CHAPTER 1: Delight Academy

13.8K 163 7
                                    

Wassup! This is the new version. Binago ko po dahil may mga chapters na masyadong maiiksi kaya pinagsama ko nalang po. I unpublished many chapters kaya sana antayin niyo po na ma-published ulit hehe. Thank you^_^

Sorry for the wrong grammars and typos na makakasalamuha niyo. And thank you kasi kahit magulo ito ay binabasa niyo parin.

Lovelots

~Jui


Christalie Zayra

"Auntie, saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay auntie. Bigla niya nalang kasi ako pinalipat ng school. Okay naman ako sa previous school ko. I can't get mad kay auntie kasi baka may dahilan talaga siya kung bakit niya ako inilipat. I really hope na i-explain niya sa akin kung ano man ang dahilan niya.

"Don't worry, andito na tayo." sabi niya. She stopped the car engine and prepared herself.

"By the way, I enrolled you as my daughter, so please act as my daughter okay? Christalie Zayra Park?" sabi ni Auntie kaya tumango nalang ako kahit naguguluhan ako, alam ko naman na hindi talaga ako anak ni Auntie, kaya nga Auntie tawag ko sa kanya eh.

Oo nga pala, Auntie's real name is Xiennah Zana Park. Hindi ko nakilala kung sino ang magulang ko kasi nung bata pa ako kela Auntie na ako nakatira. Siya rin ang nagpangalan sa akin ng pangalan ko ngayon. Thankful ako sa kaniya kasi hindi niya ako pinabayaan.

"Pero bakit naman, auntie? I really don't understand. Bakit kailangan ko na magpanggap na anak niyo ko? May hindi ba ako alam?" I asked habang nakakunot ang aking noo. Naguguluhan na talaga ako.

"Basta. Malalaman mo rin in the right time." auntie said. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay bumaba na kami ng sasakyan.

I checked the surroundings at doon ko lang na laman na sa magubat kaming parte ng lugar at may mahabang wall na sobrang taas na hindi madaling mapasok ng kung sino man.

Nang makapasok kami sa loob ay bumungad agad sa akin ang isang napakaganda at sobrang lawak na...school?

'Are you kidding me? Kailan pa nagkaroon ng school sa gubat?'

May nakita naman akong malaking sign na may mga disenyo ang bawat letra.

DELIGHT FANTASY

WELCOME TO
DELIGHT ACADEMY: SCHOOL OF MAGICALS

Magicals? Are they saying that magic exist? Jino-joke ba nila ako? Like duh! Alam naman natin na Magic don't exist. Sa panahon ngayon, kuwento-kuwento nalang ang mga ganiyan.

"Zana, andito ka na pala. Good morning." bati saamin ng babaeng nasa mid 20's na ang edad. Mga nasa 27 or 29 siguro?

"Yeah Hannah, nice to see you again." bati naman sa kanya ni Auntie. They hugged each other na para bang matagal na simula nung huli silang nagkita.

"So heto na ba si Christalie? Sabagay may pagkakahawig siya kay Christine Zeanna Kim." sabi nung babae pero hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. Sinadya niya atang hindi iparinig sa akin.

'Heh! Hindi naman ako chismosa 'no!'

"Oo nga pala, Zayra, she is Hannah Zoe Park and she is the Headmistress of this Academy. Also, my sister." sabi ni auntie at tinignan ako.

Headmistress? Ba't parang masyado pa siyang bata para mag manage nitong academy? Also, sister? Ngayon lang nabanggit sa akin ni auntie na may kapatid siya.

"Just call me Tita Zoe." tita Zoe said and gave me a smile. Kahit na-a-awkward ako ay ngumiti pa rin ako pabalik. Baka sabihin ang snob ko.

"By the way, Hannah and the admins here ay alam nila na hindi ako ang mommy mo." pagpapaliwanag ni mom. Edi bakit ko pa kailangan magpanggap na mommy ko siya? Ang gulo ah.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now