Episode 14

4K 298 76
                                    

A trip to remember
-

Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon na pauwi na kami ng manila. Ni hindi ko gustong umuwi ng bahay thinking andoon at makikita ko ang ama kong walang kwenta.

"Tay, baka naman gusto mo samahan kita? Baka ano pa gawin ng Daddy mo? Diba may mga guards siya? Mamaya gulpihin ka non tapos pag nahimatay kana dadalhin ka sa Germany, pag gising mo andun kana. Magkaka--"

"Kalma." I said

She sighed, "Paanong kakalma eh ni hindi tayo sure kung ano na mangyayari pag-uwi mo doon! Sabi mo andun ang daddy mo? Paano Tay kung tama ang mga hinala ko?!"

Napatingin ako sa kanya, "Nay, if you're going to act that way parehas tayong hindi makakapag-isip ng matino. Nabaliktad ata tayong dalawa eh!" I managed to laugh.

"Luh. Anong tinatawatawa mo diyan? Seryosong problema 'to Tay! Ano na lang mangyayari kung andun talaga ang Daddy mo? At iuuwi ka niya ng Germany? Paano kung nalaman na nila na nagkabalikan tayo?! Tay, walang nakakatawa! Pagdating sa pamilyang meron ka, peligro ang kasunod." I sighed.

I immediately grab her hand at itinabi ko na muna ang sasakyan, "Monique Dale," I said serioiusly, "Kalmahan mo. Sabi ko naman sa'yo diba? Hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ang nakaraan! Trust me. Hindi ko na hahayaan iyon, please? Kumalma ka na." I said while looking straight

"Hindi ko lang maiwasan Tay, medjo nakakatrauma talaga. Sorry!" She said at parang nagpipigil siya ng iyak.

"What should I even do to stop you from overthinking? Ako, totoo, mediyo kinakabahan din pero I'm certain, I will no longer let those things happen to us again, promise iyan, I will see you tomorrow. Okay?" I said and she finally nodded.

Inihatid ko na muna siya sa bahay nila.

"Tay, magtext ka or tumawag ka agad ha? Please lang Tay. Pag hindi ka nakapag-text sa'kin in one to two hours, I will assume for the worse. Okay?" She said and I nodded at agad naman niya akong niyakap.

Mediyo nalulungkot ako sa inaasta niya. It really shows. The trauma that she went through is really visible. Masakit tingnan.

"Nay, promise. I will be fine. We will be fine, I will not let anyone tore us apart again. Okay? I love you." I said and I kissed her, maybe to get some energy and for strength?

Pauwi na ako ng bahay namin at papasok pa lang ako sa gate namin halata na talagang andito si Daddy dahil maraming sasakyan ang nakapark sa grahe. Kinakabahan ako pero pumasok pa rin ako sa bahay namin. Kalma King, kalma lang.

"Glad you're home. Kumain ka na ba?" Si Mom.

Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa babaeng 'to. Kagabi lang iyon na sinagot-sagot ko siya pero heto she's talking to me like concern pa. Fake!

"Matutulog na ako." I said and walked pass by her.

"Andiyan ang Daddy mo pero natutulog na siya. I thought nasa practice ka ng basketball pero sabi ni Danny hindi ka umattend ng practice kasi masakit ang ulo mo. Did you have an attack? Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa kanya, hindi ko talaga maintindihan ang inaasta niya. Why the heck is she like this? Bakit siya parang concern na concern? Anong meron ba?!

"You look more sick than I am. Why are you even like this?" Ewan, umiinit ang ulo ko.

"What do you mean?" She asked at napapabuntong hininga ako sa kanya, "Mama mo ako Elijha, ano bang pinagsasabi mo? I'm trying to fill in the gap--"

"Did I even gave you a chance to do so?! Ni walang abiso? I'm not open for another mother, tama na sa'kin si Nana! And why the hell are you even here? Can you just go back to where you came from? Bring Nana here instead, masaya pa ako!"

Love Game 3: To be or not to be?  (√)Where stories live. Discover now