CHAPTER 11: Destination

3.5K 90 3
                                    

Christalie Zayra

Naglalakad kami ng sama-sama sa Creatus Forest dahil masyadong delikado at maraming mababangis na hayop ang nagkalat dito.

"Say hi to the camera, guys!" pagbasag ni Ash sa katahimikan sabay tutok sa amin nung camera. May camera pala siyang dala? Hindi ko agad napansin yun ah.

"Hi!" nakangiting bati ni Yanny sa camera at nagpa-cute pa.

"Nagdala ka pala ng camera?" tanong ko kay Ash habang naglalakad kami.

"Yup. Memories." sagot niya kaya tumango nalang ako. Hinarap niya naman ang camera kay Hailan at Mark.

"Guys, wassup. Welcome to English." saad niya sa dalawa. Wow, ang random namam niya.

"How old are you?" tanong ni Ash habang nakatutok kay Mark yung camera.

"I'm 24 years old." sagot ni Mark na nangiti pa sa camera at ginawang mike ang kamay.

"Ahh...24 years old." saad ni Ash with matching tango-tango pa.

"Yes." sabi ni Mark habang kunwari may hawak-hawak pa na mic.

"I'm 19, you fight me?" biglang saad ni Ash sa kanya. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa english ni Ash, patin nga si Hailan halatang nagpipigil rin ng tawa.

"Eyy, sorry man. I'm older than you!" biglang sambit ni Mark. Nakakatuwa sila panoorin. Pampa-good vibes. "You pigga baby." dagdag nito.

Saglit namang natahimik si Ash, uh-oh. Natawa naman si Hailan. Woah, ang cute naman tumawa ng lalaking 'to.

"Eyy, mistake...mistake." paghingi ng tawad ni Mark. Palihim kaming natawa dahil halatang kinabahan ang mukha niya.

"You try again, you try. I'm what?" tanong ni Ash kay Mark habang nakatutok ang camera. "I'm what?"

"I said you're very very very handsome, boy." mabilis na sagot no Mark na sinundan ng hindi mo mawaring tawa.

"I'm angry." lintanya ni Ash at sinamaan ng tingin si Mark.

"Sorry, baby Ash." sweet na paghingi ng tawad ni Mark. At dahil doon ay hindi na namin mapigilang matawa. Cringe. Baby Ash.

"I'm not a pig." saad ni Ash dahilan para matawa kami ng malakas. Iyon pala ang ikinagagalit ng loko.

"What's funny?" kunot noong tanong niya at tinutok sa amin ang camera.

"You...you're funny." hindi na makahinga si Yanny dahil sa sobrang tawa. Napa-pout naman si Ash.

"We...we are older than you, okay?" tila nagkaroon si Mark ng confidence na sabihin iyon kaya naman natatawang tumango-tango si Ash. "Sorry brother!" dagdag nito.

"Uhh I'm fine." sagot ni Ash at itinigil na ang pagvi-video pero siyempre sinave niya muna ito. Nakakatuwa sila panoorin nakalimutan ko tuloy na naglalalad parin kami hanggang ngayon.

"Guys kanina pa tayo naglalakad dito, pwede ba magpahinga muna tayo?" reklamo ni Jaye. Napapagod pala siya? Parang kanina lang ay pinapamadali niya kami.

"Fine. 10 minutes." saad ni Hailan na nabalik sa poker face kanina lang tumawa at ngumiti siya tapos ngayon seryoso at tahimik na siya. Wow, duality.

May nakita naman kaming malalaking bato sa gilid kaya dun namin napag-pasiyahang umupo. Kumuha ako ng snickers tatlo at binigyan isa-isa sila Ash, Mark, at Hailan. Tinanggap naman nila ito at nagpasalamat.

"Thanks." mahinang sambit ni Hailan pero narinig ko parin.

"You're welcome." sabi ko sa kanila.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now