CHAPTER 7: No one would change

167 5 0
                                    

Christalie Zayra

Unti-unti kong minulat ang mata ko para maka-adjust sa liwanag na nagmumula sa ceiling. Geez, ang sakit ng ulo ko, ano ba nangyari?

Ang naalala ko lang ay takbo ako ng takbo dahil hinahabol ako ng mga vines na gawa ng kalaban ko tapos nung wala akong matakbuhan ay nakuha na ng vines ang magkabilang paa ko at inihampas sa lupa tapos the next thing I know ay parang may isang enerhiya ang dumaloy sa katawan ko na para bang kinokontrol ako.

Pero teka nga, nasaan ba ako? Inilibot ko ang paningin ko sa apat na sulok nitong room. Isa lang ang masasabi ko. Puti, puro puti.

Hala wait lang. Puti?! Geez hindi naman siguro diba? Pero don't tell me--eeehhh? Juice naman oh! Ayaw ko please huwag po muna. Kailangan ko pang makasama ang mga kaibigan ko. Magpapaalam po muna ako sa kanila kahit ilang minuto lang. Tapos...si auntie pa kailangan ko rin magpaalam sa kaniya, magpapasalamat pa ako sa kabutihan niya.

"Hoy Chriza! Anong ine-emote mo diyan?!" biglang salita ng isang tao plus kaboses pa ito ni Winter.

Lumaki ang mata ko at halos tumalon ang puso ko nang biglang bumukas ang kurtina sa tabi ko, bumungad si Winter na nakakunot ang noo't mapupungay pa ang mga mata na animo'y kagigising lang.

"Wints, ikaw nga iyan. Akala ko nananaginip lang ako. B-bakit ka andito? Patay ka narin ba?" naramdaman ko ang namumuong luha sa aking mga mata. Naglakad siya papalapit sa akin at--

*Boogsh*

Napangiwi ako habang hinihimas ang batok ko. Ba't niya ba ako binatukan? Concern lang naman ako ah. Hindi biro iyong nangyari sa amin. Kailangan pa siya doon sa Delight.

"Anong pinagsasabi mong babaita ka ha? Nahimatay ka lang tapos ngayon kung ano-ano na ang sinasabi mo diyan!" sigaw niya. Huhu ba't parang bad mood na bad moon siya ngayon?

"Bakit bad mood ka ngayon, huh?" tanong ko. Atsaka nahimatay raw ako? Whoo, akala ko naman katapusan ko na.

"Nagtitiwala ka ba talaga sa akin?" biglang tanong niya at hindi ko mapagtanto ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako. Anong nangyayari sa kanya ba't iba ang awra niya ngayon?

"A-ano bang pinagsasabi mo Winter? Siyempre nagtitiwala ako sayo, you're my bestfriend." saad ko habang pilit na itinatago ang kaba ko.

"Bakit di mo sinabi na may Fire element ka? Kung talagang nagtitiwala ka ay sasabihin mo iyon diba?" seryosong lintanya niya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at hindi ko mapagtanto kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pero ano raw?

"Fire element?" kunot-noong tanong ko. Anong sinasabi niya? Geez, may nangyari bang hindi ko alam?

"Akala ko ba ay nagtitiwala ka?" tanong niya.

"Nagtitiwala ako sayo Winter. Pero the fact na pinipilit mo yung about sa fire element ay mas lalong gumugulo ang isip ko. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari dahil sa pagkakaalam ko ay wind element lang naman ang mayroon ako." mahabang lintanya ko mababakas rin ang frustration sa boses ko bago ko siya tinignan. "Pwede ba ikwento mo kung ano talaga ang nangyari kanina? Ipaintindi mo naman sa akin."

Geez, stressing ang araw na 'to ah. Ang gulo-gulo. Pagkagising ko isang tanong agad ang bumungad sa akin. Isang tanong na hindi ko masagot-sagot. Fire element? Jino-joke ba nila ako? Paano ako magkakaroon ng Fire element?

"Okay. Ganito kasi yun, nung nahawakan ng mga vines yung kamay at paa mo tapos pinalo palo ka sa lupa bigla nalang naging abo yung mga vines na nakatali sayo tapos gumawa ka pa ng tornado na gawa sa fire." maikli pero mabilis na paliwanag niya. Umawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now