Episode 2

3.6K 344 122
                                    

Dream

Another day has come at maaga pa rin ako pumunta ng school. Hindi na ako nakipagmeet up kanila Eliza dahil susunduin naman sila ng mga boyfriends nila. Dumating ako sa classroom na walang tao at mas mabuti na ako muna talaga ang mauna dahil kahit papano kampante akong safe ako, mahirap na kasi kung may nauna eh baka pagdiskitahan ako lalo na sa nangyari kahapon.

Nagbukas nalang ako ng libro ko at nag review. Gusto kong ifocus na lang muna ang pansin ko sa pag-aaral. I'm actually planning to take few more advance exam so I can just graduate easily or I don't know. Nahihirapan lang talaga ako mag plano sa ngayon thinking any moment pwedeng pwede magbago. Maaaring hindi matupad o along the process mag-iiba ang mga plano depende sa circumstances na pinagdaraanan.

Habang nag-babasa ako ay mag pumasok sa classroom namin and it's Tanix. Napatingin ako sa relo ko at 6:30am pa lang naman ah.

"Good morning" pagbati ko sa kanya noong mag lakad siya palapit sa upuan niya, katabi ko.

"Good morning! Too early again, huh?" He asked at ngumiti na naman eto.

"Ah, wala lang! Maaga kasi ako nagigising kaya maaga din akong nakakapag prepare for school, kaya imbis na tumambay sa bahay ay pumupunta nalang ako ng maaga dito" naka ngising tugon ko kay Tantan na kakaupo pa lamang sa upuan niya, "Bakit ang aga mo? It's unlikely of you or sadyang totoo lang talaga iyong sinabi ni Nikko na new year's resolution mo?" I chuckled a bit.

He shook his head and faced me, "Not really, I've been working out in the school's gym as early as 4:30am, I saw you walking at the lobby so I decided to come here after" he explained and I nodded "How are you Nique?" Pagtanong nito and I know what he really meant, it's about that.

I cleared my throat out and ngumiti ng bahagya sa kanya, "Ang totoo, I'm still in the process of absorbing everything. Too much changes I need to get used to about." I laughed a bit only to shrug things in me. Sad thoughts and heavy burdens in my heart.

"It must have been really difficult for you to go through all of these stuffs alone. It wasn't really easy on your part and must have been really hurtful to be judged."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Tantan, naghuhukay na naman ito ng mga pasakit na alaala na ibinaon ko na sa puso ko. Siguro nga lang hindi gaano kalalim ang pagbaon ko nito dahil kaunting kibot lang, nahuhukay at nadarama ko muli ang sakit just exactly how it feels the first time.

I smiled a bit to shrug things off my shoulders, ayaw kong umiyak sa harapan niya pero kahit isang taon na ang nakalipas ay sobrang namimiss ko siya, sobra! Kung pwede lang sana malaman ang magiging resulta kung sakaling inilaban ko ang kami sa dulo ay baka nakapagdesisyon pa ako kung saang kasalukuyan ang gusto kong pamuhayan. Ang kasalukuyang kasama siya pero nasa alanganin ang lahat o ang kasalukuyang hindi ko siya kasama at nasasaktan ako? Which one is better?

"I'm getting used to it," I smiled "I have to" dagdag ko at agad akong nag-iwas tingin sa kanya baka kasi tuluyan akong maiyak

He sighed, "Have you ever wondered how King is doing now?" He asked all of a sudden and now I'm about to convince myself that Tanix wants me to cry infront of him. It's not that I don't want to talk about King, it's just that sa t'wing naririnig ko ang pangalan niya o kung siya man ang napag-uusapan namin ay hindi ko maiwasang maging emosyal, naisasaisip ko ang maaaring galit sa'kin ni King, I can't even stop worrying.

Napailang pikit ako para lang maiwasang mamuo ang mga luha sa mata ko at tumingin kay Tantan muli, "I'm praying he's fine. I'm praying everything's worth it." Bumuntong hininga ako, "B-basta ba okay lang siya, alive and kicking, okay lang ako" I smiled widely, okay na kahit fake lang muna

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now