Chapter Two

2.3K 35 9
                                    

SLATE

A long sigh escaped from my lips.

Expectations. Sabi nga sa isang commercial, "Do they make your life easier?" My answer, NO. Expectations are the ones that dragged me down to this kind of fate. Si kuya Stanly, isang miracle worker, na nagpatakbo at nagtaguyod ng companies namin ay kinasal na at hindi na masyadong makakapagasikaso dahil magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Because of that, I was forced to follow his path, ang palaguin ang company namin, just like he did in those times.. Well, if it wasn't for dad, I wouldn't care to even consider it, but I would want to, it's just that business isn't my thing, car racing is, but not this, hindi naman talaga papasok sa isip ko yon kung hindi kailangan e, kaso ito, napasubo na 'ko since I don't want to let the fruit of dad's hardship to go down to waste.

Lucky kuya, kaya niyang gawin ang lahat, nakakapaghirap siya makuha lang ang isang bagay na gusto niya, and the payoff for his hardwork? Angelie. I guess that's why hindi talaga kami para sa isa't isa.. kuya Stanly deserves her more than me, sa mga pinagdaanan ba naman nila.. though that truth still hurts. Damn it! Why does it always have to be this way? Ang unang babaeng minahal ko, sinaktan ako. Yung pangalawa naman, I almost had it e, pero tumigil ako hangga't hindi pa ako masyadong nasasaktan dahil alam ko din naman ang kahahantungan non kapag pinagpatuloy ko pa, I would only hurt myself.

For that, lagi kong tinatanong ang sarili ko kung bakit ba ako palaging nahuhulog sa taong sa huli ay sasaktan din naman ako or masasaktan din ako. Naiisip ko na nga lang na wag na akong magmahal e, kasi pare-pareho lang naman sila, they can, and will be the cause of my heartaches.. masasaktan nila ako either consciously or unconsciously.. kahit anuman yon, masasaktan at masasaktan nila ako. Pero, kahit may mga strong feelings ako na ganito, I still can't hide the fact na malungkot talaga ang feeling ng maiwang nag-iisa.. e yung dalawang kapatid ko ba naman kasal na e, tapos ako na lang ang naiwan.. ano bang mararamdaman ko? Hahaha. But should this go on forever?

"Pst. Bro."

Sino yon? Kaninong boses yon? At saka bakit ako nakakarinig ng boses? Ang ganda ganda ng panaginip ko e, mamaya ka na.

"Gumising ka na, you'll be late for work, stupid."

Ano ba? Mamaya ka na sabi e, at anong stupid, hay, nevermind.

"MR. SLATE TOPHER SILVESTRE RAMIREZ WAKE UP!!"

Nang marinig ko ang boses ni kuya, biglang nagising ang buong diwa ko. Hala anong oras na ba?! Patay! First day of work ko ngayong araw na 'to! At si kuya pa ang gumising sa akin! Naiinis ako na nahihiyang bumangon mula sa pagkakahiga ko at tinignan ang orasan. It's 7:40 am! Teka bakit nandito sa bahay, at sa kwarto ko si kuya?

"Eto na! Eto na! Teka, why are you here?"

"Syempre kinutuban na ako na ganito ang mangyayari, and I was right. See? Kung hindi pa kita ginising e di late ka na sa unang araw mo sa kumpanya! You're so irresponsible."

"No I'm not. Hindi lang umandar yung alarm kaya na-late ako sa paggising!"

"Ahhh.. kaya pala puro snooze ang nakita ko sa mga alarm mo ah? Now, get your lazy butt off to work!"

"Pati cellphone ko pinakialaman mo? Wala na ba kong privacy?"

Pumunta na 'ko sa cr at nagmadaling maligo, after all 15 minutes na lang ata ang natitira bago pa 'ko tuluyang ma-late. At bumaba na 'ko sa kitchen para kumuha ng toast.

"Wala ka na bang ibibilis? You're known as a demon driver when it comes to racing pero ngayon? Ang tanging nakikita ko ay isang makupad na pagong na nagmamadali pero mabagal pa rin. Idadamay mo pa ako sa pagka-late mo."

That One Heck of a Guy (Ongoing)Where stories live. Discover now