CHAPTER 13: Truth

3.1K 51 4
                                    

Too fast. Masyadong mabilis na mga pangyayari. I'm sorry. May isang hint na nakatago dito hehe. Baka may typos na naman pasensya na.

~ Jui

Christalie Zayra

Pagod man kaming nakarating sa academy ay hindi na kami nagsayang ng oras. Agad kaming nagtungo sa office ni tita para ibalita na successful ang misyon at nakuha na namin ang singsing.

Pagbukas ni Hailan ng pinto ay agad na bumungad sa amin ang seryosong si tita kasama si Prinsipe Drake. Yumuko kami papasok tanda ng paggalang sa prinsipe.

"Tita, nakuha na po namin-----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog dahilan para magpanic kami.

"Nagsisimula na sila. Huwag na tayong magsayang ng oras. Ibigay niyo na kay Drake ang isang singsing." seryosong saad ni Tita kaya agad ko namang ibinigay kay Prinsipe Drake ang singsing na nasa bulsa ko.

"Suotin mo naman ang isang singsing." serysosong nakatingin sa akin si tita. Huh? Pero hindi naman ako ang prinsesa.

"Pero tita----"

"Malalaman mo rin Christalie. Kaya isuot niyo na!" biglang sigaw nito dahilan para agad kong maisuot ang singsing.

Sa pagsuot namin ng singsing ay agad itong naglabas ng nakakasilaw na liwanag dahilan para mapapikit kaming lahat. Mayroon namang mga images na pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung saan nanggaling o kung kanino ang mga ito. Sobrang lakas ng mga enerhiya na pumapasok sa katawan ko dahilan para unti-unti akong mawalan ng malay.

Author

Agad na dinala nina Hailan at Mark si Christalie sa hidden clinic para doon magpahinga at para hindi maabala ang pagpapalakas niya para sa laban na ito.

Samantala, ang mga estudyante at mga guro ng academy ay sumabak sa laban. Maraming mga puno at mga buildings ang nasira halos pagod at sugatan na ang mga iba sa mga estudyante dahil sa pakikipaglaban.

"Drake, samahan mo si Christalie sa clinic. Kailangan mo rin magpalakas dahil kayo lang ang makakatulong sa amin at sa mga estudyante." saad ng headmaster nila. Tumango naman si Drake at agad na dumiretso sa hidden clinic.

Pagkarating naman ni Drake sa clinic ay agad siyang umupo sa tabi ng natutulog niyang kapatid na si Christalie.

"Hi, Christalie. Hindi ko akalain na kapatid pala kita, kaya siguro ang gaan ng loob ko sayo dahil magkadugo pala tayo. Alam mo marami pa akong ikukuwento sayo kaya magpalakas ka ha? Ibabalik pa natin sa ayos ang academy tapos magbobonding pa tayong dalawa. Mahal na mahal ka ni kuya." nanginginig na lintanya ni Drake sa natutulog niyang kapatid. Hindi maipagkakaila na miss na miss niya na ang kaniyang kapatid dahil ilang mga taon narin ang nasayang simula nung nagkahiwalay ng landas ang dalawa.

Sa kabilang banda ay sina Winter, Jaye, at Yanny na nakatingin kay Drake habang hawak ang kamay ni Christalie.

"Okay lang kaya si Chriza?" nag-aalalang tanong ni Winter.

"Okay lang siya Winter, nagpapahinga lang siya. Don't worry dahil anytime ay pwede na siyang magising." Sabi ni Jaye sabay tapik sa likod ni Winter.

"How did you know na magigising na siya anytime?" manghang tanong ni Yanny.

"Instinct" maikling sagot niya.

"Pero guys, kakayanin kaya ni Christalie ang laban na ito?" biglang tanong ni Winter dahilan para mapatingin ang dalawa sa kaniya. "I mean parang ang bilis ng mga pangyayari. Hindi pa sapat ang lakas at ang mga natutunan ni Christalie para sa ganitong klase ng laban. Paano kung...paano kung hindi niya kayanin?"

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now