting married in church. I mean, sino naman ang hindi gusto makasal sa simbahan with all the white gown, bridesmaid at lahat ng normal sa isang kasal? Gusto ko rin talagang ikasal kami ni King sa simbahan mismo para mas dama. Sadyang, hirap pa kami ni King iorganized ang lahat lalo at nag aadjust pa lang kaming dalawa sa kung anong buhay meron kami ngayon.

The past two years was never really easy for me and King. Sobrang nahirapan kami lalo na sa health niya pero sobra iyong pagpapasalamat ko dahil kahit papaano nakalagpas si King sa deadline na 21 kung saan iilan lang ang nakakalagpas talaga.

Ngayon, okay naman si King at patuloy pa rin sa maintenance niya pero okay na rin kasi medyo limit na sa masasakit na tests na pinagdadaanan niya noon.

"Grabeh, darating din kami diyan Dad! Tsaka, sabi ni Mommy, iyong legalities ng isang kasal sa huwes at sa simbahan ay wala namang pinagkaiba!" depensa ko

"Mag rason ka pa Monika at talagang tatabasin ko iyang dila mo o di kaya pugutan ko na lang ng ulo iyong jowa mo para tumino iyang pag-iisip mo! Hindi mo ba naisip na wala man lang kami na magulang mo sa kasal mo? Kung totoong iniisip ka ng asawa mo kuno na iyan, isa sana iyan sa priority niyo!" pasinghal na sabi ni Daddy.

Bumuntong hininga ako, "Oo na. Grabeh until now, napaka basher mo pa rin kay King! Nagsisikap naman si King ah! Nag-iipon kami para makapag bukod na kami at malapit na." I smiled

"Isa pa 'yan!" bahagyang sigaw niya. Ang high blood ni Daddy, "Sigurado ka ba diyan? Alam ko naman na maaalagaan kayo ni Nana at Mario pero nakakabahala pa rin. Tsaka, hindi lang dahil diyan sa asawa mo pero syempre mamimiss ko rin ang apo ko!"

Plano na namin bumukod ni King and that's right, kasama namin sa pagbubukod si Nana at Tatay Mario and I find it okay dahil alam namin ni King parehas na matuturuan nila kami ng mabuti lalo na sa pag-aalaga kay JM dahil na rin nga sa may sakit din ito katulad ng kay King kaya alam nila what to really do.

Natawa ako. "Daddy! Ang oa mo talaga! Pwede mo naman makasama si JM ah, pwede mo mabisita at pwede na every weekend umuwi kami sainyo! Daddy talaga!" Natawa ako at napa-yakap na ako sa kanya, ang cute lang. Ganito siguro talaga pag tumatanda na. I chuckled.

"Eh iyong sinabi ni Elijha na off limits ako sa bahay niyo, bawal akong tumuntong! Kapal talaga ng mukha ng asawa mo!"

Napanguso na ako, "Daddy, h'wag mo nga seryosohin ang mga sinasabi ni King? Hindi ka pa ba nasanay? Ang sensitive mo na ah, signs of aging na ba iyan?" I chuckled, "I love you Daddy, hayaan mo, pagsasabihan ko si King and seryoso ako dun sa pagbisita sainyo ni Mommy every weekend!" I said and kissed him on his cheeks.

Ang sweet at cute lang ng daddy ko. Hay! Ewan ko rin naman talaga kasi sa kanila ni King, hindi pa rin sila in good terms daw ni Daddy at lagi pa rin silang nag-aasaran! Pero alam ko naman na kahit tila personalan na ang atake nilang dalawa, at the end of each day they still have eachother's back.

Habang nag aayos ako ng mga data ng patients ay nag ring naman ang phone ko at napangiti ako sa nakikita ko, it's King.

"Tay?"

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now