CHAPTER 4: Training Starts Now!

239 6 0
                                    

Christalie Zayra

"Chriza, Chriza, CHRIZAAA!" sigaw ni Winter mula sa kwarto niya. Napabalikwas naman ako ng bangon at mabilis na nagtungo sa kwarto niya.

"Bakit?! Anong nangyare?!" nagpapanic na sabi ko pagkapasok ko sa kwarto niya.

"Tara may ipapakita ako sayong picture." masayang sabi niya. Akala ko naman kung ano na! Nasobrahan na ata ako sa kape.

Lumapit ako sa kanya at tumingin sa laptop niya. May nakita akong apat babae. The other one is Winter at tatlo naman ay may pagkakahawig kay Winter pero iba't iba ang kulay ng buhok nila. Kung kay Winter ay blonde, yung babae sa kaliwa niya ay may orange hair, yung isa naman ay brown, while the other one has a yellow hair.

"Sino yung mga kasama mo sa picture?" tanong ko ng may halong curiosity. Sino ba naman ang hindi maku-curious diba? First time ko lang iyan nakita eh.

"They are my sisters." sabi ni Winter na may ngiti sa labi. Wow may kapatid pala siya? She never metioned it to me. Ayy, kaka-transfer ko lang pala dito kahapon. Feeling ko tuloy ang tagal ko na dito.

"The yellow hair one is Summer Yara, the orange one is Spring Yami, brown hair is Autumn Yuji, and of course the blonde hair is me Winter Yena." pagpapakila niya sa apat na tao sa picture.

"Ang bata mo pa sa picture." saad ko.

"Yeah, dati parin kasi iyang litrato na iyan. Obvious naman siguro?" natatawang saad niya.

"Cool. Ano kayo? Seasons Sisters?" pabirong sabi ko. Okay, sabi ko nga ang korni ko.

"Hmm...that's what everyone called us, Seasons Sisters. Ang weird nga sabi nila dahil kami lang daw ang may ganiyang klaseng pangalan haha." sabi niya sabay tawa. Pero hindi tawang masaya kundi tawang may halong hinanakit at lungkot.

"Saan na pala sila ngayon?" tanong ko pero biglang lumungkot ang mukha niya at ngumiti ng mapait. Ahy, sana pala hindi ko na tinanong. Mukhang masyadong personal.

"May umatake sa amin nung nasa Chantre Park kami but I can't remember every single details about it dahil bata pa ako 'nun pero may huling sinabi sa akin sina ate. Pumunta raw ako dito sa Delight Academy, dahil mas maaalagaan nila ako rito kapag hindi sila makabalik. Malayo rito sa academy ang tirahan namin noon kaya nahirapan akong hanapin ito nung una. In the middle of my adventure sa paghahanap nitong academy ay bigla nalang akong nahimatay sa daan, ilang araw narin kasi akong hindi nakakakain at nakakainom ng tubig noon. And then, when I woke up ay andito na ako, they said na nakita ako ni Gray na nakahandusay at siya raw ang nagdala sa akin dito. Si HM na ang halos nagpalaki sa akin kaya namin kailangan ko siyang bayaran kapalit ng pag-alaga nila sa akin. " mahabang lintanya niya.

"Paano mo mababayaran si HM?" curious na tanong ko. Malay ko ba kung saan sila nakakakuha ng pera.

"Sa pamamagitan ng misyon, pinapadala o  kami mismo ang pumipili ng misyon at kapag failed kami ay kalahati lang ng pera ang ibinibigay pero pagna-accomplished namin ay buong pera ang ibinibigay." sabi niya at tumango ako. So that means kailangan ko rin kumuha ng misyon para makabili ako ng pangangailangan at para mabayaran ang mga bayarin dito sa academy? Akala ko tuloy libre na ang mga kailangan dito. Mali pala ako.

"Oo kailangan mo iyon noon pero ngayon na kay HM na ang desisyon kung papayag siya." sabi niya. Binasa niya siguro ang nasa isip ko.

Natigil ang pag-uusap namin dahil may biglang kumatok sa pinto kaya agad akong lumabas ng kwarto para buksan ang pinto dahil baka may kailangan yung taong kumakatok. Mahirap na pag-antayin baka maasar sa atin.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now